Font Size
Juan 19:24-26
Magandang Balita Biblia
Juan 19:24-26
Magandang Balita Biblia
24 Kaya't(A) nag-usap-usap ang mga kawal, “Huwag nating punitin ito; magpalabunutan tayo para malaman kung kanino ito mapupunta.” Sa gayon, natupad ang isinasaad ng Kasulatan,
“Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan;
at para sa aking damit sila'y nagpalabunutan.”
Ganoon nga ang ginawa ng mga kawal.
25 Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. 26 Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ginang, narito ang iyong anak!”
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.