Add parallel Print Page Options

36 Nangyari ang mga bagay na ito upang matupad ang sinasabi sa Kasulatan: “Walang mababali ni isa man sa kanyang mga buto.”[a] 37 Sinasabi rin sa isa pang bahagi ng Kasulatan, “Pagmamasdan nila ang taong sinaksak nila.”[b]

Ang Paglilibing kay Jesus(A)

38 Pagkatapos nito, hiningi ni Jose na taga-Arimatea ang bangkay ni Jesus kay Pilato. (Si Jose ay isang tagasunod ni Jesus, ngunit palihim lang dahil natatakot siya sa mga pinuno ng mga Judio.) Pinayagan siya ni Pilato, kaya pinuntahan niya ang bangkay ni Jesus para kunin ito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 19:36 Exo. 12:46; Bil. 9:12; Salmo 34:20.
  2. 19:37 Zac. 12:10.