Añadir traducción en paralelo Imprimir Opciones de la página

34 At pagkatapos ay kaniyang (A)binasa ang lahat ng mga salita ng kautusan, ang (B)pagpapala at ang (C)sumpa, ayon sa lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan.

35 Walang salita sa lahat na iniutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng buong kapulungan ng Israel at ng mga (D)babae, at ng mga bata, at ng mga (E)taga ibang lupa na nakikipamayan sa kanila.

Read full chapter

At sumampa ang hari sa bahay ng Panginoon, at ang lahat na lalake ng Juda, at ang lahat na taga Jerusalem na kasama niya, at ang mga saserdote, at ang mga propeta, at ang buong bayan, maliit at gayon din ang malaki: at kanilang (A)binasa sa kanilang mga pakinig ang lahat na salita ng (B)aklat ng tipan na nasumpungan sa bahay ng Panginoon.

Read full chapter

Ang kautusan ay binasa ni Ezra sa harap ng mga tao.

At ang (A)buong bayan ay nagpipisan na parang isang lalake sa luwal na dako na nasa harap ng (B)pintuang-bayan ng tubig; at sila'y nangagsalita kay Ezra na (C)kalihim, na dalhin ang aklat ng kautusan ni Moises, na iniutos ng Panginoon sa Israel.

Read full chapter

At binasa niya roon sa harap ng luwal na dako na nasa harap ng pintuang-bayan ng tubig, mula sa madaling araw hanggang sa katanghaliang tapat sa harapan ng mga lalake at mga babae, at ng makakaalam: at ang mga pakinig ng buong bayan ay nakikinig sa aklat ng kautusan.

Read full chapter