Add parallel Print Page Options

Ang Pastol at ang Kaniyang Kawan

10 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Siya na pumapasok na hindi dumadaan sa pinto ng kulungan ng mga tupa ay magnanakaw at tulisan. Siya ay umaakyat sa ibang daan.

Ang pumapasok na dumadaan sa pinto ay ang pastol ng mga tupa. Pinagbubuksan siya ng bantay-pinto. Dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig. Tinatawag niya ang kaniyang sariling mga tupa sa kani-kanilang pangalan. Sila ay inaakay niya sa paglabas. Kapag nailabas na niya ang sarili niyang mga tupa ay nauuna siya sa kanila. Ang mga tupa ay sumusunod sa kaniya sapagkat kilala nila ang kaniyang tinig. Hindi nila susundin kailanman ang isang dayuhan kundi lalayuan nila siya sapagkat hindi nila kilala ang tinig ng mga dayuhan. Ang talinghagang ito ay sinabi ni Jesus sa kanila. Hindi nila naunawaan ang sinabi niya sa kanila.

Muli ngang sinabi ni Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ako ang pinto ng mga tupa. Ang lahat ng naunang dumating sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan. Subalit hindi sila dininig ng mga tupa. Ako ang pinto. Ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas. Siya ay papasok at lalabas at makakasumpong ng pastulan. 10 Ang magnanakaw ay hindi pumarito malibang siya ay magnakaw, pumatay at maminsala. Ako ay narito upang sila ay magkaroon ng buhay at magkaroon nito na may lubos na kasaganaan.

11 Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay para sa mga tupa. 12 Kapag nakikita ng upahang-lingkod na dumarating ang lobo, iniiwan niya ang mga tupa at tumatakbong palayo. Ginagawa niya ito sapagkat hindi siya ang pastol at sila ay hindi sa kaniya. Pagkatapos, ang mga tupa ay sinisila ng lobo at kinakalat. 13 Ang upahang-lingkod ay tumatakbong palayo sapagkat siya ay upahang-lingkod at wala siyang pagmamalasakit sa mga tupa.

14 Ako ang mabuting pastol. Kilala ko ang aking mga tupa at kilala ako ng aking mga tupa. 15 Kung papaanong nakikilala ako ng Ama ay ganoon din naman, nakikilala ko ang Ama. Iniaalay ko ang aking buhay para sa mga tupa. 16 Mayroon akong ibang mga tupa na wala sa kawang ito. Sila rin ay dapat kong dalhin at diringgin nila ang aking tinig. At magkakaroon ng isang kawan at ng isang pastol. 17 Dahil dito, iniibig ako ng Ama sapagkat iniaalay ko ang aking buhay upang ito ay makuha kong muli. 18 Walang sinumang makakaagaw nito sa akin. Subalit kusa ko itong iniaalay. Mayroon akong kapama­halaang ialay ito at mayroon akong kapamahalaang kunin itong muli. Ang utos na ito ay tinanggap ko mula sa aking Ama.

19 Nagkaroon ngang muli ng pagkakabaha-bahagi sa mga Judio dahil sa mga pananalitang ito. 20 Marami sa kanila ang nagsabi: Siya ay may demonyo at nahihibang. Bakit kayo nakikinig sa kaniya?

21 Sinabi ng iba: Hindi ito mga pananalita ng isang inaalihan ng demonyo. May kapangyarihan bang maka­pagpamulat ng mata ang demonyo?

Hindi Sumampalataya ang mga Judio

22 Naganap sa Jerusalem ang kapistahan ng pagtatalaga. Noon ay taglamig.

23 Si Jesus ay naglalakad sa templo sa portiko ni Solomon. 24 Pinalibutan nga siya ng mga Judio. Sinabi nila sa kaniya: Hanggang kailan mo paghihintayin ang aming kaluluwa? Kung ikaw ang Mesiyas, sabihin mo sa amin nang tuwiran.

25 Sumagot si Jesus sa kanila: Sinabi ko na sa inyo ngunit hindi kayo sumampalataya. Ang mga gawang ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama ang siyang nagpapatotoo sa akin. 26 Hindi kayo sumasampalataya sapagkathindi kayo kabilang sa aking mga tupa gaya ng sinabi ko sa inyo. 27 Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig. Kilala ko sila at sumusunodsila sa akin. 28 Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Hindi sila malilipol magpakailanman. Walang sinu­mang makakaagaw sa kanila sa aking kamay. 29 Ibinigay sila sa akin ng aking Ama. Siya ay higit na dakila sa lahat. Walang makakaagaw sa kanila mula sa kamay ng aking Ama. 30 Ako at ang Ama ay iisa.

31 Muli ngang dumampot ng mga bato ang mga Judio upang siya ay batuhin. 32 Sinabi sa kanila ni Jesus: Maraming mabubuting gawa ang ipinakita ko sa inyo mula sa aking Ama. Alin sa mga gawang iyon ang dahilan para batuhin ninyo ako?

33 Sumagot ang mga Judio sa kaniya na sinasabi: Hindi ka namin binabato dahil sa anumang mabuting gawa kundi dahil sa iyong pamumusong. Ginagawa mong Diyos ang sarili mo, ikaw na isang tao.

34 Tinugon sila ni Jesus: Hindi ba nasusulat sa inyong kautusan: Aking sinabi na kayo ay mga diyos? 35 Tinawag niyang mga diyos ang mga tao, na sa pamamagitan nila ay dumating ang salita ng Diyos. At ang kasulatan ay hindi masisira. 36 Sinasabi ninyo sa kaniya na pinabanal at isinugo ng Ama sa sanlibutan: Ikaw ay nanlalait. Ito ba ay dahil sa sinabi ko: Ako ay Anak ng Diyos? 37 Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama, huwag kayong sumampalataya sa akin. 38 Kung ginagawa ko, kahit hindi kayo sumam­palataya sa akin, sampalatayanan ninyo ang mga gawa. Ito ay upang malaman ninyo at sumampalataya na ang Ama ay nasa akin at ako ay nasa kaniya. 39 Muli nga silang naghanap ng pagkakataon upang hulihin siya, ngunit siya ay nakatakas mula sa kanilang mga kamay.

40 Siya ay muling pumunta sa ibayo ng Jordan, sa dakong pinagbawtismuhan ni Juan noong una. Siya ay nanatili roon. 41 Marami ang pumunta sa kaniya at sinabi: Totoong si Juan ay hindi gumawa ng tanda. Ang lahat ng mga bagay na sinabi ni Juan patungkol sa taong ito ay totoo. 42 Marami roon ang sumampalataya kay Jesus.

Ang Makipot na Daan

22 Sa pagdaan ni Jesus sa mga lungsod at nayon, siya ay nagtuturo at patuloy na naglalakbay patungong Jerusalem.

23 May nagsabi sa kaniya: Panginoon, kakaunti ba ang maliligtas?

24 Sinabi niya sa kanila: Pagsikapan ninyong pumasok sa pamamagitan ng makipot na tarangkahan. Sinasabi ko ito sa inyo dahil marami ang maghahanap upang pumasok ngunit hindi makakapasok. 25 Sa oras na tumindig ang may-ari ng sambahayan at maisara na niya ang pinto kayo ay magsisimulang tumayo sa labas. Kakatok kayo sa pinto na nagsasabi: Panginoon, Panginoon, pagbuksan mo kami.

Sasagot siya at magsasabi sa inyo: Hindi ko kayo kilala. Hindi koalam kung saan kayo nanggaling.

26 Sa oras na iyon ay magsasabi kayo: Kami ay kumain at uminom na kasama ka. Nagturo ka sa aming mga lansangan.

27 Sasabihin niya: Sinasabi ko sa inyo, hindi ko kayo kilala. Hindi ko alam kung saan kayo nanggaling. Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na mga manggagawa ng hindi matuwid.

28 Magkakaroon ng pananangis at pangangalit ng mga ngipin.Mangyayari ito kapag nakita ninyo si Abraham, si Isaac, si Jacob at lahat ng mga propeta na nasa paghahari ng Diyos ngunit kayo ay itataboy palabas. 29 Sila ay manggagaling mula sa silangan at kanluran, mula sa hilaga at timog. Sila ay uupo sa paghahari ng Diyos. 30 Narito, may mga huli na mauuna at may mga una na mahuhuli.

Nagdalamhati si Jesus Dahil sa Jerusalem

31 Sa araw ding iyon, may ilang Fariseo ang pumunta sa kaniya. Sinabi nila sa kaniya: Lumabas ka at umalis ka rito sapagkat nais kang patayin ni Herodes.

32 Sinabi niya sa kanila: Pumunta kayo at sabihin sa tusong soro na iyon: Narito, nagpapalayas ako ng mga demonyo at ginaganap ko ang pagpapagaling ngayon at bukas. Sa ikatlong araw ay matatapos ko na ito. 33 Gayunman, kinakailangan kong magpatuloy ngayon, bukas at sa susunod na araw. Ito ay sapagkat hindi maaari sa isang propeta ang mamatay sa labas ng Jerusalem.

34 Jerusalem, Jerusalem! Ikaw ang pumapatay sa mga propeta at bumabato sa kanila na isinusugo sa iyo. Madalas kong ninais na tipunin ang iyong mga anak tulad ng inahing manok na nagtitipon ng kaniyang mga inakay sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ngunit ayaw ninyo. 35 Narito, ang iyong bahay ay naiwan sa iyong wala nang nakatira. Katotohanang sinasabi ko sa iyo: Hindi mo ako makikita hanggang sa dumating ang oras na sasabihin mong: Papuri sa kaniya na dumarating sa pangalan ng Panginoon.

Si Jesus sa Bahay ng Isang Fariseo

14 At nangyari na si Jesus ay pumunta sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Fariseo upang kumain ng tinapay. Noon ay araw ng Sabat. Sa pagpunta niya roon, kanila siyang pinagmamatyagan.

Narito, sa harap niya ay mayroong isang lalaking dumaranas ng pamamaga. Sumagot si Jesus. Sinabi niya sa mga dalubhasa sa kautusan at mga Fariseo: Naaayon ba sa kautusan ang magpagaling sa araw ng Sabat? Ngunit sila ay tahimik. At sa paghawak niya sa lalaki, pinagaling niya siya at pinaalis.

Sumagot siya sa kanila. Sinabi niya: Ang inyong asno o toro ay nahulog sa isang hukay sa araw ng Sabat. Sino sa inyo ang hindi agad mag-aahon sa mga ito sa araw ng Sabat? Hindi sila nakatugon sa kaniya patungkol sa mga bagay na ito.

Siya ay nagsabi ng talinghaga sa mga inanyayahan nang mapuna niyang pinipili nila ang mga pangunahing dako. Sinabi niya sa kanila: Kapag inanyayahan ka ninuman sa isang kasalan, huwag kang umupo sa pangunahing dako sapagkat baka may inanyayahan pa siyang higit na marangal kaysa sa iyo. Siya na nag-anyaya sa iyo at sa kaniya ay lalapit sa iyo. Sasa­bihin niya sa iyo: Paupuin mo ang taong ito sa kinauupuan mo. Pagkatapos, ikaw ay mapapahiyang kukuha ng kahuli-hulihang dako. 10 Ngunit kapag ikaw ay inanyayahan, sa pagpunta mo ay maupo ka sa kahuli-hulihang dako. Ito ay upang sa paglapit ng nag-anyaya sa iyo, sasabihin niya: Kaibigan, pumunta ka sa higit na mataas. Pagkatapos, ang karangalan ay mapapasaiyo sa harap ng mga kasama mong nakadulog sa hapag. 11 Ito ay sapagkat ang bawat isang nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa at siya na nagpapakumbaba ay itataas.

12 Si Jesus ay nagsabi rin sa nag-anyaya sa kaniya. Sinabiniya: Kapag naghanda ka ng agahan o hapunan, huwag mong tawagin ang mga kaibigan mo. Huwag mong tawagin maging ang mga kapatid mo o mga kamag-anak mo. Huwag mong tawagin ang mga kapitbahay mong mayayaman. Kung gagawin mo iyon, ikaw ay anyayahan din nila at gagantihan ka nila. 13 Kung naghanda ka ng isang piging, tawagin mo ang mga dukha, mga lumpo, mga pilay at mga bulag. 14 At pagpapalain ka dahil wala silang maigaganti sa iyo sapagkat ikaw ay gagantihan sa muling pagkabuhay ng mga matuwid.

Ang Talinghaga sa Malaking Piging

15 Ang mga bagay na ito ay narinig ng isa sa mga kasama niyang nakadulog sa hapag. Sinabi nito sa kaniya: Pinagpala siya na kakain ngtinapay sa paghahari ng Diyos.

16 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya: Isang lalaki ang naghanda ng malaking hapunan at nag-anyaya ng marami. 17 Sa oras ng hapunan ay sinugo niyaang kaniyang alipin upang magsabi sa mga inanyayahan: Halina kayo, nakahanda na ang lahat.

18 Ang lahat, sa iisang paraan, ay nagsimulang magdahilan. Ang una ay nagsabi sa kaniya: Bumili ako ng isang bukid. Kailangan ko itong puntahan at tingnan. Ipinakikiusap ko sa iyo, pagpaumanhinan mo ako.

19 Ang isa ay nagsabi: Bumili ako ng limang tambal na baka. Pupuntahan ko ito upang masubukan. Ipinakikiusap ko sa iyo, pagpaumanhinan mo ako.

20 Ang isa ay nagsabi: Bagong kasal ako. Dahil dito, hindi ako makakapunta.

21 Sa pagdating ng aliping iyon, iniulat niya sa kaniyang panginoon ang mga bagay na ito. Sa galit ng may-ari ng sambahayan, nagsabi siya sa kaniyang alipin: Pumunta ka agad sa mga lansangan at mga makikipot na daan ng lungsod. Dalhin mo rito ang mga dukha, mga pilay, mga lumpo at mga bulag.

22 Sinabi ng alipin: Panginoon, nagawa na ang ayon sa iniutos mo at mayroon pang lugar.

23 Sinabi ng panginoon sa alipin: Pumunta ka sa mga daan at sa mga tabing bakod. Pilitin mong pumasok ang mga tao upang mapuno ang aking bahay. 24 Ito ay sapagkat sinasabi ko sa inyo: Ang alinman sa mga inanyayahang lalaki ay hindi makakatikim ng hapunan.