Add parallel Print Page Options

38 Sinabi sa kaniya ni Pilato, Ano ang katotohanan?

At nang masabi niya ito ay (A)lumabas siyang muli sa mga Judio, at sa kanila'y sinabi, Wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya.

39 Nguni't kayo'y (B)may ugali, na pawalan sa inyo ang isa sa paskua: ibig nga baga ninyong sa inyo'y pawalan ko ang Hari ng mga Judio?

40 Sila nga'y nagsigawang muli, na nangagsasabi, Huwag ang taong ito, kundi si Barrabas. Si Barrabas nga'y isang tulisan.

Read full chapter