Juan 18:33
Ang Biblia (1978)
33 Si Pilato nga'y muling pumasok sa Pretorio, at tinawag si Jesus, at sa kaniya'y sinabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio?
Read full chapter
Juan 18:36-37
Ang Biblia (1978)
36 Sumagot si Jesus, (A)Ang kaharian ko ay hindi (B)sa sanglibutang ito: kung ang kaharian ko ay sa sanglibutang ito, ang aking mga alipin nga ay makikipagbaka, upang ako'y huwag (C)maibigay sa mga Judio: nguni't ngayo'y ang aking kaharian ay hindi rito.
37 Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga'y hari? Sumagot si Jesus, (D)Ikaw ang nagsasabing ako'y hari. (E)Ako'y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa (F)sanglibutan, upang bigyang patotoo ang katotohanan. (G)Ang bawa't isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.
Read full chapter
Juan 19:12
Ang Biblia (1978)
12 Dahil dito'y pinagsisikapan ni Pilato na siya'y pawalan: nguni't ang mga Judio ay nagsisigawan, na nangagsasabi, Kung pawalan mo ang taong ito, ay hindi ka kaibigan ni Cesar: (A)ang bawa't isang nagpapanggap na hari ay nagsasalita ng laban kay Cesar.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978