Add parallel Print Page Options

30 Pagkakain ni Judas ng tinapay, agad siyang umalis. Gabi na noon.

Ang Bagong Utos

31 Nang makaalis na si Judas, sinabi ni Jesus, “Ako na Anak ng Tao ay pararangalan na, at sa pamamagitan koʼy pararangalan din ang Dios. 32 At kung sa pamamagitan koʼy pararangalan ang Dios, ihahayag din ng Dios ang aking karangalan, at gagawin niya ito kaagad.

Read full chapter