Add parallel Print Page Options

Ang Pagtutuli at ang Pagdiriwang ng Paskwa sa Gilgal

Nabalitaan ng mga haring Amoreo na nasa kanluran ng Jordan at ng mga haring Cananeo na nasa baybayin ng Dagat Mediteraneo na pinatuyo ni Yahweh ang Ilog Jordan nang tumawid ang bayang Israel. Dahil dito'y natakot silang lahat, at nasiraan sila ng loob sa pagdating ng mga Israelita.

Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Kumuha ka ng batong matalim, gawin mong panghiwa, at tuliin mo ang mga kalalakihan ng Israel.” Gayon nga ang ginawa ni Josue, tinuli niya ang mga lalaki sa isang lugar na tinatawag na Burol ng Pagtutuli. Ginawa niya ito sapagkat namatay na ang lahat ng mga lalaking may sapat na gulang upang makipagdigma sa panahon ng paglalakbay noong sila'y umalis sa Egipto. Ang mga iyon ay pawang tuli na, ngunit ang mga isinilang sa panahon ng paglalakbay sa ilang ay hindi pa. Apatnapung(A) taon nang naglakbay sa ilang ang bayang Israel hanggang sa namatay lahat ang mga lalaking may sapat na gulang upang makipagdigma nang sila'y umalis sa Egipto. Sinuway nila si Yahweh, kaya sinabi niya sa kanila na hindi nila makikita ang mayaman at masaganang lupain na ipinangako niya sa kanilang mga ninuno. Ang kanilang mga anak na lalaki na humalili sa kanila ang tinuli ni Josue, sapagkat ang mga ito'y hindi tinuli nang panahon ng paglalakbay.

Matapos tuliin ang lahat ng kalalakihan, nanatili sa kampo ang buong bayan hanggang sa gumaling ang mga sugat. At sinabi ni Yahweh kay Josue, “Inalis ko ngayon ang kahihiyan ng pagkaalipin ninyo sa Egipto.” Kaya't ang lugar na iyon ay tinawag na Gilgal[a] magpahanggang ngayon.

10 Samantalang(B) ang mga Israelita ay nasa Gilgal sa kapatagan ng Jerico, ipinagdiwang nila ang Paskwa noong kinagabihan ng ikalabing apat na araw ng unang buwan. 11 Kinaumagahan, araw pa rin ng Paskwa, kumain sila ng mga pagkaing inani nila sa lupaing iyon: sinangag na trigo at tinapay na walang pampaalsa. 12 Hindi(C) na muling umulan pa ng manna nang makakain na sila ng mga inani nila sa lupain ng Canaan. Kaya't mula nang taóng iyon, pagkaing inaani na sa Canaan ang kanilang kinakain.

Si Josue at ang Pinuno ng Hukbo ni Yahweh

13 Minsa'y napadako si Josue malapit sa Jerico, nang biglang nagpakita sa kanya ang isang lalaking may hawak na tabak. Nilapitan ito ni Josue at tinanong, “Ikaw ba'y isang kakampi, o isang kaaway?”

14 “Hindi,” sagot ng lalaki. “Ako'y naparito bilang pinuno ng hukbo ni Yahweh.”

Nagpatirapa si Josue at sumamba. Sinabi niya, “Ano po ang ipinag-uutos ni Yahweh sa kanyang alipin?”

15 Sumagot ang pinuno ng hukbo ni Yahweh, “Alisin mo ang iyong mga sandalyas sapagkat lupang banal ang iyong tinutuntungan.” At ginawa nga ni Josue ang iniutos sa kanya.

Footnotes

  1. Josue 5:9 GILGAL: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Gilgal” at “inalis” ay magkasintunog.

在吉甲行割礼

在约旦河西岸一带的亚摩利众王和沿海一带的迦南众王,听说耶和华为了让以色列人过河而使约旦河成为干地,都吓得胆战心惊,勇气尽失。

那时,耶和华对约书亚说:“你用火石做成刀子,再次给以色列人行割礼。” 约书亚便用火石做成刀子,在割礼山给以色列人行了割礼。 约书亚给他们举行割礼,是因为所有从埃及出来、能够作战的男子都死在旷野的路上。 从埃及出来的男子都受过割礼,而后来在旷野出生的以色列人都没有受过割礼。 以色列人在旷野飘泊了四十年,直到从埃及出来可以作战的男子都死了为止,因为他们不听从耶和华的话。耶和华向他们起誓,不让他们看见那奶蜜之乡,衪曾应许他们祖先要把那个地方赐给他们。 耶和华立他们的子孙代替他们。这新一代的以色列人没有受过割礼,因为在路上没有为他们行过割礼。于是,约书亚为他们行了割礼。

全体民众受了割礼后,都留在自己的营内,直到康复为止。 耶和华对约书亚说:“今天我除去了你们在埃及受的羞辱。”因此,那地方叫吉甲[a],沿用至今。

在迦南守逾越节

10 以色列人都在耶利哥平原上的吉甲扎营,并于一月十四日傍晚在那里守逾越节。 11 第二天他们就吃当地的谷物,吃无酵饼和烤麦穗。 12 他们吃了当地出产后的第二天,吗哪便不再降下,以色列人再没有吗哪吃了。那一年他们开始吃迦南的出产。

耶和华军队的元帅

13 约书亚走近耶利哥,举目看见一个人手里拿着拔出来的剑站在他面前。约书亚上前去问道:“你是来帮助我们的,还是来帮助我们敌人的?” 14 那人答道:“都不是,我来是做耶和华军队的统帅。”约书亚就俯伏下拜说:“我主,有什么话要吩咐仆人?” 15 耶和华军队的统帅对约书亚说:“把你脚上的鞋脱下!因为你站的地方是圣洁的。”约书亚便把鞋脱下来。

Footnotes

  1. 5:9 吉甲”意思是“除去”。