Add parallel Print Page Options

11 Nang makatawid na silang lahat, itinawid din ang Kahon ng Kasunduan. At nauna ulit ang mga pari sa mga tao. 12 Tumawid din at nauna sa mga tao ang mga lalaking armado mula sa lahi nina Reuben, Gad at kalahating lahi ni Manase, ayon sa iniutos ni Moises sa kanila. 13 Ang 40,000 armadong lalaki ay dumaan sa presensya ng Panginoon[a] at pumunta sa Kapatagan ng Jerico para makipaglaban.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:13 presensya ng Panginoon: Maaring ang ibig sabihin, Kahon ng Kasunduan.