Juan 14:27-31
Ang Salita ng Diyos
27 Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo. Ang ibinibigay ko ay hindi katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag mabalisa ang inyong puso ni mangamba.
28 Narinig ninyo ang sinabi ko sa inyo: Ako ay aalis at muling magbabalik sa inyo. Kung iniibig ninyo ako ay magagalak kayo sa sinabi kong ako ay pupunta sa Ama sapagkat ang aking Ama ay higit na dakila kaysa sa akin. 29 Sinabi ko na ito sa inyo bago pa ito mangyari. Ito ay upang kung mangyari na ito, kayo ay sumampalataya. 30 Simula ngayon ay hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo sapagkat ang prinsipe ng sanlibutang ito ay dumarating. Tunay na wala siyang bahagi sa akin. 31 Sinabi ko ito sa inyo upang malaman ng sangkatauhan na iniibig ko ang Ama. Malalaman nila na kung papaano ako inutusan ng Ama, ganoon ang ginagawa ko. Tumindig kayo at tayo ay aalis na.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International