Juan 14
Ang Dating Biblia (1905)
14 Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin.
2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.
3 At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.
4 At kung saan ako paroroon, ay nalalaman ninyo ang daan.
5 Sinabi sa kaniya ni Tomas, Panginoon, hindi namin nalalaman kung saan ka paroroon; paano ngang malalaman namin ang daan?
6 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.
7 Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita.
8 Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin.
9 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?
10 Hindi ka baga nananampalataya na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.
11 Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin.
12 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya; sapagka't ako'y paroroon sa Ama.
13 At ang anomang inyong hingin sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak.
14 Kung kayo'y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.
15 Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
16 At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,
17 Sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.
18 Hindi ko kayo iiwang magisa: ako'y paririto sa inyo.
19 Kaunti pang panahon, at hindi na ako makikita ng sanglibutan; nguni't inyong makikita ako: sapagka't ako'y nabubuhay, ay mangabubuhay rin naman kayo.
20 Sa araw na yao'y makikilala ninyong ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo.
21 Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.
22 Si Judas (hindi ang Iscariote) ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, ano't mangyayari na sa amin ka magpapakahayag, at hindi sa sanglibutan?
23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.
24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.
25 Ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, samantalang ako'y tumatahang kasama pa ninyo.
26 Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.
27 Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.
28 Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama: sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.
29 At ngayon ay sinabi ko sa inyo bago mangyari, upang, kung ito'y mangyari, ay magsisampalataya kayo.
30 Hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo, sapagka't dumarating ang prinsipe ng sanglibutan: at siya'y walang anoman sa akin;
31 Datapuwa't upang maalaman ng sanglibutan na ako'y umiibig sa Ama, at ayon sa kautusang ibinigay sa akin ng Ama, ay gayon din ang aking ginagawa. Magsitindig kayo, at magsialis tayo rito.
Juan 14
Ang Biblia, 2001
Si Jesus ang Daan tungo sa Ama
14 “Huwag mabagabag ang inyong puso. Sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya rin naman kayo sa akin.
2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan. Kung hindi gayon, sasabihin ko ba sa inyo na ako'y paparoon upang ihanda ko ang lugar para sa inyo?
3 At kung ako'y pumunta roon at maihanda ko ang isang lugar para sa inyo, ako'y babalik at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili, upang kung saan ako naroroon, kayo rin ay naroroon.
4 Nalalaman ninyo ang daan patungo sa lugar na aking pupuntahan.”[a]
5 Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi namin alam kung saan ka pupunta. Paano namin malalaman ang daan?”
6 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Sinuman ay hindi makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan ko.
7 Kung ako'y kilala ninyo ay makikilala rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon siya'y inyong nakikilala at siya'y inyong nakita.”
8 Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at kami ay masisiyahan na.”
9 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Mahabang panahon nang ako'y kasama ninyo, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama. Paano mong nasabi, ‘Ipakita mo sa amin ang Ama?’
10 Hindi ka ba sumasampalataya na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? Ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasabi mula sa aking sarili, kundi ang Ama na nananatili sa akin ang gumagawa ng kanyang mga gawa.
11 Sumampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Subalit kung hindi ay sumampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa.
12 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang sumasampalataya sa akin ay gagawin din ang mga gawang aking ginagawa, at lalong dakilang mga gawa kaysa rito ang gagawin niya, sapagkat ako'y pupunta sa Ama.
13 At anumang hingin ninyo sa aking pangalan ay aking gagawin, upang ang Ama ay maluwalhati sa Anak.
14 Kung kayo'y humingi ng anuman sa pangalan ko ay gagawin ko.
Ang Pangakong Espiritu Santo
15 “Kung ako'y inyong minamahal ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
16 At hihingin ko sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng isa pang Mang-aaliw,[b] upang makasama ninyo siya magpakailanman.
17 Ito ang Espiritu ng katotohanan na hindi kayang tanggapin ng sanlibutan; sapagkat siya'y hindi nito nakikita o nakikilala man. Siya'y nakikilala ninyo, sapagkat siya'y nananatiling kasama ninyo at siya ay mapapasa inyo.
18 Hindi ko kayo iiwang nag-iisa, ako'y darating sa inyo.
19 Kaunti pang panahon at hindi na ako makikita ng sanlibutan, ngunit makikita ninyo ako; sapagkat ako'y nabubuhay ay mabubuhay rin kayo.
20 Sa araw na iyon ay malalaman ninyong ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo.
21 Siyang mayroon ng aking mga utos at tinutupad ang mga iyon ay siyang nagmamahal sa akin, at ang nagmamahal sa akin ay mamahalin ng aking Ama, at siya'y mamahalin ko, at ihahayag ko ang aking sarili sa kanya.”
22 Si Judas (hindi ang Iscariote) ay nagsabi sa kanya, “Panginoon, paano mong ihahayag ang iyong sarili sa amin, at hindi sa sanlibutan?”
23 Sumagot si Jesus sa kanya, “Kung ang isang tao ay nagmamahal sa akin, ay kanyang tutuparin ang aking salita, at siya'y mamahalin ng aking Ama, at kami'y lalapit sa kanya, at kami'y gagawa ng tahanang kasama siya.
24 Ang hindi nagmamahal sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita, at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.
25 Ang mga bagay na ito'y sinabi ko sa inyo, samantalang ako'y nananatiling kasama pa ninyo.
26 Subalit ang Mang-aaliw, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng aking sinabi sa inyo.
27 Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo. Hindi gaya ng ibinibigay ng sanlibutan ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong puso, o matakot man.
28 Narinig ninyong sinabi ko sa inyo, ‘Ako ay aalis, at babalik ako sa inyo. Kung ako'y inyong minamahal, kayo'y magagalak sapagkat ako'y pupunta sa Ama; sapagkat ang Ama ay higit na dakila kaysa akin.’
29 At ngayon ay sinabi ko sa inyo bago pa mangyari, upang kung ito'y mangyari, kayo ay maniwala.
30 Hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo, sapagkat dumarating ang pinuno ng sanlibutan. Siya'y walang kapangyarihan sa akin.
31 Subalit ginagawa ko ang ayon sa iniutos sa akin ng Ama, upang malaman ng sanlibutan na minamahal ko ang Ama. Tumindig tayo at umalis na tayo rito.
Footnotes
- Juan 14:4 Sa ibang mga kasulatan ay ganito ang sinasabi: Kung saan ako patungo ay nalalaman ninyo, at malalaman ninyo ang daan .
- Juan 14:16 o Katulong .
Johannes 14
Swedish New Living Bible (Nya Levande Bibeln)
Jesus - vägen till Fadern
14 Känn ingen ängslan och oro. Ni tror ju på Gud, tro nu också på mig.
2-3 Det finns många rum där min Far bor, och jag går nu i förväg och gör i ordning dem för er ankomst. När allt är färdigt ska jag komma och hämta er, så att ni alltid kan vara hos mig där jag är. Om det inte var så skulle jag ha sagt er det.
4 Och ni vet vart jag går och hur ni ska komma dit?
5 Nej, det vet vi inte, sa Tomas. Vi har ingen aning om vart du går. Hur ska vi då hitta dit?
6 Jesus sa till honom: Jag är vägen, sanningen och livet. Ingen kan komma till Fadern utom genom mig.
7 Vet ni vem jag är så vet ni också vem min Far är. Från och med nu känner ni honom, och ni har sett honom.
8 Filippos sa: Herre, visa oss Fadern så är vi nöjda.
9 Jesus svarade: Vet du ännu inte ens vem jag är, Filippos, efter den långa tid som jag har varit tillsammans med er? Den som har sett mig har sett Fadern. Varför ber ni då att få se honom?
10 Tror ni inte att jag är i Fadern och att Fadern är i mig? Orden jag talar är inte mina egna, utan de är från Fadern som bor i mig. Och han gör sina gärningar genom mig.
11 Tro mig när jag säger att jag är i Fadern och Fadern är i mig. Och om ni ändå inte tror mina ord, tro då på de under ni har sett mig göra.
12-13 Ett är säkert: Var och en som tror på mig ska göra samma under som jag har gjort, och till och med ändå större för jag går för att vara hos Fadern. Ni kan be honom om vad som helst i mitt namn, och jag ska göra det. Och Fadern ska bli ärad på grund av vad jag, Sonen, gör för er.
14 Ja, be om vad som helst, och använd er av mitt namn så ska jag göra det.
Löftet om den helige Ande
15-16 Om ni älskar mig så lev som jag har lärt er. Och jag ska be Fadern att han i mitt ställe ska sända er en annan Hjälpare som aldrig ska lämna er.
17 Det är den helige Ande, som leder er in i den fulla sanningen. Världen kan inte ta emot honom, för den söker inte efter honom och känner honom inte. Men ni gör det, för han bor hos er nu och kommer att vara i er.
18 Nej, jag ska inte överge er eller lämna er föräldralösa, utan jag ska komma till er.
19 Snart kommer ingen längre att se mig här i världen, men ni ska se mig. Och därför att jag lever ska ni också göra det.
20 Då kommer ni att veta att jag är i min Far och att ni är i mig och jag i er.
21 Den som lyder mina bud och lever efter dem älskar mig, och därför att han älskar mig kommer min Far att älska honom. Det kommer jag också att göra, och jag ska ge mig till känna för honom.
22 Judas (inte Judas Iskariot, utan den andre lärjungen med samma namn) sa till honom: Herre, varför ska du ge dig till känna bara för oss lärjungar och inte för hela världen?
23 Jesus svarade: Jag ger mig till känna bara för dem som älskar mig och lyder mina ord. Fadern ska också älska dem, och vi ska komma till dem och stanna hos dem.
24 Den som inte rättar sig efter vad jag säger älskar mig inte. Och kom ihåg att det jag säger kommer inte från mig själv, utan det har jag fått av Fadern som har sänt mig.
25 Jag säger er detta medan jag fortfarande är hos er.
26 Men när Fadern i mitt ställe sänder Hjälparen, och Hjälparen är den helige Ande, så kommer han att lära er mycket och påminna er om allt som jag har lärt er.
27 Även om jag inte stannar hos er så ska ni ha frid. Jag ger er min frid, en frid som ingen annan kan ge er. Var därför inte oroliga och rädda.
28 Kom ihåg vad jag har sagt till er: jag går bort nu, men jag ska komma tillbaka till er. Om ni verkligen älskar mig ska ni glädja er med mig, för jag går till Fadern som är större än jag.
29 Jag har berättat detta för er på förhand, så att ni ska tro på mig när det inträffar.
30 Jag har inte tid att tala med er mera nu, för Satan, denna världens furste närmar sig. Han har ingen makt över mig,
31 utan jag kommer bara att göra vad Fadern befallt mig, så att världen ska veta att jag älskar Fadern. Kom, nu går vi.
Copyright © 1974, 1977, 1987, 1995, 2003, 2004 by Biblica
