Add parallel Print Page Options

31 Sumagot si Jesus sa kanila, “Kung ganoon, sumasampalataya na ba kayo ngayon sa akin? 32 Pero darating ang oras, at dumating na nga, na magkakawatak-watak kayo at magkakanya-kanya, at iiwan nʼyo akong nag-iisa. Ngunit kahit iwan nʼyo ako, hindi ako nag-iisa dahil kasama ko ang Ama. 33 Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin.[a] Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo,[b] pero magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 16:33 sa akin: o, sa pakikipag-isa sa akin; o, sa pagsampalataya sa akin.
  2. 16:33 sa mundo: o, sa kamay ng mga taong makamundo.