Add parallel Print Page Options

30 Sinabi nga nila sa kaniya, Ano nga ang inyong ginagawa na pinakatanda, upang aming makita, at sampalatayanan ka namin? ano ang ginagawa mo?

31 Nagsikain ang aming mga magulang ng mana sa ilang; gaya ng nasusulat, (A)Tinapay na galing sa langit ang sa kanila'y kaniyang ipinakain.

32 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na galing sa langit; kundi ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na galing sa langit.

Read full chapter