Add parallel Print Page Options

Ang Muling Pagkabuhay ni Jesus(A)

20 Madilim-dilim pa nang unang araw ng sanlinggo, pumunta si Maria Magdalena sa libingan. Naratnan niyang naalis na ang batong nakatakip sa libingan. Dahil dito, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Jesus, at sinabi sa kanila, “Kinuha nila ang Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan siya inilagay!”

Sina Pedro at ang nasabing alagad ay nagpunta sa libingan. Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedro'y naunahan noong isa. Yumuko ito at sumilip sa loob ng libingan ngunit hindi pumasok. Nakita niyang nakalagay doon ang mga telang lino. Nang dumating si Simon Pedro, tuluy-tuloy itong pumasok sa libingan at nakita nito ang mga telang lino, at ang panyong ibinalot sa ulo ni Jesus. Ang panyo ay hindi kasama ng mga telang lino, kundi hiwalay na nakatiklop sa isang tabi. Pumasok din ang alagad na naunang dumating at nakita niya ito, at siya'y naniwala. Hindi pa nila nauunawaan noon na si Jesus ay kailangang muling mabuhay ayon sa kasulatan. 10 At umuwi ang mga alagad sa kanilang mga tahanan.

Nagpakita si Jesus kay Maria Magdalena(B)

11 Si Maria ay nakatayong umiiyak sa labas ng libingan. Habang umiiyak ay yumuko siya at sumilip sa loob. 12 May nakita siyang dalawang anghel na nakadamit ng puti at nakaupo sa pinaglagyan ng bangkay ni Jesus, ang isa'y sa gawing ulunan at ang isa nama'y sa paanan. 13 Tinanong nila si Maria, “Babae, bakit ka umiiyak?”

Sumagot siya, “Kinuha nila ang aking Panginoon at hindi ko alam kung saan siya inilagay.”

14 Pagkasabi nito'y napalingon siya at nakita niya si Jesus na nakatayo roon, ngunit hindi niya nakilalang si Jesus iyon.

15 Tinanong siya ni Jesus, “Babae, bakit ka umiiyak? Sino ang hinahanap mo?”

Akala ni Maria, ang kausap niya'y ang hardinero kaya't sinabi niya, “Ginoo, kung kayo po ang kumuha sa kanya, pakituro nga po ninyo sa akin kung saan ninyo siya inilagay at kukunin ko.”

16 “Maria!” sabi ni Jesus.

Humarap siya at kanyang sinabi sa wikang Hebreo, “Raboni!” na ang ibig sabihi'y “Guro.”

17 Sabi ni Jesus, “Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakapunta sa Ama. Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.”

18 Kaya't si Maria Magdalena ay pumunta sa mga alagad at ibinalita sa kanila, “Nakita ko ang Panginoon!” At sinabi rin niya sa kanila ang mga sinabi sa kanya ni Jesus.

Nagpakita si Jesus sa Kanyang mga Alagad(C)

19 Kinagabihan ng araw ding iyon na unang araw ng linggo, habang nakasara ang mga pinto ng bahay na kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot nila sa mga Judio, dumating si Jesus. Tumayo siya sa kalagitnaan nila at sinabi, “Sumainyo ang kapayapaan!” 20 Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita nila ang Panginoon. 21 Muling sinabi ni Jesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong isinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo.” 22 Pagkatapos, sila'y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. 23 Kung(D) patatawarin ninyo ang mga kasalanan ninuman ay pinatawad na ang mga iyon, subalit ang hindi ninyo patatawarin ay hindi nga pinatawad.”

Ang Pag-aalinlangan ni Tomas

24 Ngunit si Tomas, na tinatawag na Kambal at kabilang sa Labindalawa, ay wala roon nang dumating si Jesus. 25 Kaya't sinabi sa kanya ng ibang mga alagad, “Nakita namin ang Panginoon!”

Sumagot si Tomas, “Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita ang mga butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at hangga't hindi ko nailalagay ang aking daliri sa mga iyon at nahahawakan ang kanyang tagiliran.”

26 Makalipas ang isang linggo, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad at kasama nila si Tomas. Nakasara ang mga pinto, ngunit pumasok si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila. Sinabi niya, “Sumainyo ang kapayapaan!” 27 At sinabi niya kay Tomas, “Ilagay mo ang iyong daliri dito at tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka.”

28 Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!”

29 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Pinagpala silang hindi nakakita gayunma'y naniniwala.”

Ang Layunin ng Aklat na Ito

30 Marami pang mga himalang ginawa si Jesus na nasaksihan ng mga alagad na hindi nakasulat sa aklat na ito. 31 Ngunit ang mga nakasulat dito ay isinulat upang kayo'y sumampalataya[a] na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at sa pagsampalatayang iyon ay magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan niya.

Footnotes

  1. Juan 20:31 kayo'y sumampalataya: Sa ibang manuskrito'y patuloy kayong sumampalataya .

20 Early on the first day of the week, while it was still dark, Miryam from Magdala went to the tomb and saw that the stone had been removed from the tomb. So she came running to Shim‘on Kefa and the other talmid, the one Yeshua loved, and said to them, “They’ve taken the Lord out of the tomb, and we don’t know where they’ve put him!”

Then Kefa and the other talmid started for the tomb. They both ran, but the other talmid outran Kefa and reached the tomb first. Stooping down, he saw the linen burial-sheets lying there but did not go in. Then, following him, Shim‘on Kefa arrived, entered the tomb and saw the burial-sheets lying there, also the cloth that had been around his head, lying not with the sheets but in a separate place and still folded up. Then the other talmid, who had arrived at the tomb first, also went in; he saw, and he trusted. (They had not yet come to understand that the Tanakh teaches that the Messiah has to rise from the dead.)

10 So the talmidim returned home, 11 but Miryam stood outside crying. As she cried, she bent down, peered into the tomb, 12 and saw two angels in white sitting where the body of Yeshua had been, one at the head and one at the feet. 13 “Why are you crying?” they asked her. “They took my Lord,” she said to them, “and I don’t know where they have put him.”

14 As she said this, she turned around and saw Yeshua standing there, but she didn’t know it was he. 15 Yeshua said to her, “Lady, why are you crying? Whom are you looking for?” Thinking he was the gardener, she said to him, “Sir, if you’re the one who carried him away, just tell me where you put him; and I’ll go and get him myself.” 16 Yeshua said to her, “Miryam!” Turning, she cried out to him in Hebrew, “Rabbani!” (that is, “Teacher!”) 17 “Stop holding onto me,” Yeshua said to her, “because I haven’t yet gone back to the Father. But go to my brothers, and tell them that I am going back to my Father and your Father, to my God and your God.” 18 Miryam of Magdala went to the talmidim with the news that she had seen the Lord and that he had told her this.

19 In the evening that same day, the first day of the week, when the talmidim were gathered together behind locked doors out of fear of the Judeans, Yeshua came, stood in the middle and said, “Shalom aleikhem!” 20 Having greeted them, he showed them his hands and his side. The talmidim were overjoyed to see the Lord. 21 Shalom aleikhem!” Yeshua repeated. “Just as the Father sent me, I myself am also sending you.” 22 Having said this, he breathed on them and said to them, “Receive the Ruach HaKodesh! 23 If you forgive someone’s sins, their sins are forgiven; if you hold them, they are held.”

24 Now T’oma (the name means “twin”), one of the Twelve, was not with them when Yeshua came. 25 When the other talmidim told him, “We have seen the Lord,” he replied, “Unless I see the nail marks in his hands, put my finger into the place where the nails were and put my hand into his side, I refuse to believe it.”

26 A week later his talmidim were once more in the room, and this time T’oma was with them. Although the doors were locked, Yeshua came, stood among them and said, “Shalom aleikhem!” 27 Then he said to T’oma, “Put your finger here, look at my hands, take your hand and put it into my side. Don’t be lacking in trust, but have trust!” 28 T’oma answered him, “My Lord and my God!” 29 Yeshua said to him, “Have you trusted because you have seen me? How blessed are those who do not see, but trust anyway!”

30 In the presence of the talmidim Yeshua performed many other miracles which have not been recorded in this book. 31 But these which have been recorded are here so that you may trust that Yeshua is the Messiah, the Son of God, and that by this trust you may have life because of who he is.