Josue 9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Niloko ng mga Taga-Gibeon ang mga Israelita
9 Narinig ng lahat ng hari sa kanluran ng Jordan ang pagtatagumpay ng mga Israelita. (Ito ay ang mga hari ng mga Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Hiveo, at mga Jebuseo.) Nakatira sila sa mga kabundukan, kaburulan sa kanluran[a] at sa baybayin ng Dagat ng Mediteraneo hanggang sa Lebanon. 2 Nagtipon silang lahat para makipaglaban kay Josue at sa Israel.
3 Pero nang marinig ng mga taga-Gibeon ang ginawa ni Josue sa Jerico at Ai, 4 naghanap sila ng paraan para lokohin si Josue. Nagpadala sila ng mga tao kay Josue, ang mga asno nilaʼy may mga kargang lumang sako at mga sisidlang-balat ng alak na sira-sira at tagpi-tagpi. 5 Nagsuot sila ng mga lumang damit at mga sandalyas na pudpod at tagpi-tagpi. Nagbaon sila ng matitigas at inaamag na mga tinapay. 6 Pagkatapos, pumunta sila kay Josue sa kampo ng Israel sa Gilgal, at sinabi sa kanya at sa mga Israelita, “Pumunta kami rito galing sa malayong lugar para hilingin sa inyo na gumawa kayo ng kasunduan sa amin na hindi nʼyo gagalawin ang mga mamamayan namin.” 7 Pero sumagot ang mga Israelita, “Baka taga-rito rin kayo malapit sa amin. Kaya hindi kami maaaring gumawa ng kasunduan sa inyo.” 8 Nagmakaawa sila kay Josue, “Handa po kaming maging lingkod ninyo.” Nagtanong si Josue sa kanila, “Sino kayo at saan kayo nanggaling?” 9 Sumagot sila, “Galing po kami sa napakalayong lugar. Pumunta kami rito dahil narinig namin ang tungkol sa Panginoon na inyong Dios. Nabalitaan din namin ang lahat ng kanyang ginawa sa Egipto, 10 at sa dalawang hari na Amoreo sa silangan ng Jordan na sina Haring Sihon ng Heshbon, at Haring Og ng Bashan na nakatira sa Ashtarot. 11 Kaya inutusan kami ng mga tagapamahala at mga kababayan namin na maghanda ng pagkain at pumunta rito, at makipagkita sa inyo para sabihin na handa kaming maglingkod sa inyo bastaʼt gumawa lang kayo ng kasunduan sa amin na hindi nʼyo kami gagalawin. 12 Tingnan nʼyo po ang tinapay namin, mainit pa ito pag-alis namin, pero ngayon matigas na at durug-durog pa. 13 Itong mga sisidlang-balat ay bago pa nang salinan namin ng alak, pero tingnan nʼyo po, sira-sira na ito. Ang mga damit at sandalyas namin ay naluma na dahil sa malayong paglalakbay.”
14 Naniwala at tinanggap ng mga Israelita ang mga ebidensya na dala nila, pero hindi sila nagtanong sa Panginoon tungkol dito. 15 Gumawa si Josue ng kasunduan sa kanila, na hindi niya sila gagalawin o kayaʼy papatayin. At nanumpa ang mga pinuno ng mga kapulungan ng Israel sa kasunduang ito.
16 Pagkalipas ng tatlong araw pagkatapos pagtibayin ang kasunduan, nabalitaan ng mga Israelita na malapit lang pala sa kanila ang tinitirhan ng mga taong iyon. 17 Kaya umalis ang mga Israelita, at matapos ang tatlong araw, nakarating sila sa mga lungsod na tinitirhan ng mga taong iyon. Itoʼy ang mga lungsod ng Gibeon, Kefira, Beerot at Kiriat Jearim. 18 Pero hindi sila nilusob ng mga Israelita dahil may sinumpaan silang kasunduan sa mga pinuno ng Israel sa pangalan ng Panginoon, ang Dios ng Israel.
Nagreklamo ang mga Israelita sa mga pinuno nila, 19 pero sumagot ang lahat ng pinuno, “May sinumpaan na tayo sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ang Dios ng Israel, kaya ngayon ay hindi natin sila pwedeng galawin. 20 Ganito ang gagawin natin: Hindi natin sila papatayin dahil baka parusahan tayo ng Dios kapag sinira natin ang sumpaan natin sa kanila. 21 Pabayaan natin silang mabuhay, pero gawin natin silang tagapangahoy at tagaigib ng buong mamamayan.” At ganito nga ang nangyari sa mga taga-Gibeon ayon sa sinabi ng mga pinuno tungkol sa kanila.
22 Ipinatawag ni Josue ang mga taga-Gibeon at sinabi, “Bakit nʼyo kami niloko? Bakit nʼyo sinabing galing pa kayo sa malayong lugar pero taga-rito lang pala kayo malapit sa amin? 23 Dahil sa ginawa nʼyo, isusumpa kayo ng Dios: Mula ngayon, maglilingkod kayo bilang tagapangahoy at tagaigib para sa bahay ng aking Dios.” 24 Sumagot sila kay Josue, “Ginawa namin ito dahil natatakot po kami na baka patayin nʼyo kami. Dahil nabalitaan po namin na inutusan ng Panginoon na inyong Dios si Moises na kanyang lingkod, na ibigay sa inyo ang lupaing ito at patayin ang lahat ng nakatira rito. 25 Ngayon, nandito kami sa ilalim ng kapangyarihan nʼyo, kayo ang masusunod kung ano po ang dapat ninyong gawin sa amin.” 26 Hindi pinahintulutan ni Josue na patayin sila ng mga Israelita. 27 Pero ginawa niya silang mga tagapangahoy at tagaigib para sa mga Israelita at sa altar ng Panginoon. Hanggang ngayon, ginagawa nila ang gawaing ito sa lugar na pinili ng Panginoon kung saan siya sasambahin.
Footnotes
- 9:1 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela.
Joshua 9
New English Translation
The Gibeonites Deceive Israel
9 When the news reached all the kings on the west side of the Jordan[a]—in the hill country, the foothills,[b] and all along the Mediterranean coast[c] as far as[d] Lebanon (including the Hittites, Amorites, Canaanites, Perizzites, Hivites, and Jebusites)— 2 they formed an alliance to fight against Joshua and Israel.[e]
3 When the residents of Gibeon heard what Joshua did to Jericho and Ai, 4 they did something clever. They collected some provisions[f] and put worn-out sacks on their donkeys, along with worn-out wineskins that were ripped and patched. 5 They had worn-out, patched sandals on their feet and dressed in worn-out clothes. All their bread[g] was dry and hard.[h] 6 They came to Joshua at the camp in Gilgal and said to him and the men of Israel, “We have come from a distant land. Make a treaty with us.” 7 The men of Israel said to the Hivites, “Perhaps you live near us.[i] So how can we make a treaty with you?” 8 But they said to Joshua, “We are willing to be your subjects.”[j] So Joshua said to them, “Who are you and where do you come from?” 9 They told him, “Your subjects[k] have come from a very distant land because of the reputation[l] of the Lord your God, for we have heard the news about all he did in Egypt[m] 10 and all he did to the two Amorite kings on the other side of the Jordan—King Sihon of Heshbon and King Og of Bashan in Ashtaroth. 11 Our leaders and all who live in our land told us, ‘Take provisions for your journey and go meet them. Tell them, “We are willing to be your subjects.[n] Make a treaty with us.”’ 12 This bread of ours was warm when we packed it in our homes the day we started out to meet you,[o] but now it is dry and hard.[p] 13 These wineskins we filled were brand new, but look how they have ripped. Our clothes and sandals have worn out because it has been a very long journey.” 14 The men examined[q] some of their provisions, but they failed to ask the Lord’s advice.[r] 15 Joshua made a peace treaty with them and agreed to let them live. The leaders of the community[s] sealed it with an oath.[t]
16 Three days after they made the treaty with them, the Israelites found out they were from the local area and lived nearby.[u] 17 So the Israelites set out and on the third day arrived at their cities—Gibeon, Kephirah, Beeroth, and Kiriath Jearim. 18 The Israelites did not attack them because the leaders of the community had sworn an oath to them in the name of the Lord God of Israel.[v] The whole community criticized[w] the leaders, 19 but all the leaders told the whole community, “We swore an oath to them in the name of[x] the Lord God of Israel! So now we can’t hurt[y] them. 20 We must let them live so we can escape the curse attached to the oath we swore to them.”[z] 21 The leaders then added,[aa] “Let them live.” So they became[ab] woodcutters and water carriers for the whole community, as the leaders had decided.[ac]
22 [ad] Joshua summoned the Gibeonites[ae] and said to them, “Why did you trick[af] us by saying, ‘We live far away from you,’ when you really live nearby?[ag] 23 Now you are condemned to perpetual servitude as woodcutters and water carriers for the house of my God.”[ah] 24 They said to Joshua, “It was carefully reported to your subjects[ai] how the Lord your God commanded Moses his servant to assign you the whole land and to destroy all who live in the land from before you. Because of you we were terrified[aj] we would lose our lives, so we did this thing. 25 So now we are in your power.[ak] Do to us what you think is good and appropriate.”[al] 26 Joshua did as they said; he kept the Israelites from killing them[am] 27 and that day made them woodcutters and water carriers for the community and for the altar of the Lord at the divinely chosen site. (They continue in that capacity to this very day.)[an]
Footnotes
- Joshua 9:1 tn Heb “When all the kings who were beyond the Jordan heard.”
- Joshua 9:1 tn The foothills (שְׁפֵלָה, shephelah) are the transition region between the hill country and the coastal plains.
- Joshua 9:1 tn Heb “all the coast of the Great Sea.” The “Great Sea” was the typical designation for the Mediterranean Sea.
- Joshua 9:1 tn Heb “in front of.”
- Joshua 9:2 tn Heb “they gathered together to fight against Joshua and Israel [with] one mouth.”
- Joshua 9:4 tc Heb “and they went and [?].” The root and meaning of the verb form יִצְטַיָּרוּ (yitstayyaru) are uncertain. The Hebrew text form most likely should be יִצְטַיָּדוּ (yitstayyadu), read by some Hebrew mss and ancient versions, from the root צוּד (tsud, “take provisions,” BDB 845 s.v. II צוד) which also occurs in v. 11. Note NRSV “they went and prepared provisions”; cf. NEB “They went and disguised themselves”; NIV “they went as a delegation.”
- Joshua 9:5 tn Heb “all the bread of their provisions.”
- Joshua 9:5 tn Or “moldy.”
- Joshua 9:7 tn Heb “in our midst.”
- Joshua 9:8 tn Heb “we are your servants.”
- Joshua 9:9 tn Or “servants.”
- Joshua 9:9 tn Heb “name.”
- Joshua 9:9 tn Heb “the report about him, all that he did in Egypt.”
- Joshua 9:11 tn Heb “your servants.”
- Joshua 9:12 tn Heb “in the day we went out to come to you.”
- Joshua 9:12 tn Or “moldy.”
- Joshua 9:14 tn Heb “took.” This probably means they tasted some of the food to make sure it was stale.
- Joshua 9:14 tn Heb “but they did not ask the mouth of the Lord.” This refers to seeking the Lord’s will and guidance through an oracle.
- Joshua 9:15 tn Or “assembly.”
- Joshua 9:15 tn Heb “Joshua made peace with them and made a treaty with them to let them live, and the leaders of the community swore an oath to them.”
- Joshua 9:16 tn Heb “At the end of three days, after they made the treaty with them, they heard that they were neighbors to them and in their midst they were living.”
- Joshua 9:18 tn Heb “by the Lord God of Israel.”
- Joshua 9:18 tn Or “grumbled against.”
- Joshua 9:19 tn Heb “to them by….”
- Joshua 9:19 tn Or “touch.”
- Joshua 9:20 tn Heb “This is what we will do to them, keeping them alive so there will not be upon us anger concerning the oath which we swore to them.”
- Joshua 9:21 tc Heb “and the leaders said to them.” The LXX omits the words “and the leaders said to them.”
- Joshua 9:21 tn The vav (ו) consecutive construction in the Hebrew text suggests that the narrative resumes at this point. The LXX reads here, “and they will be,” understanding what follows to be a continuation of the leaders’ words rather than a comment by the narrator.
- Joshua 9:21 tn Heb “as the leaders said to them.”
- Joshua 9:22 sn Verses 22-27 appear to elaborate on v. 21b.
- Joshua 9:22 tn Heb “them.”
- Joshua 9:22 tn Or “deceive.”
- Joshua 9:22 tn Heb “live in our midst?”
- Joshua 9:23 tn Heb “Now you are cursed and a servant will not be cut off from you, woodcutters and water carriers for the house of my God.”
- Joshua 9:24 tn Heb “your servants.”
- Joshua 9:24 tn Or “we were very afraid.”
- Joshua 9:25 tn Heb “so now, look, we are in your hand.”
- Joshua 9:25 tn Heb “according to what is good and according to what is upright in your eyes to do us, do.”
- Joshua 9:26 tn Heb “And he did to them so and he rescued them from the hand of the sons of Israel and they did not kill them.”
- Joshua 9:27 tn Heb “and Joshua made them in that day woodcutters and water carriers for the community, and for the altar of the Lord to this day at the place which he chooses.”
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
NET Bible® copyright ©1996-2017 by Biblical Studies Press, L.L.C. http://netbible.com All rights reserved.