Add parallel Print Page Options

36 Nangyari ang mga bagay na ito upang matupad ang kasulatan:

Isa mang buto niya ay hindi mababali.

37 Sinasabi sa isa pang kasulatan:

Titingnan nila siya na kanilang tinusok.

Inilibing Nila si Jesus

38 Pagkatapos nito, si Jose na taga-Arimatea ay humiling kay Pilato na makuha niya ang katawan ni Jesus. Si Jose ay isang alagad ni Jesus bagamat palihim lamang dahil sa takot sa mga Judio. Pinahintulutan siya ni Pilato, kaya siya ay pumunta roon at kinuha ang katawan ni Jesus.

Read full chapter