Add parallel Print Page Options

15 Hindi ko na kayo tinatawag na mga alipin sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kaniyang panginoon. Sa halip ay tinawag ko kayong mga kaibigan sapagkat ang lahat ng narinig ko sa aking Ama ay ipinaaalam ko sa inyo. 16 Hindi ninyo ako hinirang ngunit ako ang humirang sa inyo at nagtalaga sa inyo. Ang dahilan ay upang kayo ay humayo at mamunga at ang inyong bunga aymanatili. At anumang ang inyong hingin sa aking Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo. 17 Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo upang kayo ay mag-ibigan sa isa’t isa.

Read full chapter