Add parallel Print Page Options

15 Sila'y nagsigawan, “Ilayo siya, ilayo siya, ipako siya sa krus!” Sinabi sa kanila ni Pilato, “Ipapako ko ba sa krus ang inyong Hari?” Sumagot ang mga punong pari, “Wala kaming hari liban kay Cesar.”

Ipinako si Jesus sa Krus(A)

16 At ibinigay ni Pilato[a] si Jesus[b] sa kanila upang maipako sa krus.

17 Kinuha nila si Jesus, at siya'y lumabas na pasan niya ang krus, patungo sa tinatawag na Pook ng Bungo, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Golgota.

Read full chapter

Footnotes

  1. Juan 19:16 Sa Griyego ay niya .
  2. Juan 19:16 Sa Griyego ay siya .