Font Size
Juan 13:26-28
Ang Biblia, 2001
Juan 13:26-28
Ang Biblia, 2001
26 Sumagot si Jesus, “Siya iyong aking bibigyan ng tinapay pagkatapos na maisawsaw ko ito.” Kaya't nang maisawsaw niya ang tinapay, ay kinuha niya at ibinigay niya kay Judas, na anak ni Simon Iscariote.[a]
27 Pagkatapos na matanggap ang kapirasong tinapay, si Satanas ay pumasok sa kanya. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Gawin mong mabilis ang iyong gagawin.”
28 Hindi nalalaman ng sinumang nasa hapag ang dahilan kung bakit niya sinabi ang mga ito sa kanya.
Read full chapterFootnotes
- Juan 13:26 Sa ibang mga kasulatan ay Judas Iscariote na anak ni Simon .