Add parallel Print Page Options

29 At ibinitin niya ang (A)hari sa Hai sa isang punong kahoy hanggang sa kinahapunan: at sa paglubog ng (B)araw ay iniutos ni Josue, at ibinaba nila ang kaniyang bangkay sa punong kahoy at inihagis sa pasukan ng pintuan ng bayan, at (C)binuntunan ng malaking bunton ng mga bato, hanggang sa araw na ito.

Ang kautusan ay sinulat at binasa sa bundok ng Ebal.

30 Nang magkagayo'y ipinagtayo ni Josue ng isang dambana ang Panginoon, ang Dios ng Israel, sa (D)bundok ng Ebal,

31 Gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon, sa mga anak ni Israel, gaya ng nakasulat sa (E)aklat ng kautusan ni Moises, na isang dambana na hindi hinitsurahang mga bato, na hindi pinagbuhatan ng sinomang tao ng bakal: at kanilang (F)pinaghandugan sa Panginoon ng mga handog na susunugin, at pinaghainan ng mga handog tungkol sa kapayapaan.

Read full chapter