Add parallel Print Page Options

16 Sa simula ay hindi naunawaan ng kaniyang mga alagad ang mga bagay na ito. Subalit nang naluwalhati na si Jesus, saka nila naalala na ang mga bagay na ito ay isinulat patungkol sa kaniya. Naalala rin nila na ang mga bagay na ito ay ginawa nila sa kaniya.

17 Kaya nga, nagpatotoo nga ang maraming tao na nakasama niya nang kaniyang tawagin si Lazaro mula sa libingan at ibinangon mula sa mga patay. 18 Dahil dito, sumalubong sa kaniya ang maraming tao sapagkat narinig nila na siya ay gumawa ng tandang ito.

Read full chapter