Font Size
Juan 19:24-26
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Juan 19:24-26
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
24 Sinabi ng isang sundalo, “Huwag na natin itong paghatian. Magpalabunutan na lang tayo kung kanino ito mapupunta.” Nangyari ito upang matupad ang sinabi sa Kasulatan,
“Pinaghati-hatian nila ang aking damit,
at nagpalabunutan sila para sa aking damit-panloob.”[a]
At ito nga ang ginawa ng mga sundalo.
25 Nakatayo malapit sa krus ni Jesus ang kanyang ina, ang kapatid ng kanyang ina, si Maria na asawa ni Clopas, at si Maria na taga-Magdala.[b] 26 Nang makita ni Jesus ang kanyang ina na nakatayo roon katabi ng minamahal niyang tagasunod, sinabi niya, “Babae, ituring mo siyang anak.”
Read full chapter
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®