Josue 23
Ang Biblia (1978)
Ang pamamaalam na talumpati ni Josue.
23 At nangyari pagkaraan ng maraming araw, nang mabigyan ng (A)Panginoon ng kapahingahan ang Israel sa lahat nilang mga kaaway sa palibot, at si Josue ay matanda (B)na at puspos ng mga taon;
2 Na tinawag ni Josue (C)ang buong Israel, ang kanilang mga matanda, at ang kanilang mga pangulo, at ang kanilang mga hukom at ang kanilang mga (D)pinuno, at sinabi sa kanila, Ako'y matanda na at puspos ng mga taon:
3 At inyong nakita ang lahat na ginawa ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng bansang ito dahil sa inyo; (E)sapagka't ipinakipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios.
4 Narito, aking binahagi (F)sa inyo ang mga bansang ito na nangalabi, upang maging mana sa inyong mga lipi, mula sa Jordan pati ng lahat na bansa na aking inihiwalay, hanggang sa (G)malaking dagat na dakong nilulubugan ng araw.
5 At itataboy sila ng Panginoon ninyong Dios mula sa harap ninyo, at palalayasin sila sa inyong paningin, at inyong aariin ang kanilang lupain na (H)gaya ng sinalita ng Panginoon ninyong Dios sa inyo.
6 (I)Kaya't kayo'y magpakatapang na mabuti na ingatan at gawin ang lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises (J)na huwag kayong lumiko sa kanan o sa kaliwa;
7 (K)Na huwag kayong pumasok sa mga bansang ito, sa mga ito na nangalalabi sa gitna ninyo; (L)huwag din ninyong banggitin ang pangalan ng kanilang mga dios, ni magpasumpa sa pangalan ng mga yaon, ni maglingkod sa mga yaon, ni yumukod sa mga yaon:
8 Kundi lumakip kayo sa Panginoon ninyong Dios, na gaya ng inyong ginawa hanggang sa araw na ito.
9 Sapagka't pinalayas ng Panginoon sa harap ninyo ang mga malaking bansa at malakas: nguni't tungkol sa inyo, ay (M)walang tao na tumayo sa harap ninyo hanggang sa araw na ito.
10 (N)Isang lalake sa inyo ay hahabol sa isang libo: sapagka't ipinakikipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios, gaya ng sinalita niya sa inyo.
11 Magpakaingat nga kayong mabuti sa inyong sarili, na inyong ibigin ang Panginoon ninyong Dios.
12 Kung inyo ngang tatalikuran sa anomang paraan at lalakip sa nangalabi sa mga bansang ito, sa mga ito na nangalabi sa gitna ninyo, (O)at kayo'y magaasawa sa kanila, at kayo'y lalakip sa kanila, at sila sa inyo:
13 Ay tatalastasin ninyong lubos (P)na hindi pa palalayasin ng Panginoon ninyong Dios ang mga bansang ito sa inyong paningin: kundi sila'y magiging silo at lalang (Q)sa inyo, at panghampas sa inyong tagiliran at mga tinik sa inyong mga mata hanggang sa kayo'y malipol dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios.
14 At, narito, sa araw na ito (R)ay yumayaon ako sa lakad ng buong lupa: at inyong talastas sa inyong buong puso at sa inyong buong kaluluwa (S)na walang bagay na nagkulang sa lahat na mga mabuting bagay na sinalita ng Panginoon ninyong Dios tungkol sa inyo; lahat ay nangyari sa inyo, wala kahit isang bagay na nagkulang.
15 At mangyayari, na kung paanong ang lahat ng mga mabuting bagay ay nangyari sa inyo na sinalita sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, ay gayon dadalhin ng Panginoon sa inyo ang lahat ng mga masamang bagay, hanggang sa kayo'y malipol niya dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios.
16 Pagka (T)inyong sinalangsang ang tipan ng Panginoon ninyong Dios, na kaniyang iniutos sa inyo, at yumaon at naglingkod sa ibang mga dios at yumukod sa mga yaon; ang galit nga ng Panginoon ay magaalab laban sa inyo, at kayo'y malilipol na madali sa mabuting lupain na kaniyang ibinigay sa inyo.
Joshua 23
Names of God Bible
A Reminder to Follow Moses’ Teachings
23 A long time afterward, Yahweh gave the Israelites peace with all their enemies around them. Joshua was old, near the end of his life. 2 So he called all the leaders, chiefs, judges, and officers of Israel together. He said to them, “I am old, near the end of my life. 3 You have seen for yourselves everything Yahweh your Elohim did to all those nations. Yahweh your Elohim fought for you! 4 I have given you the territory of the nations that still remain as an inheritance for your tribes. This includes the territory of all the nations I have already destroyed from the Jordan River westward to the Mediterranean Sea. 5 Yahweh your Elohim will expel them right in front of your eyes and force them out of your way. You will take their land as Yahweh your Elohim told you. 6 Now you must be very strong to keep and to do everything written in the Book of Moses’ Teachings. Don’t turn away from them. 7 Don’t get mixed up with the nations left in your territory. Don’t ever mention the names of their gods or swear an oath to them. Don’t ever serve their gods or bow down to them. 8 But you must be loyal to Yahweh your Elohim, as you have been until now. 9 Yahweh has forced important and powerful nations out of your way. Not one person has ever been able to stand up to you. 10 One of you used to chase a thousand. That was because Yahweh your Elohim was fighting for you, as he had promised you. 11 Be very careful to love Yahweh your Elohim.
12 “But if you turn away and go along with the other nations within your borders, if you intermarry with them or associate with them, 13 then you should know that Yahweh your Elohim will never again force these people out of your way. Instead, they will be a snare and a trap for you, a whip laid to your sides, and thorns in your eyes until none of you are left in this good land that Yahweh your Elohim has given you.
14 “Pay attention, because I will soon die like everyone else. You know with all your heart and soul that not one single promise which Yahweh your Elohim has given you has ever failed to come true. Every single word has come true.
15 “Every good word Yahweh your Elohim has promised you has come true for you. In the same way Yahweh will bring about every evil curse until he has destroyed you from this good land that he has given you. 16 When you ignore the conditions[a] placed on you by Yahweh your Elohim and follow other gods, serve them and bow down to them, Yahweh will be angry with you. Then you will quickly disappear from the good land he has given you.”
Footnotes
- Joshua 23:16 Or “covenant.”
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
The Names of God Bible (without notes) © 2011 by Baker Publishing Group.
