Juan 15
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Tunay na Puno ng Ubas
15 Sinabi pa ni Jesus, “Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga. 2 Pinuputol niya ang aking mga sangang hindi namumunga, at nililinis niya ang bawat sangang namumunga para lalo pang mamunga. 3 Malinis na kayo dahil sa mga salitang sinabi ko sa inyo. 4 Manatili kayo sa akin at akoʼy mananatili sa inyo. Hindi makakapamunga ang isang sanga malibang nakakabit ito sa puno. Ganoon din naman, hindi kayo makakapamunga kung hindi kayo mananatili sa akin.
5 “Ako ang puno ng ubas, at kayo ang aking mga sanga. Ang taong nananatili sa akin at ako rin sa kanya ay mamumunga nang marami. Sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa akin. 6 Ang hindi nananatili sa akin ay tulad ng mga sangang itinatapon at natutuyo, at pagkatapos ay tinitipon at inihahagis sa apoy para sunugin. 7 Kung mananatili kayo sa akin at ang mga salita koʼy mananatili sa inyo, ipagkakaloob ko ang anumang hilingin ninyo. 8 Napaparangalan ang aking Ama kung namumunga kayo nang sagana, at sa ganitong paraan ay naipapakita ninyo na mga tagasunod ko kayo. 9 Mahal ko kayo gaya ng pagmamahal sa akin ng Ama. Manatili kayo sa aking pag-ibig. 10 Kung sinusunod ninyo ang mga utos ko, mananatili ang pag-ibig ko sa inyo. Katulad ko, sinusunod ko ang utos ng aking Ama, kaya nananatili ang kanyang pag-ibig sa akin.
11 “Sinabi ko sa inyo ang bagay na ito para magalak kayo katulad ko at malubos din ang inyong kagalakan. 12 Ito ang aking utos sa inyo: magmahalan kayo katulad ng pagmamahal ko sa inyo. 13 Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. 14 Mga kaibigan ko kayo kung sinusunod nʼyo ang aking mga utos. 15 Hindi ko na kayo itinuturing na alipin, dahil hindi alam ng alipin kung ano ang ginagawa ng kanyang amo. Sa halip, itinuturing ko na kayong mga kaibigan, dahil sinasabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. 16 Hindi kayo ang pumili sa akin kundi ako ang pumili sa inyo, para humayo kayo at mamunga ng mga bungang mananatili. Sa ganoon, anuman ang hingin ninyo sa Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo. 17 Ito nga ang utos ko sa inyo: magmahalan kayo.”
Ang Galit ng mga Taong Makamundo sa mga Sumasampalataya kay Jesus
18 Sinabi pa ni Jesus, “Kung napopoot sa inyo ang mga taong makamundo, alalahanin ninyo na ako ang una nilang kinapootan. 19 Kung kabilang kayo sa kanila, mamahalin nila kayo. Pero hindi kayo kabilang sa kanila, kundi pinili ko kayo mula sa kanila. Kaya napopoot sila sa inyo. 20 Tandaan nʼyo ang sinabi ko sa inyo na walang aliping mas higit sa kanyang amo. Kung inusig nila ako, uusigin din nila kayo. At kung sinunod nila ang aking salita, susundin din nila ang inyong salita. 21 Uusigin nila kayo dahil sumasampalataya kayo sa akin at dahil hindi nila kilala ang nagsugo sa akin. 22 Kung hindi ako naparito sa mundo at nangaral sa kanila, wala sana silang pananagutan sa kanilang kasalanan. Pero ngayon, wala na silang maidadahilan sa mga kasalanan nila. 23 Ang napopoot sa akin ay napopoot din sa aking Ama. 24 Kung hindi ako gumawa sa harap nila ng mga himalang kailanmaʼy hindi nagawa ninuman, wala sana silang pananagutan sa kanilang kasalanan. Ngunit kahit nakita na nila ang mga himalang ginawa ko, napopoot pa rin sila sa akin at sa aking Ama. 25 Sa ginawa nilang ito, natupad ang nakasulat sa kanilang Kautusan: ‘Napopoot sila sa akin nang walang dahilan.’ ”[a]
26 Pagkatapos, sinabi ni Jesus, “Ipapadala ko sa inyo ang Banal na Espiritu mula sa Ama. Siya ang Tagatulong nʼyo at tagapagturo ng katotohanan. Pagdating niya, magpapatotoo siya kung sino talaga ako. 27 Kayo rin ay dapat na magpatotoo tungkol sa akin, dahil kasama ko na kayo mula pa noong una.
Footnotes
- 15:25 Salmo 35:19; 69:4.
Johannes 15
nuBibeln (Swedish Contemporary Bible)
Liknelsen om vinstocken och grenarna
15 Jag är den sanna vinstocken och min Fader är trädgårdsmästaren. 2 Han skär bort varje gren i mig som inte bär frukt. Och han beskär de grenar som bär frukt så att de kan bära ännu mer frukt. 3 Ni har redan blivit beskurna genom det ord jag har förkunnat för er. 4 Bli kvar i mig så blir jag kvar i er! En gren kan inte bära frukt av sig själv om den inte sitter kvar på vinstocken. På samma sätt kan inte heller ni bära frukt om ni inte är kvar i mig.
5 Jag är vinstocken och ni är grenarna. Om någon är kvar i mig och jag i honom bär han mycket frukt, men utan mig kan ni inget göra. 6 Den som inte är kvar i mig blir bortkastad som en gren och vissnar. De ska samlas ihop och kastas i elden och brännas upp. 7 Men om ni är kvar i mig och mitt ord är kvar i er, så be om vad ni vill och ni ska få det. 8 Därigenom blir min Fader förhärligad att ni bär mycket frukt och blir mina lärjungar.
9 Så som Fadern har älskat mig har jag älskat er. Bli kvar i min kärlek! 10 Om ni lyder mina bud är ni kvar i min kärlek, på samma sätt som jag har hållit min Faders bud och är kvar i hans kärlek. 11 Detta har jag sagt till er för att min glädje ska vara i er så att er glädje blir fullkomlig. 12 Och detta är mitt bud: att ni ska älska varandra på samma sätt som jag har älskat er. 13 Det finns ingen större kärlek än att man offrar sitt liv för sina vänner. 14 Ni är mina vänner om ni gör det jag befaller er. 15 Jag kallar er inte längre tjänare för en tjänare vet inte vad hans herre gör. Jag kallar er vänner för jag har låtit er veta allt som jag har hört av min Fader. 16 Ni valde inte mig utan jag har valt ut er till att gå ut och bära frukt som består. Då ska Fadern ge er vad ni än ber om i mitt namn. 17 Detta är vad jag befaller er: att ni ska älska varandra!
Jesus varnar för hat och förföljelse
18 När världen hatar er, kom då ihåg att den hatade mig före er. 19 Om ni tillhörde världen skulle världen älska er som sina egna. Men nu tillhör ni inte världen utan jag har valt ut er ur världen och därför hatar världen er. 20 Kom ihåg vad jag sa till er: En tjänare står inte över sin herre. Om de har förföljt mig, kommer de också att förfölja er. Men har de hållit sig till mitt ord, kommer de också att hålla sig till det ni säger. 21 De behandlar er så för mitt namns skull därför att de inte känner honom som har sänt mig.
22 Om jag aldrig hade kommit och talat till dem, skulle de ha varit utan synd. Men nu har de ingen ursäkt för sin synd. 23 Den som hatar mig hatar också min Fader. 24 Om jag inte hade utfört sådana gärningar ibland dem som ingen annan har gjort, skulle de ha varit utan synd. Men nu har de sett dem och hatat både mig och min Fader. 25 Och genom detta går det i uppfyllelse som står skrivet i deras lag[a]: ’De har hatat mig utan anledning.’[b]
26 Men när Hjälparen kommer som jag ska sända er från Fadern, sanningens Ande, som kommer från Fadern, ska han vittna om mig. 27 Också ni ska vittna för ni har varit med mig från början.
Juan 15
Ang Biblia (1978)
15 Ako (A)ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang magsasaka.
2 Ang bawa't sanga (B)na sa akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis niya: at ang bawa't sanga na nagbubunga ay nililinis niya, upang lalong magbunga.
3 Kayo'y (C)malilinis na sa pamamagitan ng salita na sa inyo'y aking sinalita.
4 (D)Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo'y manatili sa akin.
5 Ako ang puno ng ubas, (E)kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.
6 Kung ang sinoman ay hindi manatili sa akin, ay siya'y matatapong katulad ng sanga, at matutuyo; at mga titipunin at (F)mga ihahagis sa apoy, at mangasusunog.
7 Kung kayo'y magsipanatili sa akin, at ang mga salita ko'y magsipanatili sa inyo, ay (G)hingin ninyo ang anomang inyong ibigin, at gagawin sa inyo.
8 Sa ganito'y lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo'y magsipagbunga ng marami; at gayon kayo'y magiging aking mga alagad.
9 Kung paanong inibig ako ng Ama, ay gayon din naman iniibig ko kayo: magsipanatili kayo sa aking pagibig.
10 Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay magsisipanahan kayo sa aking pagibig; gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako'y nananatili sa kaniyang pagibig.
11 Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang ang (H)aking kagalakan ay mapasa inyo, at upang ang (I)inyong kagalakan ay malubos.
12 Ito ang aking utos, (J)na kayo'y mangagibigan sa isa't isa, na gaya ng pagibig ko sa inyo.
13 Walang may lalong dakilang (K)pagibig kay sa rito, na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan.
14 Kayo'y aking mga kaibigan, kung gawin ninyo ang mga bagay na aking iniuutos sa inyo.
15 Hindi ko na kayo tatawaging mga alipin; sapagka't hindi nalalaman ng alipin kung ano ang ginagawa ng kaniyang panginoon: nguni't tinatawag ko kayong mga kaibigan; (L)sapagka't ang lahat ng mga bagay na narinig ko sa aking Ama ay mga ipinakilala ko sa inyo.
16 Ako'y hindi ninyo hinirang, nguni't kayo'y (M)hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayo'y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang (N)anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo.
17 Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo, upang kayo'y mangagibigan sa isa't isa.
18 Kung kayo'y kinapopootan ng sanglibutan, ay inyong (O)talastas na ako muna ang kinapootan bago kayo.
19 Kung kayo'y taga sanglibutan, ay (P)iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't (Q)sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan.
20 Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo'y aking sinabi, (R)Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung ako'y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din; kung tinupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din.
21 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo (S)dahil sa aking pangalan, (T)sapagka't hindi nila nakikilala ang sa akin ay nagsugo.
22 Kung hindi sana ako naparito (U)at nagsalita sa kanila, ay hindi sila magkakaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayo'y wala na silang madadahilan sa kanilang kasalanan.
23 Ang napopoot sa akin ay napopoot din naman sa aking Ama.
24 Kung ako sana'y hindi gumawa sa gitna nila (V)ng mga gawang hindi ginawa ng sinomang iba, ay hindi sana sila nangagkaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayon ay kanilang nangakita at kinapootan nila ako at ang aking Ama.
25 Nguni't nangyari ito, upang matupad ang salitang nasusulat sa (W)kanilang kautusan, (X)Ako'y kinapootan nila na walang kadahilanan.
26 Datapuwa't pagparito (Y)ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin:
27 At kayo naman ay magpapatotoo, sapagka't kayo'y nangakasama ko (Z)buhat pa nang una.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Swedish Contemporary Bible (nuBibeln) Copyright © 2015 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
