Josue 21
Ang Biblia (1978)
Ang bayang para sa mga Levita.
21 Nang magkagayo'y lumapit ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita kay (A)Eleazar na saserdote, at kay Josue na anak ni Nun at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel;
2 At sila'y nagsalita sa kanila sa (B)Silo, sa lupain ng Canaan, na sinasabi, (C)Ang Panginoon ay nagutos sa pamamagitan ni Moises, na bigyan kami ng mga bayan na matatahanan, pati ng mga nayon niyaon para sa aming hayop.
3 At sa kanilang mana ay ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita, ayon sa utos ng Panginoon, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.
4 At ang kapalarang ukol sa mga angkan ng mga Coathita ay lumabas; (D)at ang mga anak ni Aaron na saserdote, na kabilang sa mga Levita, ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa lipi ni Juda, at sa lipi ng mga Simeonita, at sa lipi ni Benjamin, ng labing tatlong bayan.
5 At ang nalabi sa mga anak ni Coath ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Ephraim, at sa lipi ni Dan, at sa kalahating lipi ni Manases, ng sangpung bayan.
6 At (E)ang mga anak ni Gerson ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Issachar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Nephtali, at sa kalahating lipi ni Manases sa Basan, ng labing tatlong bayan.
7 (F)Ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan ay nagtamo sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zabulon, ng labing dalawang bayan.
8 At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita sa pamamagitan ng sapalaran ang mga bayang ito pati ng mga nayon nito, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
9 At sa lipi ng mga anak ni Juda, at sa lipi ng mga anak ni Simeon, ay kanilang ibinigay ang mga bayang ito na nabanggit sa pangalan:
10 At pawang sa mga anak ni Aaron, sa mga angkan ng mga Coathita, na mga anak ni Levi: sapagka't sa kanila ang unang kapalaran.
11 (G)At ibinigay nila sa kanila ang Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac, (na siya ring Hebron,) sa (H)lupaing maburol ng Juda, pati ng mga nayon niyaon sa palibot.
12 Nguni't (I)ang mga parang ng bayan, at ang mga nayon, ay ibinigay nila kay Caleb na anak ni Jephone na pinakaari niya.
13 At sa mga anak ni Aaron na saserdote ay ibinigay nila (J)ang Hebron pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, at (K)ang Libna pati ng mga nayon niyaon;
14 At ang Jattir pati ng mga nayon niyaon, at ang Estemoa, pati ng mga nayon niyaon.
15 At ang (L)Helon pati ng mga nayon niyaon, at ang Debir pati ng mga nayon niyaon;
16 At ang (M)Ain pati ng mga nayon niyaon, at ang Jutta pati ng mga nayon niyaon, at ang Beth-semes pati ng mga nayon niyaon; siyam na bayan sa dalawang liping yaon.
17 At sa lipi ni Benjamin, ang (N)Gabaon pati ng mga nayon niyaon, ang (O)Geba pati ng mga nayon niyaon;
18 Ang (P)Anathoth pati ng mga nayon niyaon, at ang (Q)Almon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
19 Lahat ng mga bayan ng mga anak ni Aaron na saserdote ay labing tatlong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
20 At tinamo (R)ng mga angkan ng mga anak ni Coath, na mga Levita, sa makatuwid baga'y ang nangalabi sa mga anak ni Coath, ang mga bayan na kanilang kapalaran sa lipi ni Ephraim.
21 At ibinigay nila sa kanila ang (S)Sichem pati ng mga nayon niyaon sa lupaing maburol ng Ephraim, na bayang ampunan na ukol sa nakamatay, at ang (T)Geser pati ng mga nayon niyaon.
22 At ang Kibsaim pati ng mga nayon niyaon, at ang (U)Beth-horon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
23 At sa lipi ni Dan, ang Eltheco pati ng mga nayon niyaon, ang Gibbethon pati ng mga nayon niyaon;
24 Ang (V)Ailon pati ng mga nayon niyaon; ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
25 At sa kalahating lipi ni Manases, ang Taanach pati ng mga nayon niyaon; at ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon; dalawang bayan.
26 Lahat na bayan sa mga angkan ng nangalabi sa mga anak ni Coath ay sangpu pati ng mga nayon niyaon.
27 (W)At sa mga anak ni Gerson, sa mga angkan ng mga Levita, ay ibinigay sa kanila sa kalahating lipi ni Manases ang (X)Gaulon sa Basan pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay; at ang Be-estera pati ng mga nayon niyaon; dalawang bayan.
28 At sa lipi ni Issachar, ang Cesion pati ng mga nayon niyaon, ang Dabereth pati ng mga nayon niyaon;
29 Ang Jarmuth pati ng mga nayon niyaon, ang En-gannim pati ng mga nayon niyaon: apat na bayan.
30 At sa lipi ni Aser, ang Miseal pati ng mga nayon niyaon, ang Abdon pati ng mga nayon niyaon;
31 Ang Helchath pati ng mga nayon niyaon, ang Rehob pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
32 At sa lipi ni Nephtali ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, (Y)ang Cedes sa Galilea pati ng mga nayon niyaon, at ang Hammoth-dor pati ng mga nayon niyaon, at ang Cartan pati ng mga nayon niyaon; tatlong bayan.
33 Lahat na bayan ng mga Gersonita ayon sa kanilang mga angkan ay labing tatlong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
34 (Z)At sa mga angkan ng mga anak ni Merari, na nalabi sa mga Levita, sa lipi ni Zabulon, ang Jocneam pati ng mga nayon niyaon, at ang Kartha pati ng mga nayon niyaon,
35 Ang Dimna pati ng mga nayon niyaon, ang Naalal pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
36 At sa lipi ni Ruben; (AA)ang Beser pati ng mga nayon niyaon, at ang Jasa pati ng mga nayon niyaon.
37 Ang Cedemoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Mephaat pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
38 At sa lipi ni Gad ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, ang (AB)Ramoth sa Galaad pati ng mga nayon niyaon, ang (AC)Mahanaim pati ng mga nayon niyaon;
39 Ang Hesbon pati ng mga nayon niyaon, at ang Jacer pati ng mga nayon niyaon, apat na bayang lahat.
40 Lahat ng mga ito ay mga bayan ng mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan, sa makatuwid baga'y ang nalabi sa mga angkan ng mga Levita; at ang kanilang kapalaran ay labing dalawang bayan.
41 (AD)Lahat na bayan ng mga Levita sa gitna ng mga pagaari ng mga anak ni Israel ay apat na pu't walong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
42 Ang mga bayang ito ay kalakip bawa't isa ang mga nayon nito sa palibot ng mga yaon: gayon sa lahat ng mga bayang ito.
43 Sa gayo'y ibinigay ng Panginoon sa Israel (AE)ang buong lupain na kaniyang isinumpa na ibibigay sa kanilang mga magulang: at kanilang inari at tumahan doon.
44 (AF)At binigyan sila ng kapahingahan ng Panginoon sa palibot, ayon sa lahat ng kaniyang isinumpa sa kanilang mga magulang: (AG)at walang tumayong isang lalake sa lahat ng kanilang mga kaaway sa harap nila; ibinigay ng Panginoon ang lahat nilang mga kaaway sa kanilang kamay.
45 (AH)Walang nagkulang na isang mabuting bagay na sinalita ng Panginoon sa sangbahayan ng Israel, lahat ay nangyari.
Josue 21
Ang Biblia, 2001
Ang Bayan ng mga Levita
21 Nang magkagayo'y lumapit ang mga puno ng mga sambahayan ng mga angkan ng mga Levita kay Eleazar na pari, at kay Josue na anak ni Nun at sa mga puno ng mga sambahayan ng mga angkan ng mga lipi ng mga anak ni Israel.
2 At(A) sila'y nagsalita sa kanila sa Shilo, sa lupain ng Canaan, na sinasabi, “Ang Panginoon ay nag-utos sa pamamagitan ni Moises, na bigyan kami ng mga bayang matitirahan, at mga pastulan para sa aming hayop.”
3 Kaya't mula sa kanilang minana ay ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita ang mga lunsod na ito pati ang mga pastulan nito, ayon sa utos ng Panginoon.
4 Ang lupaing para sa mga angkan ng mga Kohatita ay nabunot. Kaya't ang mga Levita na anak ng paring si Aaron ay tumanggap sa pamamagitan ng palabunutan mula sa lipi ni Juda, at sa lipi ni Simeon, at sa lipi ni Benjamin ng labintatlong bayan.
5 Ang nalabi sa mga anak ni Kohat ay tumanggap sa pamamagitan ng palabunutan mula sa mga angkan ng lipi ni Efraim, at mula sa lipi ni Dan, at sa kalahating lipi ni Manases ng sampung bayan.
6 At ang mga anak ni Gershon ay tumanggap sa pamamagitan ng palabunutan mula sa mga angkan ng lipi ni Isacar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Neftali, at sa kalahating lipi ni Manases sa Basan ng labintatlong bayan.
7 Ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan ay tumanggap mula sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zebulon ng labindalawang lunsod.
8 At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita sa pamamagitan ng palabunutan ang mga lunsod na ito at ang mga pastulan nito, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
9 Mula sa lipi ng mga anak ni Juda, at sa lipi ng mga anak ni Simeon ay kanilang ibinigay ang mga lunsod na ito na nabanggit sa pangalan,
10 na napabigay sa mga anak ni Aaron, sa mga angkan ng mga Kohatita, na mga anak ni Levi; yamang sa kanila ang unang kapalaran.
11 At ibinigay nila sa kanila ang Kiryat-arba, (si Arba ang ama ni Anak,) na siya ring Hebron, sa lupaing maburol ng Juda, pati ang mga pastulan nito sa palibot.
12 Ngunit ang mga parang ng lunsod, at ang mga pastulan, ay ibinigay nila kay Caleb na anak ni Jefone bilang kanyang pag-aari.
13 At sa mga anak ni Aaron na pari ay ibinigay nila ang Hebron, ang lunsod-kanlungan para sa nakamatay at ang mga nayon nito, at ang Libna pati ang mga pastulan nito;
14 at ang Jatir pati ang mga pastulan nito, at ang Estemoa, pati ang mga pastulan nito;
15 ang Holon pati ang mga pastulan nito, at ang Debir pati ang mga pastulan nito;
16 ang Ain pati ang mga pastulan nito, at ang Juta pati ang mga pastulan nito, at ang Bet-shemes pati ang mga pastulan nito; siyam na lunsod sa dalawang liping iyon.
17 At sa lipi ni Benjamin, ang Gibeon pati ang mga pastulan nito, ang Geba pati ang mga pastulan nito;
18 ang Anatot pati ang mga pastulan nito, at ang Almon pati ang mga pastulan nito; apat na lunsod.
19 Lahat ng mga lunsod ng mga anak ni Aaron na pari ay labintatlong bayan pati ang mga pastulan ng mga iyon.
20 Tinanggap ng mga angkan ng mga anak ni Kohat, na mga Levita, samakatuwid ay ang nalabi sa mga anak ni Kohat, ang mga bayang ibinigay sa kanila ay mula sa lipi ni Efraim.
21 Sa kanila'y ibinigay ang Shekem pati ang mga pastulan sa lupaing maburol ng Efraim, na lunsod-kanlungan para sa nakamatay, at ang Gezer pati ang mga pastulan nito,
22 ang Kibsaim pati ang mga pastulan nito, at ang Bet-horon pati ang mga pastulan nito—apat na bayan.
23 At sa lipi ni Dan, ang Elteke pati ang mga pastulan nito, Gibeton pati ang mga pastulan nito;
24 ang Ailon pati ang mga pastulan nito, ang Gat-rimon pati ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
25 At mula sa kalahating lipi ni Manases, ang Taanac pati ang mga pastulan nito; at ang Gat-rimon pati ang mga pastulan nito—dalawang bayan.
26 Lahat ng lunsod sa mga angkan ng nalabi sa mga anak ni Kohat ay sampu pati ang mga pastulan nito.
27 At sa mga anak ni Gershon, isa sa mga angkan ng mga Levita, ay ibinigay ang mula sa kalahating lipi ni Manases, ang Golan sa Basan pati ang mga pastulan nito, ang lunsod-kanlungan para sa nakamatay; at ang Beestera pati ang mga pastulan nito—dalawang lunsod;
28 at mula sa lipi ni Isacar, ang Kishion pati ang mga pastulan nito, ang Daberat pati ang mga pastulan nito;
29 ang Jarmut pati ang mga pastulan nito, ang En-ganim pati ang mga pastulan nito—apat na lunsod,
30 at mula sa lipi ni Aser, ang Mishal pati ang mga pastulan nito, ang Abdon pati ang mga pastulan nito;
31 ang Helcat pati ang mga pastulan nito, ang Rehob pati ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
32 At mula sa lipi ni Neftali, ang lunsod-kanlungan na para sa nakamatay, ang Kedes sa Galilea pati ang mga pastulan nito, at ang Hamot-dor pati ang mga pastulan nito, at ang Cartan pati ang mga pastulan nito—tatlong lunsod.
33 Lahat ng lunsod ng mga Gershonita ayon sa kanilang mga angkan ay labintatlong lunsod pati ang mga pastulan ng mga iyon.
34 At para sa mga angkan ng mga anak ni Merari, na nalabi sa mga Levita, sa lipi ni Zebulon, ang Jokneam pati ang mga pastulan nito, at ang Karta pati ang mga pastulan nito,
35 ang Dimna pati ang mga pastulan nito, ang Nahalal pati ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
36 Mula naman sa lipi ni Ruben, ang Bezer pati ang mga pastulan nito, at ang Jaza pati ang mga pastulan nito.
37 Ang Kedemot pati ang mga pastulan nito, at ang Mefaat pati ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
38 Mula sa lipi ni Gad, ang lunsod-kanlungan para sa nakamatay, ang Ramot sa Gilead pati ang mga pastulan nito, ang Mahanaim pati ang mga pastulan nito;
39 ang Hesbon pati ang mga pastulan nito, at ang Jazer pati ang mga pastulan nito, lahat ay apat na lunsod.
40 Tungkol sa mga lunsod ng ilan sa mga anak ni Merari samakatuwid ay ang nalabi sa mga angkan ng mga Levita, ang ibinigay sa kanila ay labindalawang bayan.
41 Lahat ng lunsod ng mga Levita sa loob ng mga pag-aari ng mga anak ni Israel ay apatnapu't walong bayan pati ang mga pastulan ng mga iyon.
42 Ang mga lunsod na ito ay may kanya-kanyang pastulan sa palibot ng mga iyon, gayundin sa lahat ng mga bayang ito.
43 Kaya't ibinigay ng Panginoon sa Israel ang lahat ng lupain na kanyang ipinangakong ibibigay sa kanilang mga ninuno; at nang kanilang matanggap ay nanirahan sila doon.
44 At binigyan sila ng Panginoon ng kapahingahan sa bawat panig, gaya ng kanyang ipinangako sa kanilang mga ninuno, wala ni isa sa lahat ng kanilang mga kaaway ay nagtagumpay sa harap nila; ibinigay ng Panginoon ang lahat nilang kaaway sa kanilang kamay.
45 Wala ni isa sa lahat ng mabubuting pangako na ginawa ng Panginoon sa sambahayan ng Israel ang hindi natupad; lahat ay nangyari.
Josue 21
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang mga Bayan para sa mga Levita
21 Ang mga pinuno ng mga Levita ay pumunta kina Eleazar na pari, Josue na anak ni Nun at sa mga pinuno ng bawat lahi ng Israel 2 doon sa Shilo sa lupain ng Canaan. Sinabi nila, “Nag-utos ang Panginoon sa pamamagitan ni Moises na bigyan kami ng mga bayan na titirhan namin at mga pastulan para sa mga hayop namin.” 3 Kaya ayon sa iniutos ng Panginoon, binigyan ang mga Levita ng mga bayan at mga pastulan mula sa mga lupain ng mga Israelita.
4 Ang unang nakatanggap ng lupain ay ang mga angkan ni Kohat. Ang mga Levita na mula sa angkan ni Aaron ay kabilang sa angkan ni Kohat. Nakatanggap sila ng 13 bayan na galing sa lupain ng mga lahi nina Juda, Simeon at Benjamin. 5 Ang ibang mga angkan ni Kohat ay binigyan ng 10 bayan mula sa lupain ng mga lahi nina Efraim, Dan at ng kalahating lahi ni Manase.
6 Ang mga angkan ni Gershon ay binigyan ng 13 bayan mula sa lupain ng mga lahi nina Isacar, Asher, Naftali at ng kalahating lahi ni Manase sa Bashan.
7 Ang mga angkan ni Merari ay binigyan ng 12 bayan mula sa lupain ng mga lahi nina Reuben, Gad at Zebulun.
8 Kaya sa paraan ng palabunutan, binigyan ng mga Israelita ang mga Levita ng mga bayan at mga pastulan, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
9-10 Ito ang mga pangalan ng mga bayan na mula sa lupain ng mga lahi nina Simeon at Juda na ibinigay sa mga angkan ni Aaron. Sila ang mga angkan ni Kohat na mga Levita. Sila ang unang nabunot na bibigyan ng mga bayan. 11 Ibinigay sa kanila ang Kiriat Arba (na siyang Hebron), sa kabundukan ng Juda, kasama na ang mga pastulan sa paligid nito. (Si Arba ang ama[a] ni Anak). 12 Pero ang mga bukirin ng lungsod at ang mga baryo sa paligid nito ay ibinigay na kay Caleb na anak ni Jefune bilang bahagi niya. 13 Kaya ibinigay sa mga angkan ni Aaron ang Hebron na isa sa mga lungsod na tanggulan, kung saan makakapagtago ang taong nakapatay nang hindi sinasadya. Ibinigay din sa kanila ang Libna, 14 Jatir, Estemoa, 15 Holon, Debir, 16 Ayin, Juta at Bet Shemesh, kasama ang mga pastulan nila. Siyam na bayan lahat mula sa lupain ng mga lahi nina Simeon at Juda.
17-18 Binigyan din sila ng apat na bayan mula sa lupain ng lahi ni Benjamin. Ito ay ang Gibeon, Geba, Anatot at Almon, kasama ang mga pastulan nito.
19 Ang natanggap ng mga pari na angkan ni Aaron ay 13 bayan lahat, kasama ang mga pastulan nito.
20-22 Ang ibang angkan ni Kohat na mga Levita ay nakatanggap ng apat na bayan mula sa lupain ng lahi ni Efraim. Ito ay ang Shekem (sa kabundukan ng Efraim na isa sa mga lungsod na tanggulan, kung saan makakapagtago ang tao na nakapatay nang hindi sinasadya), ang Gezer, Kibzaim at Bet Horon, kasama ang mga pastulan nito.
23-24 Binigyan din sila ng apat na bayan mula sa lupain ng lahi ni Dan. Ito ay ang Elteke, Gibeton, Ayalon at Gat Rimon, kasama ang mga pastulan nito.
25-26 At mula naman sa lupain ng kalahating lahi ni Manase sa kanluran, natanggap nila ang dalawang bayan: ang Taanac at Gat Rimon, kasama ang mga pastulan ng nito. Ang natanggap ng ibang mga angkan ni Kohat ay 10 bayan lahat, kasama ang mga pastulan nito.
27 Ang mga angkan ni Gershon na mga Levita ay nakatanggap ng dalawang bayan mula sa lupain ng kalahating lahi ni Manase sa silangan. Ito ay ang Golan sa Bashan (na isa sa mga lungsod na tanggulan, kung saan makakapagtago ang taong nakapatay nang hindi sinasadya) at ang Be Eshtara, kasama ang mga pastulan nito. 28-29 Binigyan din sila ng apat na bayan mula sa lupain ng lahi ni Isacar. Ito ay ang Kishion, Daberat, Jarmut, En Ganim, kasama ang mga pastulan nito. 30-31 At mula sa lupain ng lahi ni Asher, natanggap nila ang apat na bayan: ang Mishal, Abdon, Helkat at Rehob, kasama ang mga pastulan nito. 32-33 Binigyan pa sila ng tatlong bayan mula sa lupain ng lahi ni Naftali. Ito ay ang Kedesh sa Galilea (isa ito sa mga lungsod na tanggulan, kung saan makakapagtago ang taong nakapatay nang hindi sinasadya), ang Hamot Dor at ang Kartan kasama ang mga pastulan nito. Ang natanggap ng mga angkan ni Gershon ay 13 bayan lahat, kasama ang mga pastulan nito.
34-35 Ang mga natirang Levita – ang mga angkan ni Merari – ay nakatanggap ng apat na bayan mula sa lupain ng lahi ni Zebulun. Ito ay ang Jokneam, Karta, Dimna at Nahalal kasama ang mga pastulan nito. 36-37 Binigyan din sila ng apat na bayan mula sa lupain ng lahi ni Reuben. Ito ay ang Bezer, Jahaz, Kedemot at Mefaat, kasama ang mga pastulan nito. 38-39 Binigyan din sila ng apat na bayan mula sa lupain ng lahi ni Gad. Ito ay ang Ramot sa Gilead (na isa sa mga lungsod na tanggulan, kung saan makakapagtago ang taong nakapatay nang hindi sinasadya), ang Mahanaim, Heshbon at Jazer, kasama ang mga pastulan nito.
40 Ang natanggap ng mga angkan ni Merari na Levita ay 12 bayan lahat kasama ang mga pastulan nito.
41-42 Ang natanggap ng mga Levita na mula sa lupain na pagmamay-ari ng mga Israelita ay 48 bayan lahat, kasama ang kani-kanilang pastulan.
43 Kaya ibinigay ng Panginoon sa Israel ang lahat ng lupain na ipinangako niya sa mga ninuno nila. Sinakop nila ang mga ito at doon nanirahan. 44 Binigyan sila ng Panginoon ng kapahingahan sa mga kalaban nila sa paligid ayon sa ipinangako ng Panginoon sa mga ninuno nila. Hindi sila natalo ng mga kalaban nila dahil pinagtagumpay sila ng Panginoon sa lahat ng kalaban nila. 45 Tinupad ng Panginoon ang lahat ng ipinangako niya sa mga mamamayan ng Israel.
Footnotes
- 21:11 ama: o, ninuno.
Joshua 21
New International Version
Towns for the Levites(A)
21 Now the family heads of the Levites approached Eleazar the priest, Joshua son of Nun, and the heads of the other tribal families of Israel(B) 2 at Shiloh(C) in Canaan and said to them, “The Lord commanded through Moses that you give us towns(D) to live in, with pasturelands for our livestock.”(E) 3 So, as the Lord had commanded, the Israelites gave the Levites the following towns and pasturelands out of their own inheritance:
4 The first lot came out for the Kohathites,(F) according to their clans. The Levites who were descendants of Aaron the priest were allotted thirteen towns from the tribes of Judah, Simeon and Benjamin.(G) 5 The rest of Kohath’s descendants were allotted ten towns from the clans of the tribes of Ephraim, Dan and half of Manasseh.(H)
6 The descendants of Gershon(I) were allotted thirteen towns from the clans of the tribes of Issachar,(J) Asher,(K) Naphtali and the half-tribe of Manasseh in Bashan.
7 The descendants of Merari,(L) according to their clans, received twelve(M) towns from the tribes of Reuben, Gad and Zebulun.(N)
8 So the Israelites allotted to the Levites these towns and their pasturelands, as the Lord had commanded through Moses.
9 From the tribes of Judah and Simeon they allotted the following towns by name 10 (these towns were assigned to the descendants of Aaron who were from the Kohathite clans of the Levites, because the first lot fell to them):
11 They gave them Kiriath Arba(O) (that is, Hebron(P)), with its surrounding pastureland, in the hill country of Judah. (Arba was the forefather of Anak.) 12 But the fields and villages around the city they had given to Caleb son of Jephunneh as his possession.(Q)
13 So to the descendants of Aaron the priest they gave Hebron (a city of refuge(R) for one accused of murder), Libnah,(S) 14 Jattir,(T) Eshtemoa,(U) 15 Holon,(V) Debir,(W) 16 Ain,(X) Juttah(Y) and Beth Shemesh,(Z) together with their pasturelands—nine towns from these two tribes.
17 And from the tribe of Benjamin they gave them Gibeon,(AA) Geba,(AB) 18 Anathoth(AC) and Almon, together with their pasturelands—four towns.
19 The total number of towns(AD) for the priests, the descendants of Aaron, came to thirteen, together with their pasturelands.(AE)
20 The rest of the Kohathite clans of the Levites were allotted towns from the tribe of Ephraim:
21 In the hill country of Ephraim they were given Shechem(AF) (a city of refuge for one accused of murder) and Gezer,(AG) 22 Kibzaim and Beth Horon,(AH) together with their pasturelands—four towns.(AI)
23 Also from the tribe of Dan they received Eltekeh, Gibbethon,(AJ) 24 Aijalon(AK) and Gath Rimmon,(AL) together with their pasturelands—four towns.
25 From half the tribe of Manasseh they received Taanach(AM) and Gath Rimmon, together with their pasturelands—two towns.
26 All these ten towns and their pasturelands were given to the rest of the Kohathite clans.(AN)
27 The Levite clans of the Gershonites were given:
from the half-tribe of Manasseh,
Golan in Bashan(AO) (a city of refuge for one accused of murder(AP)) and Be Eshterah, together with their pasturelands—two towns;
28 from the tribe of Issachar,(AQ)
Kishion,(AR) Daberath,(AS) 29 Jarmuth(AT) and En Gannim,(AU) together with their pasturelands—four towns;
30 from the tribe of Asher,(AV)
32 from the tribe of Naphtali,
Kedesh(AZ) in Galilee (a city of refuge for one accused of murder(BA)), Hammoth Dor and Kartan, together with their pasturelands—three towns.
33 The total number of towns of the Gershonite(BB) clans came to thirteen, together with their pasturelands.
34 The Merarite clans (the rest of the Levites) were given:
from the tribe of Zebulun,(BC)
Jokneam,(BD) Kartah, 35 Dimnah and Nahalal,(BE) together with their pasturelands—four towns;
36 from the tribe of Reuben,
38 from the tribe of Gad,
Ramoth(BI) in Gilead(BJ) (a city of refuge for one accused of murder), Mahanaim,(BK) 39 Heshbon and Jazer,(BL) together with their pasturelands—four towns in all.
40 The total number of towns allotted to the Merarite clans, who were the rest of the Levites, came to twelve.(BM)
41 The towns of the Levites in the territory held by the Israelites were forty-eight in all, together with their pasturelands.(BN) 42 Each of these towns had pasturelands surrounding it; this was true for all these towns.
43 So the Lord gave Israel all the land he had sworn to give their ancestors,(BO) and they took possession(BP) of it and settled there.(BQ) 44 The Lord gave them rest(BR) on every side, just as he had sworn to their ancestors. Not one of their enemies(BS) withstood them; the Lord gave all their enemies(BT) into their hands.(BU) 45 Not one of all the Lord’s good promises(BV) to Israel failed; every one was fulfilled.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

