Add parallel Print Page Options

Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin at ako sa kaniya ay magbubunga nang sagana sapagkat kung hiwalay kayo sa akin hindi kayo makakagawa ng anuman. Malibang ang sinuman ay manatili sa akin, siya ay itatapon tulad ng sanga at ito ay natutuyo. Kanila itong tinitipon at itinatapon sa apoy, at ito ay sinusunog. Kung kayo ay mananatili sa akin at ang aking mga salita ay manatili sa inyo, hingin ninyo ang anumang inyong ibigin at ito ay mangyayari sa inyo.

Read full chapter