Add parallel Print Page Options

At nangyari, nang mabalitaan ng lahat ng hari na nangasa dako roon ng Jordan sa lupaing maburol, at sa mga kapatagan, at sa lahat ng baybayin ng malaking dagat sa tapat ng Libano, ng Hetheo, at ng Amorrheo, ng Cananeo, ng Pherezeo, ng Heveo, at ng Jebuseo;

Ay nagpipisan upang labanan si Josue at ang Israel, na may pagkakaisa.

Nguni't nang mabalitaan ng mga taga Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at sa Hai,

Ay gumawa naman silang may katusuhan at yumaon at nagpakunwaring sila'y mga sugo, at nagpasan ng mga lumang bayong sa kanilang mga asno at mga sisidlang balat ng alak na luma, at punit at tinahi;

At mga tagpi-tagping pangyapak na nakasuot sa kanilang mga paa, at ng mga lumang bihisan na suot nila; at ang lahat na tinapay na kanilang baon ay tuyo at inaamag.

At sila'y nagsiparoon kay Josue sa kampamento sa Gilgal, at nangagsabi sa kaniya at sa mga lalake ng Israel, Kami ay mula sa malayong lupain: ngayon nga'y makipagtipan kayo sa amin.

At sinabi ng mga lalake ng Israel sa mga Heveo, Marahil kayo'y nananahang kasama namin; at paanong kami ay makikipagtipan sa inyo?

At kanilang sinabi kay Josue, Kami ay iyong mga lingkod. At sinabi ni Josue sa kanila, Sino kayo at mula saan kayo?

At sinabi nila sa kaniya, Mula sa totoong malayong lupain ang iyong mga lingkod, dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios: sapagka't aming nabalitaan ang kabantugan niya, at ang lahat niyang ginawa sa Egipto,

10 At lahat ng kaniyang ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nasa dako roon ng Jordan, kay Sehon na hari sa Hesbon, at kay Og, na hari sa Basan, na nasa Astaroth.

11 At ang aming mga matanda at ang lahat na tagaroon sa aming lupain ay nagsalita sa amin, na sinasabi, Magbaon kayo sa inyong kamay ng maipaglalakbay, at yumaon kayo na salubungin ninyo sila, at inyong sabihin sa kanila, Kami ay inyong mga lingkod: at ngayo'y makipagtipan kayo sa amin.

12 Itong aming tinapay ay kinuha naming mainit na pinakabaon namin mula sa aming mga bahay nang araw na kami ay lumabas na patungo sa inyo; nguni't ngayon, narito, tuyo at inaamag:

13 At ang mga sisidlang balat ng alak na ito na aming pinuno ay bago; at, narito, mga hapak: at itong aming mga bihisan at aming mga pangyapak ay naluma dahil sa totoong mahabang paglalakbay.

14 At kumuha ang mga tao sa Israel ng kanilang baon, at hindi humingi ng payo sa bibig ng Panginoon.

15 At si Josue ay nakipagpayapaan sa kanila at nakipagtipan sa kanila, na pabayaan silang mabuhay: at ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila.

16 At nangyari, sa katapusan ng tatlong araw, pagkatapos na sila'y makapagtipanan sa kanila, na kanilang nabalitaan na sila'y kanilang kalapit bayan, at sila'y nananahang kasama nila.

17 At ang mga anak ni Israel ay naglakbay, at naparoon sa kanilang mga bayan sa ikatlong araw. Ang kanila ngang mga bayan ay Gabaon, Caphira, at Beeroth, at Kiriath-jearim.

18 At hindi sila sinaktan ng mga anak ni Israel, sapagka't ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel. At inupasala ng buong kapisanan ang mga prinsipe.

19 Nguni't sinabi ng lahat ng mga prinsipe sa buong kapisanan, Kami ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel: ngayon nga'y hindi natin magagalaw sila.

20 Ito ang ating gagawin sa kanila at sila'y ating pababayaang mabuhay; baka ang pagiinit ay sumaatin dahil sa sumpa na ating isinumpa sa kanila.

21 At sinabi ng mga prinsipe sa kanila, Pabayaan silang mabuhay: sa gayo'y sila'y naging mamumutol ng kahoy at mananalok ng tubig sa buong kapisanan; gaya ng sinalita ng mga prinsipe sa kanila.

22 At ipinatawag sila ni Josue, at nagsalita siya sa kanila, na sinasabi, Bakit kayo'y nagdaya sa amin na nagsasabi, Kami ay totoong malayo sa inyo; dangang nananahan kayong kasama namin?

23 Ngayon nga'y sumpain kayo, at hindi mawawalan sa inyo kailan man ng mga alipin, ng mamumutol ng kahoy at gayon din ng mananalok ng tubig sa bahay ng aking Dios.

24 At sila'y sumagot kay Josue, at nagsabi, Sapagka't tunay na nasaysay sa iyong mga lingkod, kung paanong iniutos ng Panginoon ninyong Dios kay Moises na kaniyang lingkod na ibibigay sa inyo ang buong lupain, at inyong lilipulin ang lahat na nananahan sa lupain sa harap ninyo; kaya't ikinatakot naming mainam ang aming buhay dahil sa inyo, at aming ginawa ang bagay na ito.

25 At ngayon, narito, kami ay nasa iyong kamay: kung ano ang inaakala mong mabuti at matuwid na gawin sa amin, ay gawin mo.

26 At gayon ang ginawa niya sa kanila, at iniligtas niya sila sa kamay ng mga anak ni Israel, na hindi sila pinatay.

27 At ginawa sila ni Josue nang araw na yaon na mga mamumutol ng kahoy at mga mananalok ng tubig sa kapisanan, at sa dambana ng Panginoon, hanggang sa araw na ito, sa dakong kaniyang pipiliin.

Niloko ng mga Taga-Gibeon ang mga Israelita

Narinig ng lahat ng hari sa kanluran ng Jordan ang pagtatagumpay ng mga Israelita. (Ito ay ang mga hari ng mga Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Hiveo, at mga Jebuseo.) Nakatira sila sa mga kabundukan, kaburulan sa kanluran[a] at sa baybayin ng Dagat ng Mediteraneo hanggang sa Lebanon. Nagtipon silang lahat para makipaglaban kay Josue at sa Israel.

Pero nang marinig ng mga taga-Gibeon ang ginawa ni Josue sa Jerico at Ai, naghanap sila ng paraan para lokohin si Josue. Nagpadala sila ng mga tao kay Josue, ang mga asno nilaʼy may mga kargang lumang sako at mga sisidlang-balat ng alak na sira-sira at tagpi-tagpi. Nagsuot sila ng mga lumang damit at mga sandalyas na pudpod at tagpi-tagpi. Nagbaon sila ng matitigas at inaamag na mga tinapay. Pagkatapos, pumunta sila kay Josue sa kampo ng Israel sa Gilgal, at sinabi sa kanya at sa mga Israelita, “Pumunta kami rito galing sa malayong lugar para hilingin sa inyo na gumawa kayo ng kasunduan sa amin na hindi nʼyo gagalawin ang mga mamamayan namin.” Pero sumagot ang mga Israelita, “Baka taga-rito rin kayo malapit sa amin. Kaya hindi kami maaaring gumawa ng kasunduan sa inyo.” Nagmakaawa sila kay Josue, “Handa po kaming maging lingkod ninyo.” Nagtanong si Josue sa kanila, “Sino kayo at saan kayo nanggaling?” Sumagot sila, “Galing po kami sa napakalayong lugar. Pumunta kami rito dahil narinig namin ang tungkol sa Panginoon na inyong Dios. Nabalitaan din namin ang lahat ng kanyang ginawa sa Egipto, 10 at sa dalawang hari na Amoreo sa silangan ng Jordan na sina Haring Sihon ng Heshbon, at Haring Og ng Bashan na nakatira sa Ashtarot. 11 Kaya inutusan kami ng mga tagapamahala at mga kababayan namin na maghanda ng pagkain at pumunta rito, at makipagkita sa inyo para sabihin na handa kaming maglingkod sa inyo bastaʼt gumawa lang kayo ng kasunduan sa amin na hindi nʼyo kami gagalawin. 12 Tingnan nʼyo po ang tinapay namin, mainit pa ito pag-alis namin, pero ngayon matigas na at durug-durog pa. 13 Itong mga sisidlang-balat ay bago pa nang salinan namin ng alak, pero tingnan nʼyo po, sira-sira na ito. Ang mga damit at sandalyas namin ay naluma na dahil sa malayong paglalakbay.”

14 Naniwala at tinanggap ng mga Israelita ang mga ebidensya na dala nila, pero hindi sila nagtanong sa Panginoon tungkol dito. 15 Gumawa si Josue ng kasunduan sa kanila, na hindi niya sila gagalawin o kayaʼy papatayin. At nanumpa ang mga pinuno ng mga kapulungan ng Israel sa kasunduang ito.

16 Pagkalipas ng tatlong araw pagkatapos pagtibayin ang kasunduan, nabalitaan ng mga Israelita na malapit lang pala sa kanila ang tinitirhan ng mga taong iyon. 17 Kaya umalis ang mga Israelita, at matapos ang tatlong araw, nakarating sila sa mga lungsod na tinitirhan ng mga taong iyon. Itoʼy ang mga lungsod ng Gibeon, Kefira, Beerot at Kiriat Jearim. 18 Pero hindi sila nilusob ng mga Israelita dahil may sinumpaan silang kasunduan sa mga pinuno ng Israel sa pangalan ng Panginoon, ang Dios ng Israel.

Nagreklamo ang mga Israelita sa mga pinuno nila, 19 pero sumagot ang lahat ng pinuno, “May sinumpaan na tayo sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ang Dios ng Israel, kaya ngayon ay hindi natin sila pwedeng galawin. 20 Ganito ang gagawin natin: Hindi natin sila papatayin dahil baka parusahan tayo ng Dios kapag sinira natin ang sumpaan natin sa kanila. 21 Pabayaan natin silang mabuhay, pero gawin natin silang tagapangahoy at tagaigib ng buong mamamayan.” At ganito nga ang nangyari sa mga taga-Gibeon ayon sa sinabi ng mga pinuno tungkol sa kanila.

22 Ipinatawag ni Josue ang mga taga-Gibeon at sinabi, “Bakit nʼyo kami niloko? Bakit nʼyo sinabing galing pa kayo sa malayong lugar pero taga-rito lang pala kayo malapit sa amin? 23 Dahil sa ginawa nʼyo, isusumpa kayo ng Dios: Mula ngayon, maglilingkod kayo bilang tagapangahoy at tagaigib para sa bahay ng aking Dios.” 24 Sumagot sila kay Josue, “Ginawa namin ito dahil natatakot po kami na baka patayin nʼyo kami. Dahil nabalitaan po namin na inutusan ng Panginoon na inyong Dios si Moises na kanyang lingkod, na ibigay sa inyo ang lupaing ito at patayin ang lahat ng nakatira rito. 25 Ngayon, nandito kami sa ilalim ng kapangyarihan nʼyo, kayo ang masusunod kung ano po ang dapat ninyong gawin sa amin.” 26 Hindi pinahintulutan ni Josue na patayin sila ng mga Israelita. 27 Pero ginawa niya silang mga tagapangahoy at tagaigib para sa mga Israelita at sa altar ng Panginoon. Hanggang ngayon, ginagawa nila ang gawaing ito sa lugar na pinili ng Panginoon kung saan siya sasambahin.

Footnotes

  1. 9:1 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela.

Då nu alla de konungar som bodde på andra sidan Jordan, i Bergsbygden, i Låglandet och i hela kustlandet vid Stora havet upp emot Libanon, hörde vad som hade skett -- hetiterna, amoréerna, kananéerna, perisséerna, hivéerna och jebuséerna --

slöto de sig endräktigt tillhopa för att strida mot Josua och Israel.

Men när invånarna i Gibeon hörde vad Josua hade gjort med Jeriko och Ai,

togo också de sin tillflykt till list: de gingo åstad och föregåvo sig vara sändebud; de lade utslitna packsäckar på sina åsnor, så ock utslitna, sönderspruckna och hopflickade vinläglar av skinn,

och togo utslitna, lappade skor på sina fötter och klädde sig i utslitna kläder, varjämte allt det bröd de togo med sig till reskost var torrt och söndersmulat.

Så gingo de till Josua i lägret vid Gilgal och sade till honom och Israels män: »Vi hava kommit hit från ett avlägset land; sluten nu förbund med oss.»

Men Israels män svarade hivéerna: »Kanhända bon I här mitt ibland oss; huru skulle vi då kunna sluta förbund med eder?»

Då sade de till Josua: »Vi vilja bliva dig underdåniga.» Josua frågade dem: »Vilka ären I då, och varifrån kommen I?»

De svarade honom: »Dina tjänare hava kommit från ett mycket avlägset land för HERRENS, din Guds, namns skull; ty vi hava hört ryktet om honom och allt vad han har gjort i Egypten

10 och allt vad han har gjort med amoréernas konungar, de två på andra sidan Jordan, Sihon, konungen i Hesbon, och Og, konungen i Basan, som bodde i Astarot.

11 Därför sade våra äldste och alla vårt lands inbyggare till oss: 'Tagen reskost med eder och gån dem till mötes och sägen till dem: Vi vilja bliva eder underdåniga, sluten nu förbund med oss.'

12 Detta vårt bröd var nybakat, när vi togo det med oss till reskost hemifrån, den dag vi gåvo oss i väg för att gå till eder; men se, nu är det torrt och söndersmulat.

13 Dessa vinläglar, som voro nya, när vi fyllde dem, se, de äro nu sönderspruckna. Och dessa kläder och skor som vi hava på oss hava blivit utslitna under vår mycket långa resa.»

14 Då togo männen av deras reskost, men rådfrågade icke HERRENS mun.

15 Och Josua tillförsäkrade dem fred och slöt ett förbund med dem, att de skulle få leva; och menighetens hövdingar gåvo dem sin ed.

16 Men när tre dagar voro förlidna, sedan de hade slutit förbund med dem, fingo de höra att de voro från grannskapet, ja, att de bodde mitt ibland dem.

17 Då bröto Israels barn upp och kommo på tredje dagen till deras städer; och deras städer voro: Gibeon, Kefira, Beerot och Kirjat-Jearim.

18 Likväl angrepo Israels barn dem icke, eftersom menighetens hövdingar hade givit dem sin ed vid HERREN, Israels Gud. Men hela menigheten knorrade mot hövdingarna.

19 Då sade alla hövdingarna till menigheten: »Vi hava givit dem vår ed vid HERREN, Israels Gud; därför kunna vi nu icke komma vid dem.

20 Detta är vad vi vilja göra med dem, i det att vi låta dem leva, på det att icke förtörnelse må komma över oss, för edens skull som vi hava svurit dem.»

21 Och hövdingarna sade till dem att de skulle få leva; men de måste bliva vedhuggare och vattenbärare åt hela menigheten, såsom hövdingarna hade sagt till dem.

22 Och Josua kallade dem till sig och talade till dem och sade: »Varför haven I bedragit oss och sagt: 'Vi bo mycket långt borta från eder', fastän I bon mitt ibland oss?

23 Så varen I därför nu förbannade; I skolen aldrig upphöra att vara trälar, vedhuggare och vattenbärare vid min Guds hus.»

24 De svarade Josua och sade: »Det hade blivit berättat för dina tjänare huru HERREN, din Gud, hade tillsagt sin tjänare Mose att han ville giva eder hela detta land och förgöra alla landets inbyggare för eder; därför fruktade vi storligen för våra liv, när I kommen, och så gjorde vi detta.

25 Och se, nu äro vi i din hand. Vad dig synes gott och rätt att göra med oss, det må du göra.»

26 Och han gjorde så med dem; han friade dem från Israels barns hand, så att de icke dräpte dem;

27 men tillika bestämde Josua på den dagen att de skulle bliva vedhuggare och vattenbärare och vid HERRENS altare -- såsom de äro ännu i dag -- på den plats som han skulle utvälja.