Juan 12
Magandang Balita Biblia
Binuhusan ng Pabango ang mga Paa ni Jesus(A)
12 Anim na araw bago sumapit ang Pista ng Paskwa, si Jesus ay nagpunta sa Bethania, kung saan nakatira si Lazaro na kanyang muling binuhay. 2 Isang hapunan ang inihanda roon para sa kanya. Si Lazaro ay isa sa mga kasalo ni Jesus samantalang si Martha naman ay tumutulong sa paglilingkod sa kanila. 3 Kumuha(B) naman si Maria ng isang bote ng mamahaling pabangong galing sa katas ng dalisay na nardo, at ibinuhos sa mga paa ni Jesus. Pagkatapos, pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok. At napuno ang buong bahay ng halimuyak ng pabango. 4 Ito'y pinuna ni Judas Iscariote, ang alagad na magkakanulo sa kanya. Sinabi niya, 5 “Bakit hindi na lamang ipinagbili ang pabango at ibinigay sa mga dukha ang pinagbilhan? Maaaring umabot sa tatlong daang salaping pilak ang halaga ng pabangong iyan!” 6 Sinabi iyon ni Judas, hindi dahil sa siya'y may malasakit sa mga dukha, kundi dahil sa siya'y magnanakaw. Siya ang tagapagdala ng kanilang salapi, at madalas niyang kinukupitan ito.
7 Ngunit sinabi ni Jesus, “Pabayaan ninyo siya! Hayaan ninyong ilaan niya ito para sa araw ng aking libing. 8 Habang(C) panaho'y kasama ninyo ang mga dukha, ngunit ako'y hindi ninyo kasama habang panahon.”
Ang Balak Laban kay Lazaro
9 Nabalitaan ng maraming Judio na si Jesus ay nasa Bethania kaya't nagpunta sila roon upang makita siya at si Lazaro, na kanyang muling binuhay. 10 Kaya't binalak ng mga punong pari na ipapatay din si Lazaro, 11 sapagkat dahil sa kanya'y maraming Judio ang humihiwalay na sa kanila at sumasampalataya kay Jesus.
Ang Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem(D)
12 Kinabukasan, nabalitaan ng maraming taong dumalo sa pista na si Jesus ay papunta sa Jerusalem. 13 Kumuha(E) sila ng mga palapa ng palmera, at lumabas sila sa lungsod upang siya'y salubungin. Sila'y sumisigaw, “Purihin ang Diyos.[a] Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Purihin ang Hari ng Israel!”
14 Nakakita si Jesus ng isang batang asno at sinakyan niya ito, gaya ng nasusulat,
15 “Huwag(F) kang matakot, lungsod ng Zion!
Masdan mo, dumarating ang iyong hari,
nakasakay sa isang batang asno!”
16 Hindi ito naunawaan noon ng kanyang mga alagad. Ngunit matapos na si Jesus ay maluwalhating nabuhay muli, naalala nilang ganoon nga ang sinasabi sa kasulatan tungkol sa kanya, kaya't gayon nga ang nangyari.
17 Ang mga taong kasama ni Jesus noong tawagin niya si Lazaro mula sa libingan at muli niya itong binuhay ay nagpatotoo tungkol sa nangyari. 18 At ito ang dahilan kaya siya sinalubong ng napakaraming tao—nabalitaan nila ang himalang ginawa niya.
19 Kaya't nasabi ng mga Pariseo, “Nakikita ninyong walang nangyayari sa mga ginagawa natin. Tingnan ninyo, sumusunod sa kanya ang buong mundo!”
Hinanap ng Ilang Griego si Jesus
20 May ilang Griegong dumalo sa pista upang sumamba. 21 Lumapit sila kay Felipe na taga-Bethsaida sa Galilea, at nakiusap, “Ginoo, nais po naming makita si Jesus.”
22 Ito'y sinabi ni Felipe kay Andres, at magkasama silang nagsabi nito kay Jesus. 23 Sumagot si Jesus, “Dumating na ang oras upang luwalhatiin ang Anak ng Tao. 24 Pakatandaan ninyo: hangga't hindi nahuhulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung ito'y mamatay, mamumunga ito nang sagana. 25 Ang(G) taong nagpapahalaga sa kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, ngunit ang taong hindi nagpapahalaga sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon ng buhay na walang hanggan. 26 Ang naghahangad na maglingkod sa akin ay dapat sumunod sa akin, at saanman ako naroroon ay naroroon din siya. Pararangalan ng Ama ang sinumang naglilingkod sa akin.”
Ipinahiwatig ni Jesus ang Kanyang Pagkamatay
27 “Ako'y nababagabag ngayon. Sasabihin ko bang, ‘Ama, huwag mong hayaang sumapit sa akin ang oras na ito ng paghihirap’? Hindi! Sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako naparito—upang danasin ang oras na ito. 28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.”
Isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Niluwalhati ko na ito, at muli kong luluwalhatiin.”
29 Narinig iyon ng mga taong naroon kaya't sinabi nila, “Kumulog!” Sabi naman ng iba, “Nagsalita sa kanya ang isang anghel!”
30 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang tinig na iyon ay ipinarinig para sa inyo at hindi para sa akin. 31 Panahon na upang hatulan ang mundong ito. Panahon na rin upang hatulan ang pinuno ng mundong ito. 32 At kung ako'y maitaas na, ilalapit ko sa aking sarili ang lahat ng tao.” 33 Sinabi niya ito upang ipahiwatig kung paano siya mamamatay.
34 Sinagot(H) siya ng mga tao, “Sinasabi sa amin ng Kautusan na ang Cristo ay mananatili magpakailanman. Bakit mo sinasabing dapat maitaas ang Anak ng Tao? Sino ba ang Anak ng Taong ito?”
35 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kaunting panahon na lamang ninyong makakasama ang ilaw. Lumakad kayo habang kasama pa ninyo ang ilaw upang hindi kayo abutan ng dilim. Hindi alam ng lumalakad sa dilim kung saan siya pupunta. 36 Sumampalataya kayo sa ilaw habang kasama pa ninyo ang ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng liwanag.”
Hindi Sumampalataya kay Jesus ang mga Judio
Pagkasabi nito, si Jesus ay umalis doon at hindi na muling nagpakita sa kanila. 37 Kahit na nasaksihan nila ang maraming himalang ginawa niya, hindi pa rin sila naniwala sa kanya. 38 Nangyari(I) ito upang matupad ang sinabi ni Propeta Isaias,
“Panginoon, sino ang naniwala sa aming ibinalita?
Kanino ipinakita ng Panginoon ang kanyang kapangyarihan?”
39 Hindi nga sila makapaniwala sapagkat tulad ng sinabi ni Isaias,
40 “Binulag(J) ng Diyos ang kanilang mga mata
at pinatigas ang kanilang mga puso,
upang sila'y hindi makakita,
ni makaunawa ang kanilang mga isip,
baka pa sila'y manumbalik sa akin
at sila'y pagalingin ko.”
41 Sinabi ito ni Isaias sapagkat nakita niya ang kaluwalhatian ni Jesus, at nagpahayag siya tungkol kay Jesus.[b]
42 Gayunman, marami ring pinuno ng mga Judio ang naniwala sa kanya. Subalit hindi nila maipahayag ito dahil sa takot sa mga Pariseo, na baka sila'y itiwalag sa sinagoga. 43 Mas ginusto nilang parangalan sila ng tao kaysa parangalan ng Diyos.
Ang Salita ni Jesus ang Hahatol
44 Malakas na sinabi ni Jesus, “Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. 45 At ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa nagsugo sa akin. 46 Ako'y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang ang manalig sa akin ay huwag manatili sa kadiliman. 47 Hindi ako ang humahatol sa taong dumirinig ng aking salita, ngunit ayaw namang sumunod dito. Sapagkat hindi ako naparito upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito. 48 May ibang hahatol sa mga ayaw tumanggap sa akin at sa aking mga salita. Ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanila sa huling araw. 49 Sapagkat hindi ako nagsalita nang mula sa sarili ko lamang; ang Ama na nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. 50 At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya't ang ipinapasabi ng Ama ang siya kong ipinapahayag.”
Footnotes
- Juan 12:13 PURIHIN ANG DIYOS: o kaya'y Hosanna, na nangangahulugan ding “Iligtas mo kami” ngunit mas madalas itong ginagamit bilang isang sigaw ng pagpupuri.
- Juan 12:41 nakita niya…kay Jesus: o kaya'y nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos at nagpahayag siya tungkol kay Jesus .
Ioan 12
Nouă Traducere În Limba Română
Ungerea lui Isus la Betania
12 Cu şase zile înainte de Paşte, Isus a venit în Betania, unde era Lazăr, cel pe care Isus îl înviase dintre cei morţi. 2 Au dat acolo o cină pentru El. Marta slujea, iar Lazăr era unul dintre cei ce mâncau la masă cu El. 3 Maria a luat o litră[a] de parfum de nard pur, foarte scump, a uns picioarele lui Isus şi I-a şters picioarele cu părul ei. Casa s-a umplut de mirosul parfumului. 4 Dar Iuda Iscarioteanul, unul dintre ucenicii Lui, cel care urma să-L trădeze, a zis:
5 – De ce nu s-a vândut acest parfum cu trei sute de denari[b], iar banii să fie daţi săracilor?
6 Spunea însă lucrul acesta nu pentru că-i păsa de cei săraci, ci pentru că era un hoţ şi, fiind cel care ţinea punga, fura el ce se punea în ea.
7 Isus i-a zis:
– Las-o în pace, pentru că ea l-a păstrat pentru[c] ziua îngropării Mele! 8 Căci pe săraci îi aveţi întotdeauna cu voi, dar pe Mine nu Mă aveţi întotdeauna.
9 O mare mulţime dintre iudei a aflat că El este acolo şi a venit nu numai pentru Isus, ci şi ca să-l vadă pe Lazăr, pe care El îl înviase dintre cei morţi.
10 Însă conducătorii preoţilor au plănuit să-l omoare şi pe Lazăr, 11 pentru că mulţi dintre iudei îi părăseau din cauza lui şi credeau în Isus.
Intrarea triumfală în Ierusalim
12 În ziua următoare, marea mulţime care venise la sărbătoare, auzind că Isus vine la Ierusalim, 13 a luat ramuri de palmieri şi I-a ieşit în întâmpinare. Ei strigau:
„Osana![d]
Binecuvântat este Cel Ce vine în Numele Domnului,[e]
Împăratul lui Israel!“
14 Isus a găsit un măgăruş şi a încălecat pe el, aşa cum este scris:
15 „Nu te teme, fiică a Sionului!
Iată că Împăratul tău vine,
călare pe mânzul unei măgăriţe!“[f]
16 Ucenicii Lui n-au înţeles aceste lucruri la început, dar când Isus a fost proslăvit şi-au adus aminte că aceste lucruri erau scrise despre El şi că ei le-au împlinit cu privire la El. 17 Mulţimea care fusese cu El când îl chemase pe Lazăr din mormânt şi-l înviase dintre cei morţi depunea mărturie în continuare. 18 Mulţimile L-au întâmpinat, pentru că auziseră că făcuse acest semn. 19 Fariseii au zis deci între ei: „Vedeţi că nu câştigaţi nimic! Iată că lumea se duce după El!“
Isus vorbeşte despre moartea Sa
20 Erau şi nişte greci[g] printre cei care se duseseră la sărbătoare ca să se închine. 21 Aceştia s-au dus la Filip, care era din Betsaida Galileii, şi l-au rugat zicând: „Domnule, dorim să-L vedem pe Isus!“ 22 Filip s-a dus şi i-a spus lui Andrei; apoi Andrei şi Filip s-au dus şi I-au spus lui Isus.
23 Isus le-a răspuns: „A venit ceasul ca Fiul Omului să fie proslăvit. 24 Adevărat, adevărat vă spun că, dacă bobul de grâu care cade în pământ nu moare, rămâne singur, dar dacă moare, aduce mult rod. 25 Cel ce-şi iubeşte viaţa, o va pierde, dar cel ce-şi urăşte[h] viaţa în lumea aceasta, o va păstra pentru viaţa veşnică. 26 Dacă Îmi slujeşte cineva, să Mă urmeze; şi unde sunt Eu, acolo va fi şi slujitorul Meu. Dacă-Mi slujeşte cineva, Tatăl îl va onora.
27 Acum, sufletul Meu este tulburat. Şi ce-ar trebui să spun? «Tată, salvează-Mă din ceasul acesta!»? Dar tocmai de aceea am venit până în ceasul acesta! 28 Tată, proslăveşte-Ţi Numele!“ Atunci a venit din cer un glas care a zis: „L-am proslăvit şi-l voi proslăvi din nou!“ 29 Mulţimea care stătea acolo şi care a auzit glasul, a zis că a fost un tunet. Alţii ziceau: „I-a vorbit un înger!“
30 Isus a zis:
– Nu pentru Mine s-a auzit glasul acesta, ci pentru voi! 31 Acum are loc judecata acestei lumi; acum va fi aruncat afară conducătorul acestei lumi. 32 Şi când voi fi înălţat de pe pământ, îi voi atrage la Mine pe toţi.
33 Spunea lucrul acesta pentru a arăta cu ce fel de moarte urma să moară.
34 Mulţimea I-a răspuns:
– Noi am auzit din Lege[i] că Cristosul rămâne în veac; cum de spui Tu că Fiul Omului trebuie să fie înălţat?! Cine este Acest Fiu al Omului?
35 Isus le-a zis:
– Lumina mai este încă puţină vreme în mijlocul vostru. Umblaţi cât timp aveţi Lumina, pentru ca nu cumva să vă cuprindă întunericul! Cel ce umblă în întuneric nu ştie unde se duce. 36 Cât timp aveţi Lumina, credeţi în Lumină, ca să deveniţi fii ai Luminii!
După ce a spus aceste lucruri, Isus a plecat şi S-a ascuns de ei.
Iudeii continuă în necredinţa lor
37 Dar, cu toate că făcuse atâtea semne înaintea lor, tot nu credeau în El, 38 ca să se împlinească cuvântul lui Isaia, profetul, care zice:
„Doamne, cine a crezut mesajul nostru?
Cui i-a fost descoperit braţul Domnului?“[j]
39 De aceea nu puteau crede, pentru că Isaia a mai zis:
40 „Le-a orbit ochii
şi le-a împietrit inima,
ca nu cumva să vadă cu ochii,
să înţeleagă cu inima, să se întoarcă la Mine şi să-i vindec!“
41 Isaia a spus aceste lucruri pentru că a văzut slava Lui şi a vorbit despre El.
42 Totuşi, chiar şi dintre conducători, mulţi au crezut în El, dar, din cauza fariseilor, nu mărturiseau aceasta[k], ca să nu fie daţi afară din sinagogă. 43 Căci au iubit mai mult slava oamenilor decât slava lui Dumnezeu.
44 Isus a strigat: „Cel ce crede în Mine, nu crede doar în Mine, ci în Cel Ce M-a trimis pe Mine, 45 iar cel ce Mă vede pe Mine Îl vede pe Cel Ce M-a trimis pe Mine! 46 Eu am venit ca lumină în lume, pentru ca oricine crede în Mine să nu rămână în întuneric. 47 Iar dacă aude cineva cuvintele Mele şi nu le păzeşte, nu Eu îl judec. Căci Eu n-am venit să judec lumea, ci să mântuiesc lumea. 48 Pe cel ce Mă respinge şi nu primeşte cuvintele Mele are cine să-l judece: Cuvântul pe care l-am spus Eu, acela îl va judeca în ziua de pe urmă. 49 Căci Eu n-am vorbit de la Mine Însumi, ci Cel Ce M-a trimis, Tatăl Însuşi, Mi-a dat poruncă ce să vorbesc şi ce să spun. 50 Şi ştiu că porunca Lui este viaţă veşnică. Prin urmare, lucrurile pe care Eu le spun, le spun aşa cum Mi le-a spus Tatăl.“
Footnotes
- Ioan 12:3 O litră măsura aproximativ 0,3 l
- Ioan 12:5 Plata obişnuită (vezi nota de la 6:7 pentru valoarea denarului) pentru mai mult de un an de zile, luând în calcul Sabatele şi sărbătorile, când nu se lucra
- Ioan 12:7 Sau: Las-o în pace, ca să-l păstreze pentru; sau: Las-o în pace! Să-l păstreze pentru
- Ioan 12:13 Expresie ebraică ce înseamnă Izbăveşte-ne, te rugăm!, expresie ce a devenit o exclamaţie de laudă folosită în închinare; (vezi Ps. 118:25)
- Ioan 12:13 Vezi Ps. 118:26
- Ioan 12:15 Vezi Zah. 9:9
- Ioan 12:20 Numiţi şi „temători de Dumnezeu“, neevrei atraşi de iudaism datorită monoteismului şi a moralei sale, oameni care se alăturau comunităţilor evreieşti din Diaspora; nu erau neapărat prozeliţi
- Ioan 12:25 În ideea că nu o iubeşte mai mult decât pe Dumnezeu (vezi Mc. 14:26 şi nota; Mt. 10:37)
- Ioan 12:34 Cu referire la întreg VT, nu doar la primele cinci cărţi ale lui Moise, deoarece aluziile sunt la texte ca Ps. 89:36; 110:4; Is. 9:7; Eze. 37:25; Dan. 7:14
- Ioan 12:38 Vezi Is. 53:1
- Ioan 12:42 Adică: nu mărturiseau că Isus este Cristosul (vezi 9:22)
Juan 12
Ang Biblia (1978)
12 Anim na araw nga bago (A)magpaskua ay naparoon (B)si Jesus sa Betania, na kinaroroonan ni (C)Lazaro, na ibinangon ni Jesus mula sa mga patay.
2 (D)Kaya't iginawa siya doon ng isang hapunan: at si Marta ay naglilingkod; datapuwa't si Lazaro ay isa sa nangakaupo sa pagkain na kasalo niya.
3 Si Maria nga'y kumuha ng (E)isang libra ng unguentong taganas na nardo, na totoong mahalaga, at (F)pinahiran ang mga paa ni Jesus, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok: at ang bahay ay napuno ng amoy ng unguento.
4 Datapuwa't (G)si Judas Iscariote, na isa sa kaniyang mga alagad, na sa kaniya'y magkakanulo, ay nagsabi,
5 Bakit hindi ipinagbili ang unguentong ito ng tatlong daang denario, at ibigay sa mga dukha?
6 Ito'y sinabi nga niya, hindi sapagka't ipinagmalasakit niya ang mga dukha; kundi sapagka't siya'y magnanakaw, (H)at yamang nasa kaniya ang supot ay kinukuha niya ang doon ay inilalagay.
7 Sinabi nga ni Jesus, Pabayaan ninyong (I)ilaan niya ito ukol sa araw ng paglilibing sa akin.
8 Sapagka't ang mga dukha ay laging nasa inyo; nguni't ako'y hindi laging nasa inyo.
9 Ang karaniwang mga tao nga sa mga Judio ay naalaman na siya'y naroroon: at sila'y nagsiparoon, hindi dahil kay Jesus lamang, kundi upang makita nila si Lazaro naman, (J)na muling ibinangon niya mula sa mga patay.
10 Datapuwa't nangagsanggunian ang mga pangulong saserdote upang kanilang maipapatay pati si Lazaro;
11 Sapagka't dahil sa kaniya'y marami sa mga Judio ang nagsisialis at nagsisipanampalataya kay Jesus.
12 Nang kinabukasan (K)ang isang malaking karamihan na nagsiparoon sa pista, pagkabalita nila na si Jesus ay dumarating sa Jerusalem,
13 Ay nagsikuha ng mga palapa ng mga puno ng palma, at nagsilabas na sumalubong sa kaniya, na nagsisigawan, Hosanna: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang Hari ng Israel.
14 At si Jesus, pagkasumpong sa isang batang asno, ay sumakay doon, gaya ng nasusulat,
15 Huwag kang matakot, (L)anak na babae ng Sion: narito, ang iyong Hari ay pumaparito, na nakasakay sa isang anak ng asno.
16 Ang mga bagay na ito ay (M)hindi napagunawa ng kaniyang mga alagad sa pasimula: (N)nguni't nang si Jesus ay maluwalhati na, ay saka nila naalaala na ang mga bagay na ito ay sinulat tungkol sa kaniya, at kanilang ginawa ang mga bagay na ito sa kaniya.
17 Ang karamihan ngang kasama niya nang tawagin niya si Lazaro mula sa libingan, at siya'y ibangon sa mga patay, ay siyang nangagpapatotoo.
18 (O)Dahil dito rin naman ang karamihan ay nagsiyaon at sumalubong sa kaniya, sapagka't nabalitaan nila na siyang gumawa ng tandang ito.
19 Ang mga Fariseo nga'y nangagsangusapan, (P)Tingnan ninyo kung paanong kayo'y walang anomang ikapanaig; narito, ang sanglibutan ay sumusunod sa kaniya.
20 Mayroon (Q)ngang ilang (R)Griego sa (S)nagsiahon sa kapistahan upang magsisamba:
21 Ang mga ito nga'y nagsilapit kay (T)Felipe, na taga Betsaida ng Galilea, at nagsipamanhik sa kaniya, na sinasabi, Ginoo, ibig sana naming makita si Jesus.
22 Lumapit si Felipe at sinabi kay Andres: lumapit si Andres, at si Felipe, at kanilang sinabi kay Jesus.
23 At sinagot sila ni Jesus, na nagsasabi, Dumating na (U)ang oras, na ang Anak ng tao ay luluwalhatiin.
24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (V)Maliban ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ay natitira siyang magiisa; nguni't kung mamatay, ay nagbubunga ng marami.
25 Ang umiibig sa (W)kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang (X)napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan.
26 Kung ang sinomang tao'y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin; at (Y)kung saan ako naroroon, ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung ang sinomang tao'y maglingkod sa akin, ay siya'y pararangalan ng Ama.
27 Ngayon ay (Z)nagugulumihanan ang aking kaluluwa; at ano ang aking sasabihin? Ama, iligtas mo ako sa oras na ito. Nguni't dahil dito ay naparito ako sa oras na ito.
28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan. (AA)Dumating nga ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin.
29 Ang karamihan ngang nangaroroon, at nangakarinig, ay nagsipagsabing kumulog: sinabi ng mga iba, Isang anghel ang nakipagusap sa kaniya.
30 Sumagot si Jesus at sinabi, (AB)Ang tinig na ito'y hindi dumating dahil sa akin, kundi dahil sa inyo.
31 Ngayon (AC)ang paghatol sa sanglibutang ito: ngayon ang prinsipe ng sanglibutang ito ay palalayasin.
32 At ako, kung ako'y mataas na (AD)mula sa lupa, (AE)ang lahat ng mga tao ay palalapitin ko sa akin din.
33 Datapuwa't (AF)ito'y sinabi niya, na ipinaaalam kung sa anong kamatayan ang ikamamatay niya.
34 Sinagot nga siya ng karamihan, Aming narinig sa (AG)kautusan (AH)na ang Cristo ay lumalagi magpakailan man: at paanong sinasabi mo, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay mataas? sino ang Anak ng taong ito?
35 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Kaunting panahon na lamang (AI)sasagitna ninyo ang ilaw. (AJ)Kayo'y magsilakad samantalang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng kadiliman: at (AK)ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo.
36 Samantalang nasa inyo ang ilaw, ay magsisampalataya kayo sa ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng ilaw.
Ang mga bagay na ito'y sinalita ni Jesus, at (AL)siya'y umalis at nagtago sa kanila.
37 Nguni't bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda, gayon ma'y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya:
38 Upang maganap ang salita ng propeta Isaias, na kaniyang sinalita,
(AM)Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?
At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?
39 Dahil dito'y hindi sila makapaniwala, sapagka't muling sinabi ni Isaias,
40 Binulag niya ang kanilang mga mata, (AN)at pinatigas niya ang kanilang mga puso;
Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakaunawa ng kanilang puso
At mangagbalik-loob,
At sila'y mapagaling ko.
41 Ang mga bagay na ito'y sinabi ni Isaias, (AO)sapagka't nakita niya ang kaniyang kaluwalhatian; at siya'y nagsalita ng tungkol sa kaniya.
42 Gayon man (AP)maging sa mga pinuno ay maraming nagsisampalataya sa kaniya; datapuwa't (AQ)dahil sa mga Fariseo ay hindi nila ipinahayag, baka sila'y mapalayas sa sinagoga:
43 Sapagka't iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios.
44 At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin.
45 At (AR)ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin.
46 Ako'y (AS)naparito na isang ilaw sa sanglibutan, upang ang sinomang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman.
47 At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, (AT)ay hindi ko siya hinahatulan: (AU)sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan.
48 Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: (AV)ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol (AW)sa huling araw.
49 Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, (AX)kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.
50 At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Nouă Traducere În Limba Română (Holy Bible, New Romanian Translation) Copyright © 2006 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
