Add parallel Print Page Options

36 Sumagot si Jesus, (A)Ang kaharian ko ay hindi (B)sa sanglibutang ito: kung ang kaharian ko ay sa sanglibutang ito, ang aking mga alipin nga ay makikipagbaka, upang ako'y huwag (C)maibigay sa mga Judio: nguni't ngayo'y ang aking kaharian ay hindi rito.

37 Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga'y hari? Sumagot si Jesus, (D)Ikaw ang nagsasabing ako'y hari. (E)Ako'y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa (F)sanglibutan, upang bigyang patotoo ang katotohanan. (G)Ang bawa't isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.

38 Sinabi sa kaniya ni Pilato, Ano ang katotohanan?

At nang masabi niya ito ay (H)lumabas siyang muli sa mga Judio, at sa kanila'y sinabi, Wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya.

Read full chapter