Add parallel Print Page Options

11 Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang ang aking kagalakan ay manatili sa inyo. Gayundin naman, ang inyong kagalakan ay malubos. 12 Ito ang aking utos: Kayo ay mag-ibigan sa isa’t isa gaya ng pag-ibig ko sa inyo. 13 Wala nang hihigit pang pag-ibig kaysa rito, na ang isang tao ay mag-alay ng kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan.

Read full chapter