Add parallel Print Page Options

24 Sinabi nga nila sa isa’t isa: Huwag natin itong punitin. Magpalabunutan tayo kung mapapasa kanino ito.

Ito ay nangyari upang matupad ang kasulatan na nagsasabi:

Pinaghati-hatian nila ang aking damit at nagpa­la­bunutan para sa aking balabal.

Ginawa nga ng mga kawal ang mga bagay na ito.

25 Nakatayo sa malapit sa krus ni Jesus ang kaniyang ina. Naroon din ang kapatid na babae ng kaniyang ina, si Maria na asawa ni Cleofas at si Maria na taga-Magdala. 26 Nakita ni Jesus ang kaniyang ina at ang alagad na kaniyang iniibig na nakatayo sa malapit, sinabi niya sa kaniyang ina: Ginang, narito ang iyong anak.

Read full chapter