Juan 4-6
Ang Salita ng Diyos
Nakipag-usap si Jesus sa Babaeng Taga-Samaria
4 Nalaman ng Panginoon na narinig ng mga Fariseo ang ginagawa ni Jesus. Narinig nila na siya ay nagkaroon ng higit na maraming alagad kaysa kay Juan at binawtismuhan niya sila.
2 Bagamat, hindi si Jesus ang siyang nagbabawtismo, kundi ang kaniyang mga alagad. 3 Dahil dito, umalis siya sa Judea at pumunta muli sa Galilea.
4 Kinakailangang dumaan siya sa Samaria. 5 Pumunta nga siya sa Sicar na isang lungsod ng Samaria. Ito ay malapit sa lupaing ibinigay ni Jacob sa kaniyang anak na si Jose. 6 Naroroon ang bukal ni Jacob. Dahilnapagod si Jesus sa paglalakbay kaya umupo siya sa tabi ng balon. Noon ay mag-iikaanim na ang oras ng araw.
7 Dumating ang isang babaeng taga-Samaria upang sumalok ng tubig. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Bigyan mo ako ng maiinom. 8 Ang kaniyang mga alagad ay pumunta na sa lungsod upang bumili ng pagkain.
9 Sinabi sa kaniya ng babaeng taga-Samaria: Bakit ka humihingi sa akin ng maiinom? Ikaw ay isang Judio samantalang ako ay isang babaeng taga-Samaria sapagkat ang mga Judio ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga taga-Samaria.
10 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Kung alam mo ang kaloob ng Diyos at kung sino siya na nagsasabi sa iyo: Bigyan mo ako ng maiinom, ay hihingi ka sa kaniya. At ibibigay niya sa iyo ang tubig na buhay.
11 Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, wala kang panalok at malalim ang balon. Saan magmumula ang iyong tubig na buhay? 12 Mas dakila ka ba sa aming amang si Jacob? Siya ang nagbigay sa amin ng balon. Siya ay uminom dito, gayundin ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga hayop.
13 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Ang bawat isang uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw. 14 Ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na mauuhaw magpakailanman. Ang tubig na aking ibibigay sa kaniya ay magiging balon ng tubig na mapapasa kaniya. Ito ay bubukal sa buhay na walang hanggan.
15 Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, bigyan mo ako ng tubig na ito upang hindi na ako mauhaw ni pumunta rito upang sumalok.
16 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Humayo ka, tawagin mo ang iyong asawa at pumarito kayo.
17 Sumagot ang babae at sinabi: Wala akong asawa.
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Mabuti ang sinabi mong wala kang asawa.
18 Ito ay sapagkat nagkaroon ka na ng limang asawa at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Totoo ang iyong sinabi.
19 Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, sa pakiwari ko ikaw ay isang propeta. 20 Sa bundok na ito sumamba ang aming mga ninuno. Sinasabi ninyo na ang pook na dapat sumamba ay sa Jerusalem.
21 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, maniwala ka sa akin. Darating ang oras na sasambahin ninyo ang Ama hindi sa bundok na ito, ni sa Jerusalem. 22 Hindi ninyo nakikilala ang sinasamba ninyo. Kilala namin ang aming sinasamba sapagkat ang kaligtasan ay sa mga Judio. 23 Darating ang oras at ngayon na nga, na ang mga tunay na mananamba ay sasamba sa Ama, sa espiritu at sa katotohanan sapagkat hinahanap ng Ama ang mga gayong sumasamba sa kaniya. 24 Ang Diyos ay Espiritu. Sila na sumasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at sa katotohanan.
25 Sinabi ng babae sa kaniya: Alam ko na ang Mesiyas na tinatawag na Cristo ay darating. Sa kaniyang pagdating ay sasabihin niya sa amin ang lahat ng mga bagay.
26 Sinabi sa kaniya ni Jesus: Ako iyon, ako na nagsasalita sa iyo.
Ang mga Alagad ay Muling Sumama kay Jesus
27 Nang sandaling iyon ay dumating ang kaniyang mga alagad. Sila ay namangha na siya ay nakikipag-usap sa isang babae. Gayunman walang isa mang nagtanong: Ano ang iyong hinahanap o bakit ka nakikipag-usap sa kaniya?
28 Iniwan nga ng babae ang kaniyang banga at pumunta sa lungsod. Sinabi niya sa mga lalaki: 29 Halikayo, tingnan ninyo ang isang lalaki na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa. Hindi kaya ito na ang Mesiyas? 30 Lumabas nga sila sa lungsod at pumunta kay Jesus.
31 Samantala, ipinakikiusap sa kaniya ng mga alagad na nagsasabi: Guro, kumain ka.
32 Sinabi niya sa kanila: Mayroon akong kakaining pagkain na hindi ninyo alam.
33 Sinabi ng mga alagad sa isa’t isa: May nagdala ba sa kaniya ng makakain?
34 Sinabi ni Jesus sa kanila: Ang aking pagkain ay ang gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang kaniyang gawain. 35 Hindi ba sinasabi ninyo: Apat na buwan pa bago dumating ang tag-ani? Narito, sinasabi ko sa inyo: Itaas ninyo ang inyong paningin at tingnan ang mga bukid. Ito ay hinog na para anihin. 36 Ang nag-aani ay tumatanggap ng upa. Siya ay nag-iipon ng bunga patungo sa buhay na walang hanggan. Ito ay upang ang naghahasik at ang nag-aani ay kapwa magkasamang magalak. 37 Sa gayong paraan, totoo ang kasabihan: Iba ang naghahasik at iba ang nag-aani. 38 Sinugo ko kayo upang mag-ani ng hindi ninyo pinagpaguran. Ibang tao ang nagpagod at kayo ang nakinabang sa kanilang pinagpaguran.
Maraming Taga-Samaria ang Sumampalataya
39 Marami sa mga taga-Samaria sa lungsod na iyon ang sumampalataya kay Jesus dahil sa salita ng babaeng nagpatotoo: Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa.
40 Kaya nga, nang pumunta kay Jesus ang mga lalaking taga-Samaria ay hiniling nilang siya ay manatili na kasama nila. At siya ay nanatili roon ng dalawang araw. 41 Marami pa ang mga nagsisampalataya dahil sa kaniyang salita.
42 Sinabi nila sa babae: Sumasampalataya kami ngayon hindi na dahil sa sinabi mo. Kami ang nakarinig at aming nalaman na ito na nga ang Mesiyas. Alam namin na totoong siya ang Tagapagligtas ng sanlibutan.
Pinagaling ni Jesus ang Anak ng Pinuno
43 Pagkaraan ng dalawang araw na iyon, umalis siya roon at pumunta sa Galilea.
44 Ito ay sapagkat si Jesus ang siyang nagpatotoo: Ang isang propeta ay walang karangalan sa sarili niyang bayan. 45 Kaya nang siya ay dumating sa Galilea, tinanggap siya ng mga taga-Galilea na pumunta rin sa kapistahan. Ito ay sapagkat nakita nila ang lahat ng mga bagay na ginawa niya sa Jerusalem sa panahon ng kapistahan.
46 Pumunta ngang muli si Jesus sa Cana na nasa Galilea. Ito ang pook na kung saan ginawa niyang alak ang tubig. Naroroon ang isang opisyal ng hari na ang kaniyang anak na lalaki, na nasa Capernaum, ay maysakit. 47 Narinig ng opisyal ng hari na si Jesus ay dumating sa Galilea mula sa Judea. Pagkarinig niya, pumunta siya kay Jesus at hiniling na siya ay lumusong at pagalingin ang kaniyang anak na lalaki sapagkat ang kaniyang anak ay mamamatay na.
48 Sinabi nga sa kaniya ni Jesus: Malibang makakita kayo ng mga tanda at mga kamangha-manghang gawa, kailanman ay hindi kayo sasampalataya.
49 Sinabi sa kaniya ng opisyal ng hari: Ginoo, lumusong ka bago mamatay ang aking maliit na anak.
50 Sinabi sa kaniya ni Jesus: Yumaon ka, buhay ang anak mong lalaki.
Sinampalatayanan ng lalaki ang salitang sinabi ni Jesus sa kaniya at siya ay umalis.
51 Nang siya ay lumulusong na, sinalubong siya ng kaniyang mga alipin. Kanilang iniulat na buhay ang kaniyang anak. 52 Tinanong niya sila kung anong oras bumuti ang kaniyang anak. Kanilang sinabi sa kaniya: Kahapon nang ikapitong oras ng araw nawala ang kaniyang lagnat.
53 Nalaman nga ng ama na sa ganoong oras sinabi ni Jesus sa kaniya: Ang iyong anak na lalaki ay buhay. Siya ay sumampalataya pati na ang kaniyang buong sambahayan.
54 Ito ang ikalawang tanda na ginawa ni Jesus sa kaniyang pagdating sa Galilea mula sa Judea.
Pinagaling ni Jesus ang Lalaki sa may Dako ng Paliguan
5 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay may kapistahan ang mga Judio. Si Jesus ay umahon sa Jerusalem.
2 May malaking dakong paliguan sa Jerusalem na nasa tabi ng Tarangkahan ng mga Tupa. Ito ay tinatawag na Betesda sa wikang Hebreo. Ito ay mayroong limang portiko. 3 Dito ay may napakaraming nakahiga na maysakit. May mga bulag, pilay at nanunuyot, na naghihintay ng paggalaw ng tubig. 4 Ito ay sapagkat may mga panahon na lumulusong ang isang anghel sa dakong paliguan at hinahalo ang tubig. Ang unang makalusong pagkatapos haluin ang tubig ay gumagaling sa anumang sakit na mayroon siya. 5 Naroroon ang isang lalaki na tatlumpu’t walong taon nang maysakit. 6 Siya ay nakita ni Jesus na nakahiga. At alam niya na matagal nang panahon na siya ay may sakit. Sinabi niya sa kaniya: Nais mo bang gumaling?
7 Sumagot sa kaniya ang maysakit: Ginoo, wala akong kasama na maglagay sa akin sa dakong paliguan pagkahalo sa tubig. Sa pagpunta ko roon ay may nauuna nang lumusong sa akin.
8 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka. 9 Kaagad na gumaling ang lalaki at binuhat niya ang kaniyang higaan at lumakad.
Noon ay araw ng Sabat.
10 Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya na pinagaling: Ngayon ay araw ng Sabat, labag sa kautusan na magbuhat ka ng higaan.
11 Sumagot siya sa kanila: Ang nagpagaling sa akin ay siya ring nagsabi sa akin: Buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka.
12 Tinanong nga nila siya: Sino ang lalaking nagsabi sa iyong buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka?
13 Hindi nakilala ng pinagaling kung sino siya sapagkat si Jesus ay nakaalis na at maraming mga tao sa pook na iyon.
14 Pagkatapos nito, natagpuan siya ni Jesus sa templo. Sinabi sa kaniya: Narito, ikaw ay magaling na. Huwag ka nang magkasala upang hindi mangyari sa iyo ang malubhang bagay. 15 Umalis ang lalaki at sinabi sa mga Judio na si Jesus ang nagpagaling sa kaniya.
Ang Buhay sa Pamamagitan ng Anak
16 Dahil dito, inusig ng mga Judio si Jesus. Humanap sila ng pagkakataon upang patayin siya sapagkat ginawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng Sabat.
17 Sinabi sa kanila ni Jesus: Ang aking Ama ay gumagawa hanggang ngayon at ako ay gumagawa. 18 Dahil dito ay lalo ngang naghanap ng pagkakataon ang mga Judio na patayin siya. Ito ay sapagkat hindi lamang niya nilabag ang araw ng Sabat kundi tinawag pa niyang sariling Ama ang Diyos, na ipinapantay ang kaniyang sarili sa Diyos.
19 Tumugon nga si Jesus at sinabi sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hindi makakagawa ng anuman ang Anak sa kaniyang sarili malibang makita niya ang ginagawa ng Ama sapagkat anumang mga bagay na ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak. 20 Ito ay sapagkat mahal ng Ama ang Anak at ipinapakita niya sa kaniya ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa. At higit na dakilang mga gawa kaysa sa mga ito ang ipapakita niya sa kaniya upang kayo ay mamangha. 21 Ito ay sapagkat kung papaanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at binubuhay sila, gayundin binubuhay ng Anak ang nais niyang buhayin. 22 Ito ay sapagkat ang Ama ay hindi humahatol sa sinuman ngunit ibinigay niya ang lahat ng paghatol sa Anak. 23 Ito ay upang parangalan ng lahat ang Anak kung papaano nila pinarangalan ang Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kaniya.
24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang dumirinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Siya ay hindi na hahatulan kundi lumipat na mula sa kamatayan patungo sa buhay. 25 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang oras ay darating at ito ay ngayon na. Sa oras na iyon ay maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos. Sila na nakarinig ay mabubuhay. 26 Ito ay sapagkat kung papaanong ang Ama ay mayroong buhay sa kaniyang sarili ay gayundin pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili. 27 Ang kapamahalaan ay ibinigay rin sa kaniya upang magsagawa ng paghatol sapagkat siya ay Anak ng Tao.
28 Huwag kayong mamangha sa bagay na ito sapagkat darating ang oras na ang lahat ng nasa mga libingan ay makakarinig ng kaniyang tinig. 29 Sila na gumawa ng mabuti ay lalabas mula sa libingan patungo sa buhay. Ang mga gumawa ng masama ay lalabas mula sa mga libingan patungo sa kahatulan. 30 Hindi ako makakagawa ng anuman na mula sa aking sarili. Ako ay humahatol ayon sa naririnig ko. Ang aking hatol ay matuwid sapagkat hindi ko hinahanap ang aking kalooban kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa akin.
Mga Patotoo Patungkol kay Jesus
31 Kung ako ay magpapatotoo patungkol sa aking sarili, ang aking patotoo ay hindi totoo.
32 Iba ang nagpapatotoo patungkol sa akin at alam ko na ang patotoong pinatotohanan niya patungkol sa akin ay totoo.
33 May sinugo kayong mga Judio kay Juan at siya ay nagpatotoo sa katotohanan. 34 Hindi ako tumatanggap ng patotoo mula sa tao datapuwat sinasabi ko ang mga bagay na ito upang kayo ay maligtas. 35 Siya ang nagniningas at nagliliwanag na ilawan. Kayo ay pumayag na magalak ng maikling panahon sa kaniyang liwanag.
36 Ako ay may patotoong mas higit kaysa sa patotoo ni Juan. Ang mga gawain na ipinagkaloob sa akin ng Ama upang tapusin ay nagpapatotoo patungkol sa akin. Ang mga gawaing ginagawa ko ay nagpapatotoong ang Ama ang nagsugo sa akin. 37 Ang Ama na nagsugo sa akin ay siyang nagpatotoo patungkol sa akin. Kailanman ay hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig o nakita man ang kaniyang anyo. 38 Walang nanatiling salita niya sa inyo dahil hindi kayo sumampalataya sa sinugo niya. 39 Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat sa palagay ninyo na sa mga ito ay may buhay na walang hanggan. Ang mga kasulatang ito ang nagpapatotoo patungkol sa akin. 40 Ayaw ninyong lumapit sa akin upang kayo ay magkaroon ng buhay.
41 Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatian mula sa mga tao. 42 Subalit kilala ko kayo, na sa inyong sarili ay wala kayong pag-ibig sa Diyos. 43 Pumarito ako sa pangalan ng aking Ama at hindi ninyo ako tinanggap. Kapag may ibang pumarito sa kaniyang sariling pangalan ay siya ninyong tatanggapin. 44 Papaano kayo makakasampalataya, kayo na tumatanggap ng kaluwalhatian sa isa’t isa? At hindi ninyo hinahanap ang parangal na nagmumula sa iisang Diyos.
45 Huwag ninyong isiping pararatangan ko kayo sa Ama. Si Moises na inyong inasahan ang siyang magpaparatang sa inyo. 46 Yamang sumampalataya kayo kay Moises ay sasampalataya rin kayo sa akin. Ito ay sapagkat siya ay sumulat patungkol sa akin. 47 Yamang hindi ninyo sinasampalatayanan ang kaniyang mga sinulat papaano ninyo sasampalatayanan ang aking mga salita?
Ang Pagpapakain ni Jesus sa Limang Libong Lalaki
6 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumawid si Jesus sa lawa ng Galilea. Ito ay ang lawa ng Tiberias.
2 Maraming mga tao ang sumunod sa kaniya dahil nakita nila ang mga tanda na kaniyang ginawa sa mga maysakit. 3 Si Jesus ay umakyat sa bundok at umupo roon na kasama ng kaniyang mga alagad. 4 Malapit na ang araw ng Paglagpas, ang kapistahan ng mga Judio.
5 Nang tumingin si Jesus sa paligid, nakita niya ang napakaraming taong papalapit sa kaniya. Sinabi niya kay Felipe: Saan tayo makakabili ng tinapay upang makakain ang mga ito? 6 Sinabi niya ito upang subukin si Felipe sapagkat alam na niya kung ano ang kaniyang gagawin.
7 Sumagot si Felipe sa kaniya: Ang dalawandaang denaryong tinapay ay hindi sapat sa kanila upang makatanggap ng kaunti ang bawat isa sa kanila.
8 Isa sa kaniyang mga alagad, si Andres, na kapatid ni Simon Pedro ay nagsabi sa kaniya: 9 Mayroong isang batang lalaki rito na may limang tinapay na sebada at dalawang maliit na isda. Gasino na ito sa ganitong karaming tao?
10 Sinabi ni Jesus: Paupuin ninyo ang mga tao. Madamo sa dakong iyon kaya umupo ang mga lalaki na ang dami ay humigit-kumulang sa limang libo. 11 Kinuha ni Jesus ang mga tinapay. Nang makapagpasalamat siya, ipinamahagi niya ito sa mga alagad at ipinamahagi naman ng mga nila sa mga nakaupo. Gayundin ang ginawa sa mga isda, ito ay ipinamahagi gaano man ang kanilang ibigin.
12 Nang sila ay mabusog, sinabi niya sa kaniyang mga alagad: Ipunin ninyo ang mga lumabis na bahagi upang walang masayang. 13 Inipon nga nila ang mga lumabis. Nakapuno sila ng labindalawang bakol ng bahaging mula sa limang tinapay na sebada na lumabis sa mga kumain.
14 Nakita ng mga tao ang tandang ginawa ni Jesus. Dahil dito kanilang sinabi: Totoong ito na nga ang propeta na darating sa sanlibutan. 15 Nalaman ni Jesus na sila ay papalapit at siya ay susunggaban upang gawing hari. Dahil dito siya ay umalis at pumuntang muli na nag-iisa sa bundok.
Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig
16 Nang magtakipsilim na, lumusong ang kaniyang mga alagad sa lawa.
17 Sumakay sila sa bangka. Sila ay papatawid ng lawa patungong Capernaum. Dumilim na at hindi pa nila kasama si Jesus. 18 Sa pag-ihip ng malakas na hangin, ang lawa ay naging maalon. 19 Nang sila ay nakagaod na ng may lima o anim na kilometro nakita nila si Jesus. Siya ay lumalakad sa ibabaw ng lawa papalapit sa bangka at sila ay natakot. 20 Ngunit sinabi niya sa kanila: Ako ito, huwag kayong matakot. 21 Malugod nga nilang pinasakay si Jesus sa bangka. Kapagdaka, ang bangka ay nasa lupa na ng kanilang pupuntahan.
22 Kinabukasan, nakita ng mga taong nanatili sa kabilang ibayo ng lawa na walang ibang bangka roon. Ang naroroon lang ay ang sinakyan ng mga alagad ni Jesus. Alam nilang hindi sumama si Jesus sa kaniyang mga alagad sa bangka at sila lang ang umalis. 23 May ibang mga bangkang dumating na mula sa Tiberias. Ito ay malapit sa pook na kung saan sila ay kumain ng tinapay pagkatapos pasalamatan ng Panginoon. 24 Nakita nga ng mga tao na wala si Jesus maging ang mga alagad niya. Pagkatapos sumakay rin sila sa mga bangka at pumunta sa Capernaum at hinahanap nila si Jesus.
Si Jesus ang Tinapay ng Buhay
25 Natagpuan nila siya sa kabilang dako ng lawa. Pagkakita nila, tinanong nila siya: Guro, kailan ka pumunta rito?
26 Sumagot si Jesus sa kanila at sinabi: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hinanap ninyo ako hindi sa dahilang nakita ninyo ang mga tanda. Ang dahilan ay nakakain kayo ng mga tinapay na sebada at nasiyahan. 27 Huwag kayong gumawa para sa pagkaing nasisira kundi gumawa kayo para sa pagkaing mananatili sa walang hanggang buhay. Ito ay ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao sapagkat siya ang tinatakan ng Diyos Ama.
28 Sinabi nga nila sa kaniya: Ano ang gagawin namin upang aming magawa ang mga gawaing mula sa Diyos?
29 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Ito ang gawain mula sa Diyos, na kayo ay sumampalataya sa kaniya na isinugo ng Ama.
30 Sinabi nga nila sa kaniya: Ano ngayon ang tandang gagawin mo upang makita namin at sumampalataya kami sa iyo? Ano ang gagawin mo? 31 Ang mga ninuno namin ay kumain ng mana sa ilang. Katulad ng nasusulat: Binigyan niya sila ng tinapay na kakainin na nagmula sa langit.
32 Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hindi kayo binigyan ni Moises ng tinapay mula sa langit. Ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit. 33 Ito ay sapagkat ang tinapay ng Diyos ay siya na bumabang mula sa langit at nagbibigay ng buhay sa sanlibutan.
34 Kanila ngang sinabi sa kaniya: Panginoon, bigyan mo kami ng tinapay na ito.
35 Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako ang tinapay ng buhay. Siya na lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman. Siya na sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman. 36 Sinabi ko sa inyo, na nakita rin ninyo ako at hindi kayo sumampalataya. 37 Ang lahat ng ibinigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin. Siya na lalapit sa akin ay hindi ko itataboy kailanman. 38 Ito ay sapagkat ako ay bumaba mula sa langit hindi upang gawin ang sarili kong kalooban kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin. 39 Ito ang kalooban ng Ama na nagsugo sa akin: Wala akong iwawaglit sa lahat nang ibinigay niya sa akin ngunit ibabangon siya sa huling araw. 40 Ito ang kalooban niya na nagsugo sa akin: Ang bawat isa na nakakakita sa Anak at sumasampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ibabangon ko siya sa huling araw.
41 Ang mga Judio nga ay nagbulung-bulungan patungkol sa kaniya dahil sinabi niya: Ako ang tinapay na bumabang mula sa langit. 42 Sinabi nila: Hindi ba ito ay si Jesus na anak ni Jose at kilala natin ang kaniyang ama at ina? Papaano nga niya masasabing: Ako ay bumabang mula sa langit?
43 Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila: Huwag kayong magbulong-bulungan. 44 Walang taong makakalapit sa akin malibang ilapit siya ng Ama na nagsugo sa akin at ibabangon ko siya sa huling araw. 45 Nasusulat sa aklat ng mga propeta: At silang lahat ay tuturuan ng Diyos. Ang bawat isa nga na nakarinig sa Ama at natuto ay lumalapit sa akin. 46 Ito ay hindi dahil sa nakita ng sinuman ang Ama. Ang tanging nakakita sa Ama ay siya na mula sa Diyos. 47 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Siya na sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang hanggan. 48 Ako ang tinapay ng buhay. 49 Ang inyong mga magulang na kumain ng tinapay sa ilang ay nangamatay na. 50 Ito ang tinapay na bumabang mula sa langit. Maaaring kumain nito ang sinuman at hindi mamamatay. 51 Ako ang tinapay na buhay na bumaba mula sa langit. Ang sinumang makakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman. Ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman. Ito ang aking ibibigay para sa buhay ng sanlibutan.
52 Nagtalo-talo nga ang mga Judio. Kanilang sinabi: Papaano niya maibibigay sa atin ang kaniyang laman upang kainin?
53 Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Malibang kayo ay makakain ng laman ng Anak ng tao at makainom ng kaniyang dugo ay wala kayong buhay. 54 Siya na kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan. Ibabangon ko siya sa huling araw. 55 Ito ay sapagkat ang aking laman ay totoong pagkain at ang aking dugo ay totoong inumin. 56 Siya na kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin. Ako naman ay sumasa kaniya. 57 Ang Amang buhay ang nagsugo sa akin at ako ay nabubuhay dahil sa Ama. Gayundin ang kumakain sa akin. Siya ay mabubuhay dahil sa akin. 58 Ito ang tinapay na bumabang mula sa langit. Hindi ito tulad nang ang inyong mga ninuno ay kumain ng mana at ngayon ay mga patay na. Siya na kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman. 59 Sinabi niya ang mga bagay na ito nang siya ay nagtuturo sa sinagoga sa Capernaum.
Marami sa mga Alagad ang Tumalikod kay Jesus
60 Marami nga sa kaniyang mga alagad na nang marinig ito ay nagsabi: Mahirap ang pananalitang ito. Sino ang makakaunawa nito?
61 Nalalaman ni Jesus sa sarili niya na nagbubulong-bulungan ang kaniyang mga alagad patungkol dito. Sinabi niya sa kanila: Nakakatisod ba ang sinabi ko sa inyo? 62 Gaano pa kaya kung makita ninyo ang Anak ng Tao na pumapaitaas sa dati niyang kinaroroonan? 63 Ang Espiritu ang siyang nagbibigay buhay. Walang napapakinabangan ang laman. Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay espiritu at buhay. 64 Subalit mayroong ilan sa inyo na hindi sumasampalataya. Alam ni Jesus nang simula pa kung sino sila na hindi sasampalataya at kung sino ang magkakanulo sa kaniya. 65 Sinabi niya: Kaya nga, sinabi ko sa inyo: Walang sinumang makakalapit sa akin malibang ibigay ito sa kaniya ng aking Ama.
66 Mula noon marami sa kaniyang mga alagad ang bumalik at hindi na sumama sa kaniya.
67 Kaya nga, sinabi ni Jesus sa labindalawa: Nais din ba ninyong umalis?
68 Sumagot sa kaniya si Simon Pedro: Panginoon, kanino kami pupunta? Nasa iyo ang mga salita ng walang hanggang buhay. 69 Kami ay sumampalataya at nalaman namin na ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng buhay na Diyos.
70 Sumagot sa kanila si Jesus: Hindi ba labindalawa kayong pinili ko at isa sa inyo ay diyablo? 71 Ang tinutukoy niya ay si Judas na taga-Keriot na anak ni Simon sapagkat siya ang magkakanulo sa kaniya. Siya ay isa sa labindalawa.
Juan 4-5
Ang Salita ng Diyos
Nakipag-usap si Jesus sa Babaeng Taga-Samaria
4 Nalaman ng Panginoon na narinig ng mga Fariseo ang ginagawa ni Jesus. Narinig nila na siya ay nagkaroon ng higit na maraming alagad kaysa kay Juan at binawtismuhan niya sila.
2 Bagamat, hindi si Jesus ang siyang nagbabawtismo, kundi ang kaniyang mga alagad. 3 Dahil dito, umalis siya sa Judea at pumunta muli sa Galilea.
4 Kinakailangang dumaan siya sa Samaria. 5 Pumunta nga siya sa Sicar na isang lungsod ng Samaria. Ito ay malapit sa lupaing ibinigay ni Jacob sa kaniyang anak na si Jose. 6 Naroroon ang bukal ni Jacob. Dahilnapagod si Jesus sa paglalakbay kaya umupo siya sa tabi ng balon. Noon ay mag-iikaanim na ang oras ng araw.
7 Dumating ang isang babaeng taga-Samaria upang sumalok ng tubig. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Bigyan mo ako ng maiinom. 8 Ang kaniyang mga alagad ay pumunta na sa lungsod upang bumili ng pagkain.
9 Sinabi sa kaniya ng babaeng taga-Samaria: Bakit ka humihingi sa akin ng maiinom? Ikaw ay isang Judio samantalang ako ay isang babaeng taga-Samaria sapagkat ang mga Judio ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga taga-Samaria.
10 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Kung alam mo ang kaloob ng Diyos at kung sino siya na nagsasabi sa iyo: Bigyan mo ako ng maiinom, ay hihingi ka sa kaniya. At ibibigay niya sa iyo ang tubig na buhay.
11 Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, wala kang panalok at malalim ang balon. Saan magmumula ang iyong tubig na buhay? 12 Mas dakila ka ba sa aming amang si Jacob? Siya ang nagbigay sa amin ng balon. Siya ay uminom dito, gayundin ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga hayop.
13 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Ang bawat isang uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw. 14 Ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na mauuhaw magpakailanman. Ang tubig na aking ibibigay sa kaniya ay magiging balon ng tubig na mapapasa kaniya. Ito ay bubukal sa buhay na walang hanggan.
15 Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, bigyan mo ako ng tubig na ito upang hindi na ako mauhaw ni pumunta rito upang sumalok.
16 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Humayo ka, tawagin mo ang iyong asawa at pumarito kayo.
17 Sumagot ang babae at sinabi: Wala akong asawa.
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Mabuti ang sinabi mong wala kang asawa.
18 Ito ay sapagkat nagkaroon ka na ng limang asawa at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Totoo ang iyong sinabi.
19 Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, sa pakiwari ko ikaw ay isang propeta. 20 Sa bundok na ito sumamba ang aming mga ninuno. Sinasabi ninyo na ang pook na dapat sumamba ay sa Jerusalem.
21 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, maniwala ka sa akin. Darating ang oras na sasambahin ninyo ang Ama hindi sa bundok na ito, ni sa Jerusalem. 22 Hindi ninyo nakikilala ang sinasamba ninyo. Kilala namin ang aming sinasamba sapagkat ang kaligtasan ay sa mga Judio. 23 Darating ang oras at ngayon na nga, na ang mga tunay na mananamba ay sasamba sa Ama, sa espiritu at sa katotohanan sapagkat hinahanap ng Ama ang mga gayong sumasamba sa kaniya. 24 Ang Diyos ay Espiritu. Sila na sumasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at sa katotohanan.
25 Sinabi ng babae sa kaniya: Alam ko na ang Mesiyas na tinatawag na Cristo ay darating. Sa kaniyang pagdating ay sasabihin niya sa amin ang lahat ng mga bagay.
26 Sinabi sa kaniya ni Jesus: Ako iyon, ako na nagsasalita sa iyo.
Ang mga Alagad ay Muling Sumama kay Jesus
27 Nang sandaling iyon ay dumating ang kaniyang mga alagad. Sila ay namangha na siya ay nakikipag-usap sa isang babae. Gayunman walang isa mang nagtanong: Ano ang iyong hinahanap o bakit ka nakikipag-usap sa kaniya?
28 Iniwan nga ng babae ang kaniyang banga at pumunta sa lungsod. Sinabi niya sa mga lalaki: 29 Halikayo, tingnan ninyo ang isang lalaki na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa. Hindi kaya ito na ang Mesiyas? 30 Lumabas nga sila sa lungsod at pumunta kay Jesus.
31 Samantala, ipinakikiusap sa kaniya ng mga alagad na nagsasabi: Guro, kumain ka.
32 Sinabi niya sa kanila: Mayroon akong kakaining pagkain na hindi ninyo alam.
33 Sinabi ng mga alagad sa isa’t isa: May nagdala ba sa kaniya ng makakain?
34 Sinabi ni Jesus sa kanila: Ang aking pagkain ay ang gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang kaniyang gawain. 35 Hindi ba sinasabi ninyo: Apat na buwan pa bago dumating ang tag-ani? Narito, sinasabi ko sa inyo: Itaas ninyo ang inyong paningin at tingnan ang mga bukid. Ito ay hinog na para anihin. 36 Ang nag-aani ay tumatanggap ng upa. Siya ay nag-iipon ng bunga patungo sa buhay na walang hanggan. Ito ay upang ang naghahasik at ang nag-aani ay kapwa magkasamang magalak. 37 Sa gayong paraan, totoo ang kasabihan: Iba ang naghahasik at iba ang nag-aani. 38 Sinugo ko kayo upang mag-ani ng hindi ninyo pinagpaguran. Ibang tao ang nagpagod at kayo ang nakinabang sa kanilang pinagpaguran.
Maraming Taga-Samaria ang Sumampalataya
39 Marami sa mga taga-Samaria sa lungsod na iyon ang sumampalataya kay Jesus dahil sa salita ng babaeng nagpatotoo: Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa.
40 Kaya nga, nang pumunta kay Jesus ang mga lalaking taga-Samaria ay hiniling nilang siya ay manatili na kasama nila. At siya ay nanatili roon ng dalawang araw. 41 Marami pa ang mga nagsisampalataya dahil sa kaniyang salita.
42 Sinabi nila sa babae: Sumasampalataya kami ngayon hindi na dahil sa sinabi mo. Kami ang nakarinig at aming nalaman na ito na nga ang Mesiyas. Alam namin na totoong siya ang Tagapagligtas ng sanlibutan.
Pinagaling ni Jesus ang Anak ng Pinuno
43 Pagkaraan ng dalawang araw na iyon, umalis siya roon at pumunta sa Galilea.
44 Ito ay sapagkat si Jesus ang siyang nagpatotoo: Ang isang propeta ay walang karangalan sa sarili niyang bayan. 45 Kaya nang siya ay dumating sa Galilea, tinanggap siya ng mga taga-Galilea na pumunta rin sa kapistahan. Ito ay sapagkat nakita nila ang lahat ng mga bagay na ginawa niya sa Jerusalem sa panahon ng kapistahan.
46 Pumunta ngang muli si Jesus sa Cana na nasa Galilea. Ito ang pook na kung saan ginawa niyang alak ang tubig. Naroroon ang isang opisyal ng hari na ang kaniyang anak na lalaki, na nasa Capernaum, ay maysakit. 47 Narinig ng opisyal ng hari na si Jesus ay dumating sa Galilea mula sa Judea. Pagkarinig niya, pumunta siya kay Jesus at hiniling na siya ay lumusong at pagalingin ang kaniyang anak na lalaki sapagkat ang kaniyang anak ay mamamatay na.
48 Sinabi nga sa kaniya ni Jesus: Malibang makakita kayo ng mga tanda at mga kamangha-manghang gawa, kailanman ay hindi kayo sasampalataya.
49 Sinabi sa kaniya ng opisyal ng hari: Ginoo, lumusong ka bago mamatay ang aking maliit na anak.
50 Sinabi sa kaniya ni Jesus: Yumaon ka, buhay ang anak mong lalaki.
Sinampalatayanan ng lalaki ang salitang sinabi ni Jesus sa kaniya at siya ay umalis.
51 Nang siya ay lumulusong na, sinalubong siya ng kaniyang mga alipin. Kanilang iniulat na buhay ang kaniyang anak. 52 Tinanong niya sila kung anong oras bumuti ang kaniyang anak. Kanilang sinabi sa kaniya: Kahapon nang ikapitong oras ng araw nawala ang kaniyang lagnat.
53 Nalaman nga ng ama na sa ganoong oras sinabi ni Jesus sa kaniya: Ang iyong anak na lalaki ay buhay. Siya ay sumampalataya pati na ang kaniyang buong sambahayan.
54 Ito ang ikalawang tanda na ginawa ni Jesus sa kaniyang pagdating sa Galilea mula sa Judea.
Pinagaling ni Jesus ang Lalaki sa may Dako ng Paliguan
5 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay may kapistahan ang mga Judio. Si Jesus ay umahon sa Jerusalem.
2 May malaking dakong paliguan sa Jerusalem na nasa tabi ng Tarangkahan ng mga Tupa. Ito ay tinatawag na Betesda sa wikang Hebreo. Ito ay mayroong limang portiko. 3 Dito ay may napakaraming nakahiga na maysakit. May mga bulag, pilay at nanunuyot, na naghihintay ng paggalaw ng tubig. 4 Ito ay sapagkat may mga panahon na lumulusong ang isang anghel sa dakong paliguan at hinahalo ang tubig. Ang unang makalusong pagkatapos haluin ang tubig ay gumagaling sa anumang sakit na mayroon siya. 5 Naroroon ang isang lalaki na tatlumpu’t walong taon nang maysakit. 6 Siya ay nakita ni Jesus na nakahiga. At alam niya na matagal nang panahon na siya ay may sakit. Sinabi niya sa kaniya: Nais mo bang gumaling?
7 Sumagot sa kaniya ang maysakit: Ginoo, wala akong kasama na maglagay sa akin sa dakong paliguan pagkahalo sa tubig. Sa pagpunta ko roon ay may nauuna nang lumusong sa akin.
8 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka. 9 Kaagad na gumaling ang lalaki at binuhat niya ang kaniyang higaan at lumakad.
Noon ay araw ng Sabat.
10 Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya na pinagaling: Ngayon ay araw ng Sabat, labag sa kautusan na magbuhat ka ng higaan.
11 Sumagot siya sa kanila: Ang nagpagaling sa akin ay siya ring nagsabi sa akin: Buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka.
12 Tinanong nga nila siya: Sino ang lalaking nagsabi sa iyong buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka?
13 Hindi nakilala ng pinagaling kung sino siya sapagkat si Jesus ay nakaalis na at maraming mga tao sa pook na iyon.
14 Pagkatapos nito, natagpuan siya ni Jesus sa templo. Sinabi sa kaniya: Narito, ikaw ay magaling na. Huwag ka nang magkasala upang hindi mangyari sa iyo ang malubhang bagay. 15 Umalis ang lalaki at sinabi sa mga Judio na si Jesus ang nagpagaling sa kaniya.
Ang Buhay sa Pamamagitan ng Anak
16 Dahil dito, inusig ng mga Judio si Jesus. Humanap sila ng pagkakataon upang patayin siya sapagkat ginawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng Sabat.
17 Sinabi sa kanila ni Jesus: Ang aking Ama ay gumagawa hanggang ngayon at ako ay gumagawa. 18 Dahil dito ay lalo ngang naghanap ng pagkakataon ang mga Judio na patayin siya. Ito ay sapagkat hindi lamang niya nilabag ang araw ng Sabat kundi tinawag pa niyang sariling Ama ang Diyos, na ipinapantay ang kaniyang sarili sa Diyos.
19 Tumugon nga si Jesus at sinabi sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hindi makakagawa ng anuman ang Anak sa kaniyang sarili malibang makita niya ang ginagawa ng Ama sapagkat anumang mga bagay na ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak. 20 Ito ay sapagkat mahal ng Ama ang Anak at ipinapakita niya sa kaniya ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa. At higit na dakilang mga gawa kaysa sa mga ito ang ipapakita niya sa kaniya upang kayo ay mamangha. 21 Ito ay sapagkat kung papaanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at binubuhay sila, gayundin binubuhay ng Anak ang nais niyang buhayin. 22 Ito ay sapagkat ang Ama ay hindi humahatol sa sinuman ngunit ibinigay niya ang lahat ng paghatol sa Anak. 23 Ito ay upang parangalan ng lahat ang Anak kung papaano nila pinarangalan ang Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kaniya.
24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang dumirinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Siya ay hindi na hahatulan kundi lumipat na mula sa kamatayan patungo sa buhay. 25 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang oras ay darating at ito ay ngayon na. Sa oras na iyon ay maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos. Sila na nakarinig ay mabubuhay. 26 Ito ay sapagkat kung papaanong ang Ama ay mayroong buhay sa kaniyang sarili ay gayundin pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili. 27 Ang kapamahalaan ay ibinigay rin sa kaniya upang magsagawa ng paghatol sapagkat siya ay Anak ng Tao.
28 Huwag kayong mamangha sa bagay na ito sapagkat darating ang oras na ang lahat ng nasa mga libingan ay makakarinig ng kaniyang tinig. 29 Sila na gumawa ng mabuti ay lalabas mula sa libingan patungo sa buhay. Ang mga gumawa ng masama ay lalabas mula sa mga libingan patungo sa kahatulan. 30 Hindi ako makakagawa ng anuman na mula sa aking sarili. Ako ay humahatol ayon sa naririnig ko. Ang aking hatol ay matuwid sapagkat hindi ko hinahanap ang aking kalooban kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa akin.
Mga Patotoo Patungkol kay Jesus
31 Kung ako ay magpapatotoo patungkol sa aking sarili, ang aking patotoo ay hindi totoo.
32 Iba ang nagpapatotoo patungkol sa akin at alam ko na ang patotoong pinatotohanan niya patungkol sa akin ay totoo.
33 May sinugo kayong mga Judio kay Juan at siya ay nagpatotoo sa katotohanan. 34 Hindi ako tumatanggap ng patotoo mula sa tao datapuwat sinasabi ko ang mga bagay na ito upang kayo ay maligtas. 35 Siya ang nagniningas at nagliliwanag na ilawan. Kayo ay pumayag na magalak ng maikling panahon sa kaniyang liwanag.
36 Ako ay may patotoong mas higit kaysa sa patotoo ni Juan. Ang mga gawain na ipinagkaloob sa akin ng Ama upang tapusin ay nagpapatotoo patungkol sa akin. Ang mga gawaing ginagawa ko ay nagpapatotoong ang Ama ang nagsugo sa akin. 37 Ang Ama na nagsugo sa akin ay siyang nagpatotoo patungkol sa akin. Kailanman ay hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig o nakita man ang kaniyang anyo. 38 Walang nanatiling salita niya sa inyo dahil hindi kayo sumampalataya sa sinugo niya. 39 Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat sa palagay ninyo na sa mga ito ay may buhay na walang hanggan. Ang mga kasulatang ito ang nagpapatotoo patungkol sa akin. 40 Ayaw ninyong lumapit sa akin upang kayo ay magkaroon ng buhay.
41 Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatian mula sa mga tao. 42 Subalit kilala ko kayo, na sa inyong sarili ay wala kayong pag-ibig sa Diyos. 43 Pumarito ako sa pangalan ng aking Ama at hindi ninyo ako tinanggap. Kapag may ibang pumarito sa kaniyang sariling pangalan ay siya ninyong tatanggapin. 44 Papaano kayo makakasampalataya, kayo na tumatanggap ng kaluwalhatian sa isa’t isa? At hindi ninyo hinahanap ang parangal na nagmumula sa iisang Diyos.
45 Huwag ninyong isiping pararatangan ko kayo sa Ama. Si Moises na inyong inasahan ang siyang magpaparatang sa inyo. 46 Yamang sumampalataya kayo kay Moises ay sasampalataya rin kayo sa akin. Ito ay sapagkat siya ay sumulat patungkol sa akin. 47 Yamang hindi ninyo sinasampalatayanan ang kaniyang mga sinulat papaano ninyo sasampalatayanan ang aking mga salita?
Copyright © 1998 by Bibles International