Add parallel Print Page Options

Ang Israel ay natalo sa Hai.

Nguni't ang mga anak ni Israel ay nakagawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay: sapagka't si Achan na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, sa lipi ni Juda; ay kumuha sa itinalagang bagay, at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa mga anak ni Israel.

At mula sa Jerico ay nagsugo si Josue ng mga lalake sa Hai na nasa siping ng (A)Beth-aven, sa dakong silanganan ng (B)Beth-el, at nagsalita sa kanila, na nagsasabi, Sumampa kayo at tiktikan ninyo ang lupain. At ang mga lalake ay yumaon at tiniktikan ang Hai.

At sila'y nagsibalik kay Josue, at sinabi sa kaniya, Huwag sumampa ang buong bayan, kundi sumampa lamang ang dalawa o tatlong libong lalake at sugatan ang Hai; huwag mong pagurin ang buong bayan doon; sapagka't sila'y kakaunti.

Sa gayo'y sumampa roon sa bayan ay may tatlong libong lalake: at sila'y (C)tumakas sa harap ng mga lalake sa Hai.

At ang mga lalake sa Hai ay sumakit sa kanila ng may tatlong pu't anim na lalake; at hinabol nila sila mula sa harap ng pintuang-bayan hanggang sa Sebarim, at sinaktan sila sa (D)babaan: at ang mga puso ng mga tao ay (E)nanglumo, at naging parang tubig.

At (F)hinapak ni Josue ang kaniyang mga suot, at nagpatirapa sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon hanggang sa kinahapunan, siya at ang mga matanda ng Israel; (G)at sila'y nagsipagbuhos ng alabok sa kanilang ulo.

At sinabi ni Josue, Ay, Oh Panginoong Dios, bakit mo (H)pinatawid ang bayang ito sa Jordan, upang ibigay kami sa kamay ng mga Amorrheo, na ipalipol kami? nakatigil sana kaming masaya at nakatahan sa dakong yaon ng Jordan!

Oh Panginoon, anong aking sasabihin pagkatapos na ang mga anak ng Israel ay makatalikod sa harap ng kanilang mga kaaway!

Sapagka't mababalitaan ng mga Cananeo at ng lahat na nananahan sa lupain, at kami ay kukubkubin at (I)ihihiwalay ang aming pangalan sa lupa: at ano ang iyong gagawin sa iyong (J)dakilang pangalan?

10 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Bumangon ka; bakit ka nagpatirapa ng ganito?

11 Ang Israel ay nagkasala; oo, kanilang (K)sinalangsang din ang aking tipan na aking iniutos sa kanila; (L)oo, sila'y kumuha rin sa itinalagang bagay, at nagnakaw rin, at nagbulaan din; at sila'y naglagay rin sa kanilang sariling daladalahan.

12 (M)Kaya't ang mga anak ni Israel ay hindi makatatayo sa harap ng kanilang mga kaaway; sila'y tumalikod sa harap ng kanilang mga kaaway, sapagka't sila'y naging sinumpa: ako'y hindi na sasa inyo pa, maliban sa inyong sirain ang itinalagang bagay sa gitna ninyo.

13 Bumangon ka, papagbanalin mo ang bayan, at sabihin mo, (N)Mangagpakabanal kayo sa kinabukasan: sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, May itinalagang bagay sa gitna mo, Oh Israel: ikaw ay hindi makatatayo sa harap ng iyong mga kaaway, hanggang sa inyong alisin ang itinalagang bagay sa gitna ninyo.

14 Sa kinaumagahan nga ay lalapit kayo ayon sa inyong mga lipi: at mangyayari, na (O)ang lipi na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga angkan: at ang angkan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga sangbahayan; at ang sangbahayan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit bawa't lalake.

15 (P)At mangyayari, na ang makunan ng itinalagang bagay ay susunugin sa apoy, siya at ang lahat niyang tinatangkilik: sapagka't kaniyang sinalangsang ang tipan ng Panginoon, at sapagka't siya'y gumawa ng kaululan sa Israel.

16 Sa gayo'y bumangong maaga si Josue sa kinaumagahan, at inilapit ang Israel ayon sa kanilang mga lipi: at ang lipi ni Juda ay napili:

17 At kaniyang inilapit ang angkan ni Juda; at napili ang angkan ng (Q)mga Zeraita: at kaniyang inilapit ang angkan ng mga Zeraita na bawa't lalake; at si Zabdi ay napili:

18 At kaniyang inilapit ang kaniyang sangbahayan bawa't lalake: at si (R)Achan, na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, sa lipi ni Juda, ay (S)napili.

19 At sinabi ni Josue kay Achan, Anak ko, isinasamo ko sa iyo, na iyong (T)luwalhatiin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, at magpahayag ka sa kaniya; at (U)ipahayag mo sa akin ngayon kung ano ang iyong ginawa; huwag kang maglihim sa akin.

20 At sumagot si Achan kay Josue, at sinabi, Sa katotohanan ay nagkasala ako laban sa Panginoon, sa Dios ng Israel, at ganito't ganito ang aking ginawa:

21 Nang aking makita sa samsam ang mainam na balabal na yaring Babilonia, at ang dalawang daang siklong pilak, at ang isang dila na ginto, na limang pung siklo ang timbang, ay akin ngang inimbot, at aking kinuha; at, narito, nangakukubli sa lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon.

Ang kasalanan ni Achan.

22 Sa gayo'y nagsugo si Josue ng mga sugo at kanilang tinakbo ang tolda; at, narito, nakakubli sa kaniyang tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon.

23 At kanilang kinuha sa gitna ng tolda, at dinala kay Josue, at sa lahat ng mga anak ni Israel; at kanilang inilapag sa harap ng Panginoon.

24 At kinuha ni Josue, at ng buong Israel na kasama niya, si Achan na anak ni Zera at ang pilak, at ang balabal, at ang dila na ginto, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang kaniyang mga baka, at ang kaniyang mga asno, at ang kaniyang mga tupa, at ang kaniyang tolda, at ang lahat niyang tinatangkilik: at kanilang isinampa sa (V)libis ng Achor.

25 At sinabi ni Josue, Bakit mo (W)kami binagabag? babagabagin ka sa araw na ito ng Panginoon. (X)At binato siya ng mga bato ng buong Israel; at sinunog nila sila sa apoy, at binato sila ng mga bato.

26 At (Y)kanilang binuntunan siya ng malaking bunton na mga bato, hanggang sa araw na ito; at ang (Z)Panginoon ay nagpigil ng kabangisan ng kaniyang galit. Kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na, Ang libis (AA)ng Achor,[a] hanggang sa araw na ito.

Footnotes

  1. Josue 7:26 Samakatuwid baga'y bagabag.

Defeat at Ai

But the children of Israel [a]committed a (A)trespass regarding the (B)accursed[b] things, for (C)Achan the son of Carmi, the son of [c]Zabdi, the son of Zerah, of the tribe of Judah, took of the accursed things; so the anger of the Lord burned against the children of Israel.

Now Joshua sent men from Jericho to Ai, which is beside Beth Aven, on the east side of Bethel, and spoke to them, saying, “Go up and spy out the country.” So the men went up and spied out Ai. And they returned to Joshua and said to him, “Do not let all the people go up, but let about two or three thousand men go up and attack Ai. Do not weary all the people there, for the people of Ai are few.” So about three thousand men went up there from the people, (D)but they fled before the men of Ai. And the men of Ai struck down about thirty-six men, for they chased them from before the gate as far as Shebarim, and struck them down on the descent; therefore (E)the[d] hearts of the people melted and became like water.

Then Joshua (F)tore his clothes, and fell to the earth on his face before the ark of the Lord until evening, he and the elders of Israel; and they (G)put dust on their heads. And Joshua said, “Alas, Lord [e]God, (H)why have You brought this people over the Jordan at all—to deliver us into the hand of the Amorites, to destroy us? Oh, that we had been content, and dwelt on the other side of the Jordan! O Lord, what shall I say when Israel turns its [f]back before its enemies? For the Canaanites and all the inhabitants of the land will hear it, and surround us, and (I)cut off our name from the earth. Then (J)what will You do for Your great name?”

The Sin of Achan

10 So the Lord said to Joshua: “Get up! Why do you lie thus on your face? 11 Israel has sinned, and they have also transgressed My covenant which I commanded them. (K)For they have even taken some of the [g]accursed things, and have both stolen and (L)deceived; and they have also put it among their own stuff. 12 (M)Therefore the children of Israel could not stand before their enemies, but turned their backs before their enemies, because (N)they have become doomed to destruction. Neither will I be with you anymore, unless you destroy the accursed from among you. 13 Get up, (O)sanctify[h] the people, and say, (P)‘Sanctify yourselves for tomorrow, because thus says the Lord God of Israel: “There is an accursed thing in your midst, O Israel; you cannot stand before your enemies until you take away the accursed thing from among you.” 14 In the morning therefore you shall be brought according to your tribes. And it shall be that the tribe which (Q)the Lord takes shall come according to families; and the family which the Lord takes shall come by households; and the household which the Lord takes shall come man by man. 15 (R)Then it shall be that he who is taken with the accursed thing shall be burned with fire, he and all that he has, because he has (S)transgressed[i] the covenant of the Lord, and because he (T)has done a disgraceful thing in Israel.’ ”

16 So Joshua rose early in the morning and brought Israel by their tribes, and the tribe of Judah was taken. 17 He brought the clan of Judah, and he took the family of the Zarhites; and he brought the family of the Zarhites man by man, and Zabdi was taken. 18 Then he brought his household man by man, and Achan the son of Carmi, the son of Zabdi, the son of Zerah, of the tribe of Judah, (U)was taken.

19 Now Joshua said to Achan, “My son, I beg you, (V)give glory to the Lord God of Israel, (W)and make confession to Him, and (X)tell me now what you have done; do not hide it from me.”

20 And Achan answered Joshua and said, “Indeed (Y)I have sinned against the Lord God of Israel, and this is what I have done: 21 When I saw among the spoils a beautiful Babylonian garment, two hundred shekels of silver, and a wedge of gold weighing fifty shekels, I [j]coveted them and took them. And there they are, hidden in the earth in the midst of my tent, with the silver under it.”

22 So Joshua sent messengers, and they ran to the tent; and there it was, hidden in his tent, with the silver under it. 23 And they took them from the midst of the tent, brought them to Joshua and to all the children of Israel, and laid them out before the Lord. 24 Then Joshua, and all Israel with him, took Achan the son of Zerah, the silver, the garment, the wedge of gold, his sons, his daughters, his oxen, his donkeys, his sheep, his tent, and (Z)all that he had, and they brought them to (AA)the Valley of Achor. 25 And Joshua said, (AB)“Why have you troubled us? The Lord will trouble you this day.” (AC)So all Israel stoned him with stones; and they burned them with fire after they had stoned them with stones.

26 Then they (AD)raised over him a great heap of stones, still there to this day. So (AE)the Lord turned from the fierceness of His anger. Therefore the name of that place has been called (AF)the Valley of [k]Achor to this day.

Footnotes

  1. Joshua 7:1 acted unfaithfully
  2. Joshua 7:1 devoted
  3. Joshua 7:1 Zimri, 1 Chr. 2:6
  4. Joshua 7:5 the people’s courage failed
  5. Joshua 7:7 Heb. YHWH, Lord
  6. Joshua 7:8 Lit. neck
  7. Joshua 7:11 devoted
  8. Joshua 7:13 set apart
  9. Joshua 7:15 overstepped
  10. Joshua 7:21 desired
  11. Joshua 7:26 Lit. Trouble