Font Size
Juan 19:15-17
Ang Salita ng Diyos
Juan 19:15-17
Ang Salita ng Diyos
15 Sila ay sumigaw: Alisin siya! Alisin siya! Ipako siya sa krus!
Sinabi ni Pilato sa kanila: Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?
Ang mga pinunong-saserdote ay sumagot: Wala kaming hari maliban kay Cesar.
16 Kaya nga, ibinigay ni Pilato si Jesus sa kanila upang ipako sa krus.
Ipinako Nila sa Krus si Jesus
Kinuha nila si Jesus at siya ay inilayo.
17 Lumabas siya habang pasanniya ang kaniyang krus. Pumunta siya sa dakong tinatawag na Pook ng Bungo. Ito ay tinatawag sa wikang Hebreo na Golgotha.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International