Add parallel Print Page Options

27 Pagkatapos noon, sinabi niya sa alagad: Narito ang iyong ina. At mula sa oras na iyon ay dinala siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan.

Namatay si Jesus

28 Pagkatapos nito, si Jesus na nakakaalam na ang lahat ng mga bagay ay naganap na, ay nagsabi: Ako ay nauuhaw. Sinabi niya ito upang matupad ang kasulatan.

29 Mayroon doong nakalagay na isang sisidlang puno ng maasim na alak. Binasa nilang mabuti ng maasim na alak ang isang espongha. Inilagay nila ito sa isang sanga ng hisopo at idiniit sa kaniyang bibig.

Read full chapter