Juan 10
Ang Salita ng Diyos
Ang Pastol at ang Kaniyang Kawan
10 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Siya na pumapasok na hindi dumadaan sa pinto ng kulungan ng mga tupa ay magnanakaw at tulisan. Siya ay umaakyat sa ibang daan.
2 Ang pumapasok na dumadaan sa pinto ay ang pastol ng mga tupa. 3 Pinagbubuksan siya ng bantay-pinto. Dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig. Tinatawag niya ang kaniyang sariling mga tupa sa kani-kanilang pangalan. Sila ay inaakay niya sa paglabas. 4 Kapag nailabas na niya ang sarili niyang mga tupa ay nauuna siya sa kanila. Ang mga tupa ay sumusunod sa kaniya sapagkat kilala nila ang kaniyang tinig. 5 Hindi nila susundin kailanman ang isang dayuhan kundi lalayuan nila siya sapagkat hindi nila kilala ang tinig ng mga dayuhan. 6 Ang talinghagang ito ay sinabi ni Jesus sa kanila. Hindi nila naunawaan ang sinabi niya sa kanila.
7 Muli ngang sinabi ni Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ako ang pinto ng mga tupa. 8 Ang lahat ng naunang dumating sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan. Subalit hindi sila dininig ng mga tupa. 9 Ako ang pinto. Ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas. Siya ay papasok at lalabas at makakasumpong ng pastulan. 10 Ang magnanakaw ay hindi pumarito malibang siya ay magnakaw, pumatay at maminsala. Ako ay narito upang sila ay magkaroon ng buhay at magkaroon nito na may lubos na kasaganaan.
11 Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay para sa mga tupa. 12 Kapag nakikita ng upahang-lingkod na dumarating ang lobo, iniiwan niya ang mga tupa at tumatakbong palayo. Ginagawa niya ito sapagkat hindi siya ang pastol at sila ay hindi sa kaniya. Pagkatapos, ang mga tupa ay sinisila ng lobo at kinakalat. 13 Ang upahang-lingkod ay tumatakbong palayo sapagkat siya ay upahang-lingkod at wala siyang pagmamalasakit sa mga tupa.
14 Ako ang mabuting pastol. Kilala ko ang aking mga tupa at kilala ako ng aking mga tupa. 15 Kung papaanong nakikilala ako ng Ama ay ganoon din naman, nakikilala ko ang Ama. Iniaalay ko ang aking buhay para sa mga tupa. 16 Mayroon akong ibang mga tupa na wala sa kawang ito. Sila rin ay dapat kong dalhin at diringgin nila ang aking tinig. At magkakaroon ng isang kawan at ng isang pastol. 17 Dahil dito, iniibig ako ng Ama sapagkat iniaalay ko ang aking buhay upang ito ay makuha kong muli. 18 Walang sinumang makakaagaw nito sa akin. Subalit kusa ko itong iniaalay. Mayroon akong kapamahalaang ialay ito at mayroon akong kapamahalaang kunin itong muli. Ang utos na ito ay tinanggap ko mula sa aking Ama.
19 Nagkaroon ngang muli ng pagkakabaha-bahagi sa mga Judio dahil sa mga pananalitang ito. 20 Marami sa kanila ang nagsabi: Siya ay may demonyo at nahihibang. Bakit kayo nakikinig sa kaniya?
21 Sinabi ng iba: Hindi ito mga pananalita ng isang inaalihan ng demonyo. May kapangyarihan bang makapagpamulat ng mata ang demonyo?
Hindi Sumampalataya ang mga Judio
22 Naganap sa Jerusalem ang kapistahan ng pagtatalaga. Noon ay taglamig.
23 Si Jesus ay naglalakad sa templo sa portiko ni Solomon. 24 Pinalibutan nga siya ng mga Judio. Sinabi nila sa kaniya: Hanggang kailan mo paghihintayin ang aming kaluluwa? Kung ikaw ang Mesiyas, sabihin mo sa amin nang tuwiran.
25 Sumagot si Jesus sa kanila: Sinabi ko na sa inyo ngunit hindi kayo sumampalataya. Ang mga gawang ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama ang siyang nagpapatotoo sa akin. 26 Hindi kayo sumasampalataya sapagkathindi kayo kabilang sa aking mga tupa gaya ng sinabi ko sa inyo. 27 Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig. Kilala ko sila at sumusunodsila sa akin. 28 Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Hindi sila malilipol magpakailanman. Walang sinumang makakaagaw sa kanila sa aking kamay. 29 Ibinigay sila sa akin ng aking Ama. Siya ay higit na dakila sa lahat. Walang makakaagaw sa kanila mula sa kamay ng aking Ama. 30 Ako at ang Ama ay iisa.
31 Muli ngang dumampot ng mga bato ang mga Judio upang siya ay batuhin. 32 Sinabi sa kanila ni Jesus: Maraming mabubuting gawa ang ipinakita ko sa inyo mula sa aking Ama. Alin sa mga gawang iyon ang dahilan para batuhin ninyo ako?
33 Sumagot ang mga Judio sa kaniya na sinasabi: Hindi ka namin binabato dahil sa anumang mabuting gawa kundi dahil sa iyong pamumusong. Ginagawa mong Diyos ang sarili mo, ikaw na isang tao.
34 Tinugon sila ni Jesus: Hindi ba nasusulat sa inyong kautusan: Aking sinabi na kayo ay mga diyos? 35 Tinawag niyang mga diyos ang mga tao, na sa pamamagitan nila ay dumating ang salita ng Diyos. At ang kasulatan ay hindi masisira. 36 Sinasabi ninyo sa kaniya na pinabanal at isinugo ng Ama sa sanlibutan: Ikaw ay nanlalait. Ito ba ay dahil sa sinabi ko: Ako ay Anak ng Diyos? 37 Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama, huwag kayong sumampalataya sa akin. 38 Kung ginagawa ko, kahit hindi kayo sumampalataya sa akin, sampalatayanan ninyo ang mga gawa. Ito ay upang malaman ninyo at sumampalataya na ang Ama ay nasa akin at ako ay nasa kaniya. 39 Muli nga silang naghanap ng pagkakataon upang hulihin siya, ngunit siya ay nakatakas mula sa kanilang mga kamay.
40 Siya ay muling pumunta sa ibayo ng Jordan, sa dakong pinagbawtismuhan ni Juan noong una. Siya ay nanatili roon. 41 Marami ang pumunta sa kaniya at sinabi: Totoong si Juan ay hindi gumawa ng tanda. Ang lahat ng mga bagay na sinabi ni Juan patungkol sa taong ito ay totoo. 42 Marami roon ang sumampalataya kay Jesus.
Ин 10
Священное Писание (Восточный перевод), версия с «Аллахом»
Иса Масих – хороший пастух[a]
10 – Говорю вам истину: тот, кто входит в овечий загон не через ворота, а проникает другим путём, тот вор и разбойник. 2 Но кто входит через ворота, тот настоящий пастух этих овец. 3 Сторож открывает ему ворота, и овцы слышат его голос. Он зовёт своих овец по именам[b] и выводит их. 4 Когда он выведет всех своих, то идёт впереди них, и овцы идут за ним[c], потому что знают его голос. 5 Они никогда не пойдут за чужим, они убегут от него, потому что не знают его голоса.
6 Иса использовал эту притчу, но они не поняли, о чём Он говорил.
7 Тогда Иса сказал:
– Говорю вам истину: Я – дверь для овец. 8 Все, кто приходили до Меня, – воры и разбойники, и овцы их не послушали. 9 Я – дверь; кто входит через Меня, тот будет спасён. Он сможет входить и выходить, и найдёт пастбище. 10 Вор приходит только для того, чтобы украсть, убить и разрушить, а Я пришёл, чтобы дать жизнь, и притом в избытке.
11 Я – хороший пастух. Хороший пастух отдаёт жизнь свою за овец. 12 Наёмному пастуху овцы не принадлежат, и, когда он видит, что пришёл волк, он бросает овец и убегает. Тогда волк хватает овец и разгоняет всё стадо. 13 Наёмник убегает, потому что он нанят и не заботится об овцах.
14 Я – хороший пастух. Я знаю Своих, и они знают Меня. 15 Так же и Отец знает Меня, и Я знаю Отца. Я отдаю жизнь Мою за овец. 16 У Меня есть и другие овцы, не из этого загона,[d] их Я тоже должен привести. Они тоже будут послушны Моему голосу, и будет одно стадо и один пастух. 17 Отец любит Меня потому, что Я отдаю Свою жизнь, чтобы потом опять взять её. 18 Никто её у Меня не может отнять, Я отдаю её добровольно. У Меня есть власть отдать её и взять её опять. Так было Мне определено Моим Отцом.
19 После этих слов мнения слушавших иудеев опять разделились. 20 Многие говорили:
– Он одержимый и бредит, зачем Его слушать?
21 Другие говорили:
– Одержимый так бы не говорил. Разве может демон открывать глаза слепым?
Религиозные вожди расспрашивают Ису Масиха в храме
22 В Иерусалиме наступил праздник Очищения храма.[e] Была зима. 23 Иса ходил по храму, в колоннаде Сулеймана. 24 Вокруг Него собрался народ.
– Сколько Ты ещё будешь держать нас в недоумении? – говорили они. – Если Ты обещанный Масих, то так и скажи нам.
25 Иса ответил:
– Я уже говорил вам, но вы не поверили. Обо Мне свидетельствуют дела, которые Я совершаю от имени Моего Отца. 26 Вы же не верите Мне потому, что вы не из Моих овец. 27 Мои овцы слышат Мой голос, Я знаю их, и они идут за Мной. 28 Я даю им жизнь вечную, и они никогда не погибнут[f], их у Меня никто не отнимет. 29 Отец Мой, который дал их Мне, превыше всех,[g] и никто не может забрать их из рук Моего Отца. 30 Я и Отец – одно.
31 Тогда люди опять схватили камни, чтобы побить Его, 32 но Иса сказал им:
– Я показал вам много добрых дел от Отца. За какое из них вы хотите побить Меня камнями?
33 Они ответили:
– Мы Тебя не за это хотим побить камнями, а за оскорбление Аллаха, потому что Ты, будучи обыкновенным человеком, выдаёшь Себя за Всевышнего.
34 Иса ответил:
– Разве в Писании вашем не написано: «Я сказал: вы – боги»[h]? 35 Если богами названы те, кому было доверено слово Аллаха (а Писание не может быть упразднено), 36 то как же вы смеете говорить, что Я, Тот, Кого Сам Отец приготовил для святой цели и послал в мир, оскорбляю Аллаха, говоря: «Я – Сын Всевышнего»? 37 Если Я не делаю то же, что делает Мой Отец, – не верьте Мне. 38 Если же Я совершаю дела Моего Отца, то даже если вы не верите Моим словам, верьте делам, чтобы вы поняли и знали, что Отец во Мне и Я в Нём.
39 Они опять попытались схватить Его, но Иса ускользнул из их рук.
40 Затем Иса отправился на другую сторону Иордана, туда, где раньше Яхия совершал над народом обряд погружения в воду[i], и там оставался. 41 Туда к Нему приходило много людей.
– Хотя Яхия и не творил знамений, но всё, что Яхия говорил об Этом Человеке, верно, – говорили они.
42 И многие там поверили в Ису.
Footnotes
- 10:1-21 Политических и духовных вождей Исраила иногда называли «пастухами», от них требовалось заботиться о своём «стаде», т. е. народе. Но когда они стали угнетать «стадо», Аллах обличил их (см. Езек. 34; Ис. 56:9-12) и обещал послать хорошего Пастуха, Масиха (см. Езек. 34:23). Данную притчу нужно понимать в свете этого исторического контекста.
- 10:3 По всей вероятности, во времена Исы пастухи в Палестине любили давать овцам клички.
- 10:4 В Палестине пастухи и до сегодняшнего дня пасут своих овец, идя впереди стада.
- 10:16 Имеются в виду представители других народов, не иудеи, которые поверят в Ису Масиха.
- 10:22 Праздник Очищения храма – этот праздник отмечался в память об освящении храма Маккавеями в 165 г. до н. э., после его осквернения Антиохом Епифаном.
- 10:28 То есть не попадут в ад.
- 10:29 Или: «То, что даровал мне Отец Мой, больше всего остального».
- 10:34 Заб. 81:6. В этом отрывке из Забура словом «боги» (евр. элохим) названы не божественные существа, а судьи Исраила, как представители Самого Всевышнего, поставленные Им решать земные дела. Дело в том, что еврейское слово «элохим» имеет более широкое значение, чем в русском языке слово «бог».
- 10:40 Или: «обряд омовения».
John 10
New King James Version
Jesus the True Shepherd
10 “Most assuredly, I say to you, he who does not enter the sheepfold by the door, but climbs up some other way, the same is a thief and a robber. 2 But he who enters by the door is the shepherd of the sheep. 3 To him the doorkeeper opens, and the sheep hear his voice; and he calls his own sheep by (A)name and leads them out. 4 And when he brings out his own sheep, he goes before them; and the sheep follow him, for they know his voice. 5 Yet they will by no means follow a (B)stranger, but will flee from him, for they do not know the voice of strangers.” 6 Jesus used this illustration, but they did not understand the things which He spoke to them.
Jesus the Good Shepherd
7 Then Jesus said to them again, “Most assuredly, I say to you, I am the door of the sheep. 8 All who ever came [a]before Me are thieves and robbers, but the sheep did not hear them. 9 (C)I am the door. If anyone enters by Me, he will be saved, and will go in and out and find pasture. 10 The thief does not come except to steal, and to kill, and to destroy. I have come that they may have life, and that they may have it more abundantly.
11 (D)“I am the good shepherd. The good shepherd gives His life for the sheep. 12 But a [b]hireling, he who is not the shepherd, one who does not own the sheep, sees the wolf coming and (E)leaves the sheep and flees; and the wolf catches the sheep and scatters them. 13 The hireling flees because he is a hireling and does not care about the sheep. 14 I am the good shepherd; and (F)I know My sheep, and (G)am known by My own. 15 (H)As the Father knows Me, even so I know the Father; (I)and I lay down My life for the sheep. 16 And (J)other sheep I have which are not of this fold; them also I must bring, and they will hear My voice; (K)and there will be one flock and one shepherd.
17 “Therefore My Father (L)loves Me, (M)because I lay down My life that I may take it again. 18 No one takes it from Me, but I lay it down of Myself. I (N)have power to lay it down, and I have power to take it again. (O)This command I have received from My Father.”
19 Therefore (P)there was a division again among the Jews because of these sayings. 20 And many of them said, (Q)“He has a demon and is [c]mad. Why do you listen to Him?”
21 Others said, “These are not the words of one who has a demon. (R)Can a demon (S)open the eyes of the blind?”
The Shepherd Knows His Sheep
22 Now it was the Feast of Dedication in Jerusalem, and it was winter. 23 And Jesus walked in the temple, (T)in Solomon’s porch. 24 Then the Jews surrounded Him and said to Him, “How long do You keep us in [d]doubt? If You are the Christ, tell us plainly.”
25 Jesus answered them, “I told you, and you do not believe. (U)The works that I do in My Father’s name, they (V)bear witness of Me. 26 But (W)you do not believe, because you are not of My sheep, [e]as I said to you. 27 (X)My sheep hear My voice, and I know them, and they follow Me. 28 And I give them eternal life, and they shall never perish; neither shall anyone snatch them out of My hand. 29 (Y)My Father, (Z)who has given them to Me, is greater than all; and no one is able to snatch them out of My Father’s hand. 30 (AA)I and My Father are one.”
Renewed Efforts to Stone Jesus
31 Then (AB)the Jews took up stones again to stone Him. 32 Jesus answered them, “Many good works I have shown you from My Father. For which of those works do you stone Me?”
33 The Jews answered Him, saying, “For a good work we do not stone You, but for (AC)blasphemy, and because You, being a Man, (AD)make Yourself God.”
34 Jesus answered them, “Is it not written in your law, (AE)‘I said, “You are gods” ’? 35 If He called them gods, (AF)to whom the word of God came (and the Scripture (AG)cannot be broken), 36 do you say of Him (AH)whom the Father sanctified and (AI)sent into the world, ‘You are blaspheming,’ (AJ)because I said, ‘I am (AK)the Son of God’? 37 (AL)If I do not do the works of My Father, do not believe Me; 38 but if I do, though you do not believe Me, (AM)believe the works, that you may know and [f]believe (AN)that the Father is in Me, and I in Him.” 39 (AO)Therefore they sought again to seize Him, but He escaped out of their hand.
The Believers Beyond Jordan
40 And He went away again beyond the Jordan to the place (AP)where John was baptizing at first, and there He stayed. 41 Then many came to Him and said, “John performed no sign, (AQ)but all the things that John spoke about this Man were true.” 42 And many believed in Him there.
Footnotes
- John 10:8 M omits before Me
- John 10:12 hired man
- John 10:20 insane
- John 10:24 Suspense
- John 10:26 NU omits as I said to you
- John 10:38 NU understand
John 10
King James Version
10 Verily, verily, I say unto you, He that entereth not by the door into the sheepfold, but climbeth up some other way, the same is a thief and a robber.
2 But he that entereth in by the door is the shepherd of the sheep.
3 To him the porter openeth; and the sheep hear his voice: and he calleth his own sheep by name, and leadeth them out.
4 And when he putteth forth his own sheep, he goeth before them, and the sheep follow him: for they know his voice.
5 And a stranger will they not follow, but will flee from him: for they know not the voice of strangers.
6 This parable spake Jesus unto them: but they understood not what things they were which he spake unto them.
7 Then said Jesus unto them again, Verily, verily, I say unto you, I am the door of the sheep.
8 All that ever came before me are thieves and robbers: but the sheep did not hear them.
9 I am the door: by me if any man enter in, he shall be saved, and shall go in and out, and find pasture.
10 The thief cometh not, but for to steal, and to kill, and to destroy: I am come that they might have life, and that they might have it more abundantly.
11 I am the good shepherd: the good shepherd giveth his life for the sheep.
12 But he that is an hireling, and not the shepherd, whose own the sheep are not, seeth the wolf coming, and leaveth the sheep, and fleeth: and the wolf catcheth them, and scattereth the sheep.
13 The hireling fleeth, because he is an hireling, and careth not for the sheep.
14 I am the good shepherd, and know my sheep, and am known of mine.
15 As the Father knoweth me, even so know I the Father: and I lay down my life for the sheep.
16 And other sheep I have, which are not of this fold: them also I must bring, and they shall hear my voice; and there shall be one fold, and one shepherd.
17 Therefore doth my Father love me, because I lay down my life, that I might take it again.
18 No man taketh it from me, but I lay it down of myself. I have power to lay it down, and I have power to take it again. This commandment have I received of my Father.
19 There was a division therefore again among the Jews for these sayings.
20 And many of them said, He hath a devil, and is mad; why hear ye him?
21 Others said, These are not the words of him that hath a devil. Can a devil open the eyes of the blind?
22 And it was at Jerusalem the feast of the dedication, and it was winter.
23 And Jesus walked in the temple in Solomon's porch.
24 Then came the Jews round about him, and said unto him, How long dost thou make us to doubt? If thou be the Christ, tell us plainly.
25 Jesus answered them, I told you, and ye believed not: the works that I do in my Father's name, they bear witness of me.
26 But ye believe not, because ye are not of my sheep, as I said unto you.
27 My sheep hear my voice, and I know them, and they follow me:
28 And I give unto them eternal life; and they shall never perish, neither shall any man pluck them out of my hand.
29 My Father, which gave them me, is greater than all; and no man is able to pluck them out of my Father's hand.
30 I and my Father are one.
31 Then the Jews took up stones again to stone him.
32 Jesus answered them, Many good works have I shewed you from my Father; for which of those works do ye stone me?
33 The Jews answered him, saying, For a good work we stone thee not; but for blasphemy; and because that thou, being a man, makest thyself God.
34 Jesus answered them, Is it not written in your law, I said, Ye are gods?
35 If he called them gods, unto whom the word of God came, and the scripture cannot be broken;
36 Say ye of him, whom the Father hath sanctified, and sent into the world, Thou blasphemest; because I said, I am the Son of God?
37 If I do not the works of my Father, believe me not.
38 But if I do, though ye believe not me, believe the works: that ye may know, and believe, that the Father is in me, and I in him.
39 Therefore they sought again to take him: but he escaped out of their hand,
40 And went away again beyond Jordan into the place where John at first baptized; and there he abode.
41 And many resorted unto him, and said, John did no miracle: but all things that John spake of this man were true.
42 And many believed on him there.
Copyright © 1998 by Bibles International
  Central Asian Russian  Scriptures (CARSA) 
  Священное Писание, Восточный  Перевод 
  Copyright © 2003, 2009, 2013 by  IMB-ERTP and Biblica, Inc.® 
Used by permission. All rights reserved worldwide.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.
