Add parallel Print Page Options

Ginawa ni Jesus na ang Tubig ay Maging Alak

Nang ikatlong araw ay nagkaroon ng kasalan sa Cana ng Galilea. Naroroon ang ina ni Jesus.

Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan. Nang magkulang ang alak, sinabi ng ina ni Jesus sa kaniya: Wala na silang alak.

Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, ano ang kinalaman ng bagay na ito sa akin at sa iyo? Ang aking oras ay hindi pa dumarating.

Sinabi ng kaniyang ina sa mga tagapaglingkod. Gawin ninyo ang anumang sasabihin niya sa inyo. Mayroon doong anim na tapayang bato na nakalagay alinsunod sa pagdadalisay ng mga Judio. Ang bawat isa ay maaaring maglaman ng humigit-kumulang sa isang daang litrong tubig.

Sinabi ni Jesus sa mga tagapaglingkod: Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan. Kanilang pinuno ang mga ito hanggang sa labi.

Sinabi niya sa kanila: Sumalok kayo ngayon at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.

Kanilang dinala ito.

Natikman ng namamahala ng handaan ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan ito nanggalingngunit alam ng mga tagapaglingkod na sumalok ng tubig. Dahil dito, tinawag ng namamahala ng kapistahan ang lalaking ikinasal. 10 Sinabi niya sa kaniya: Unang inihahain ng bawat tao ang mabuting alak. Ang mababang uri ay inihahain kapag marami na silang nainom. Ngunit itinabi mo ang mabuting alak hanggang ngayon.

11 Ang pasimulang ito ng mga tanda ay ginawa ni Jesus sa Cana ng Galilea at nahayag ang kaniyang kaluwalhatian. Ang kaniyang mga alagad ay sumampalataya sa kaniya.

Nilinis ni Jesus ang Templo

12 Pagkatapos nito ay bumaba siya patungong Capernaum. Kasama niya ang kaniyang ina, mga kapatid na lalaki at ang kaniyang mga alagad. Nanatili sila roon ng ilang araw.

13 Malapit na ang Araw ng Paglagpas ng mga Judio at umahon si Jesus patungong Jerusalem. 14 Nakita niya sa templo ang mga nagtitinda ng mgabaka, ng mga tupa at ng mga kalapati, at ang mga mamamalit-salapi na nakaupo. 15 Pagkagawa niya ng panghagupit na lubid ay tinaboy niya silang lahat papalabas sa templo pati na ang mga tupa at ang mga toro. Ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit-salapi at itinumba ang kanilang mga mesa. 16 Sa mga nagtitinda ng kalapati ay sinabi niya: Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito. Huwag ninyong gawing bahay-kalakal ang bahay ng aking Ama.

17 Naala-ala ng kaniyang mga alagad na nasusulat: Pinagharian ako ng kasigasigan sa iyong bahay.

18 Sumagot nga ang mga Judio at sinabi sa kaniya: Anong tanda ang maipapakita mo sa amin yamang ginawa mo ang mga bagay na ito?

19 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Gibain ninyo ang banal na dakong ito at aking itatayo sa loob ng tatlong araw.

20 Sinabi nga ng mga Judio: Apatnapu’t-anim na taon ang pagtatayo ng banal na dakong ito at itatayo mo sa loob ng tatlong araw? 21 Ngunit ang banal na dako na kaniyang tinutukoy ay ang kaniyang katawan. 22 Nang ibinangon nga siya mula sa mga patay ay naalala ng kaniyang mga alagad na sinabi niya ito sakanila. Sumampalataya sila sa kasulatan at sa salita na sinabi ni Jesus.

23 Si Jesus ay nasa Jerusalem nang Araw ng Paglagpas. Sa panahon ng kapistahan, marami ang sumampalataya sa kaniyang pangalan nang kanilang makita ang mga tanda na ginawa niya. 24 Gayunman hindi ipinagkatiwala ni Jesus ang kaniyang sarili sa kanila dahil nakikilala niya ang lahat. 25 Hindi niya kailangang magpatotoo ang sinuman patungkol sa tao sapagkat nalalaman niya kung ano ang nasa kalooban ng tao.

And the third day there was a marriage in Cana of Galilee; and the mother of Jesus was there: and Jesus also was bidden, and his disciples, to the marriage. And when the wine failed, the mother of Jesus saith unto him, They have no wine. And Jesus saith unto her, Woman, what have I to do with thee? mine hour is not yet come. His mother saith unto the servants, Whatsoever he saith unto you, do it. Now there were six waterpots of stone set there after the Jews’ manner of purifying, containing two or three firkins apiece. Jesus saith unto them, Fill the waterpots with water. And they filled them up to the brim. And he saith unto them, Draw out now, and bear unto the [a]ruler of the feast. And they bare it. And when the ruler of the feast tasted the water [b]now become wine, and knew not whence it was (but the servants that had drawn the water knew), the ruler of the feast calleth the bridegroom, 10 and saith unto him, Every man setteth on first the good wine; and when men have drunk freely, then that which is worse: thou hast kept the good wine until now. 11 This beginning of his signs did Jesus in Cana of Galilee, and manifested his glory; and his disciples believed on him.

12 After this he went down to Capernaum, he, and his mother, and his brethren, and his disciples; and there they abode not many days.

13 And the passover of the Jews was at hand, and Jesus went up to Jerusalem. 14 And he found in the temple those that sold oxen and sheep and doves, and the changers of money sitting: 15 and he made a scourge of cords, and cast all out of the temple, both the sheep and the oxen; and he poured out the changers’ money, and overthrew their tables; 16 and to them that sold the doves he said, Take these things hence; make not my Father’s house a house of merchandise. 17 His disciples remembered that it was written, [c]Zeal for thy house shall eat me up. 18 The Jews therefore answered and said unto him, What sign showest thou unto us, seeing that thou doest these things? 19 Jesus answered and said unto them, Destroy this [d]temple, and in three days I will raise it up. 20 The Jews therefore said, Forty and six years was this [e]temple in building, and wilt thou raise it up in three days? 21 But he spake of the [f]temple of his body. 22 When therefore he was raised from the dead, his disciples remembered that he spake this; and they believed the scripture, and the word which Jesus had said.

23 Now when he was in Jerusalem at the passover, during the feast, many believed on his name, beholding his signs which he did. 24 But Jesus did not trust himself unto them, for that he knew all men, 25 and because he needed not that any one should bear witness concerning [g]man; for he himself knew what was in man.

Footnotes

  1. John 2:8 Or, steward
  2. John 2:9 Or, that it had become
  3. John 2:17 Ps. 69:9.
  4. John 2:19 Or, sanctuary
  5. John 2:20 Or, sanctuary
  6. John 2:21 Or, sanctuary
  7. John 2:25 Or, a man; for . . . the man.