Font Size
Josue 5:7-9
Ang Biblia, 2001
Josue 5:7-9
Ang Biblia, 2001
7 Kaya't tinuli ni Josue ang kanilang mga anak na ipinanganak na kahalili nila, sapagkat hindi sila tuli, yamang hindi sila tinuli sa daan.
8 Nang kanilang matuli na ang buong bansa, nanatili sila sa kanilang mga lugar sa kampo hanggang sa sila'y gumaling.
9 At sinabi ng Panginoon kay Josue, “Sa araw na ito ay iginulong ko palayo sa inyo ang kahihiyan ng Ehipto.” Kaya't ang pangalan ng lugar na iyon ay tinawag na Gilgal[a] hanggang sa araw na ito.
Read full chapterFootnotes
- Josue 5:9 Sa Hebreo ay nangangahulugang iginulong .