Add parallel Print Page Options

10 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Kung alam mo ang kaloob ng Diyos at kung sino siya na nagsasabi sa iyo: Bigyan mo ako ng maiinom, ay hihingi ka sa kaniya. At ibibigay niya sa iyo ang tubig na buhay.

11 Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, wala kang panalok at malalim ang balon. Saan magmumula ang iyong tubig na buhay? 12 Mas dakila ka ba sa aming amang si Jacob? Siya ang nagbigay sa amin ng balon. Siya ay uminom dito, gayundin ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga hayop.

Read full chapter