Add parallel Print Page Options

19 Kung kayo'y taga sanglibutan, ay (A)iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't (B)sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan.

20 Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo'y aking sinabi, (C)Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung ako'y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din; kung tinupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din.

21 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo (D)dahil sa aking pangalan, (E)sapagka't hindi nila nakikilala ang sa akin ay nagsugo.

Read full chapter