Add parallel Print Page Options

21 Ang babae kapag nanganganak ay nalulumbay sapagkat ang kaniyang oras ay dumating na. Pagkapanganak niya sa sanggol ay hindi na niya naaalaala anghirap dahil sa katuwaang may isang taong isinilang sa sanlibutan. 22 Gayundin naman kayo. Kayo ngayon ay nalulumbay ngunit makikita ko kayong muli at ang inyong puso ay magagalak. Walang taong aagaw ng inyong kagalakan mula sa inyo. 23 Sa araw na iyon ay hindi kayo hihingi sa akin ng anuman. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Anuman ang inyong hingin sa Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo.

Read full chapter