Add parallel Print Page Options

29 Ipinabitay niya ang hari sa isang punongkahoy, at pinabayaan doon ang bangkay hanggang sumapit ang dilim. Paglubog ng araw, ipinababa niya ang bangkay at ipinatapon sa may pintuan ng lunsod. Pinatabunan niya iyon ng malalaking bato na makikita pa roon magpahanggang ngayon.

Binasa ang Kautusan sa Bundok ng Ebal

30 Nagtayo(A) si Josue ng isang altar sa Bundok ng Ebal para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. 31 Mga(B) batong hindi tinapyas ng paet ang ginamit niya sa altar ayon sa bilin ni Moises at nasasaad sa Kautusan. Sa ibabaw ng altar na iyon ay nag-alay sila kay Yahweh ng mga handog na sinusunog at mga handog na pinagsasaluhan.

Read full chapter