Add parallel Print Page Options

Inilabas(A) ko sa Egipto ang inyong mga ninuno at nakarating sila sa Dagat na Pula.[a] Hinabol sila ng mga Egipciong sakay ng mga karwahe at kabayo hanggang sa may dagat. Ang inyong mga ninuno'y humingi ng tulong sa akin, at naglagay ako ng dilim sa pagitan nila at ng mga Egipcio. Pinagsama kong muli ang nahating dagat at sila'y natabunan ng tubig. Nasaksihan ninyo ang mga ginawa ko sa mga Egipcio. At matagal kayong nanirahan sa ilang.

“‘Pagkatapos,(B) dinala ko kayo sa lupain ng mga Amoreo sa silangan ng Jordan. Nilabanan nila kayo, ngunit pinagtagumpay ko kayo laban sa kanila. Pinuksa ko sila at nasakop ninyo ang kanilang lupain.

Read full chapter

Footnotes

  1. Josue 24:6 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .