Add parallel Print Page Options

45 Nasumpungan ni Felipe si Natanael at sinabi sa kaniya: Nasumpungan namin siya, na patungkol sa kaniya ang isinulat ni Moises sa kautusan at isinulat din ng mga propeta. Siya ay si Jesus, ang anak ni Jose na taga-Nazaret.

46 At sinabi ni Natanael sa kaniya: May mabuti bang bagay na magmumula sa Nazaret?

Sinabi sa kaniya ni Felipe: Halika at tingnan mo.

47 Nakita ni Jesus si Natanael na papalapit sa kaniya, sinabi niya ang patungkol kay Natanael: Narito, ang isang totoong taga-Israel, sa kaniya ay walang pandaraya.

Read full chapter