Add parallel Print Page Options

17 Isang bahagi ng lupain ang ibinigay sa lipi ni Manases, sapagkat siya'y panganay ni Jose. Ibinigay ang Gilead at Bashan kay Maquir na ama ni Gilead, anak na panganay ni Manases, sapagkat siya'y isang mandirigma. Binigyan din ng kani-kanilang bahagi sa lupain ang mga angkan nina Abiezer, Helec, Asriel, Shekem, Hefer at Semida. Sila ang mga anak na lalaki ni Manases, at mga pinuno ng kani-kanilang angkan. Ngunit si Zelofehad na anak ni Hefer at apo ni Gilead na anak naman ni Maquir at apo ni Manases, ay walang anak na lalaki. Babae lahat ang anak niya, at ang pangalan nila'y Mahla, Noa, Hogla, Milca at Tirza. Lumapit(A) sila kay Eleazar na pari, kay Josue na anak ni Nun, at sa mga pinuno ng bayan. Sinabi nila, “Iniutos ni Yahweh kay Moises na bigyan din kami ng lupain, gaya ng ginawa niya sa iba naming kapatid.” Kaya't ayon sa utos ni Yahweh, binigyan din sila ng bahagi tulad ng kanilang mga kamag-anak na lalaki. Ito ang dahilan kung bakit ang lipi ni Manases ay tumanggap pa ng sampung parte, bukod sa Gilead at Bashan sa kabila ng Jordan. Binigyan din ng kanilang kaparte ang mga anak na babae. Ang Gilead ay napunta sa ibang mga anak na lalaki ni Manases.

Ang lupain ng lipi ni Manases ay mula sa Asher hanggang sa Micmetat na nasa tapat ng Shekem. Buhat doon, nagtuloy ang hangganan sa En-tapua. Talagang bahagi ng Manases ang lupain ng Tapua, ngunit ang bayan ng Tapua na nasa gilid ng hangganan ng Manases ay kabilang sa mga bayang napapunta sa lipi ni Efraim. Ang hanggana'y nagtuloy sa batis ng Cana, namaybay rito, at nagtapos sa Dagat Mediteraneo. Bahagi ng Efraim ang mga lunsod na nasa timog ng batis, kahit na malapit ang mga ito sa mga lunsod ng Manases. 10 Ang lupain ng Efraim ay nasa timog ng batis at ang lupain ng Manases ay nasa hilaga. Ang Dagat Mediteraneo ang hangganan nila sa kanluran. Katabi ng lipi ni Manases ang Asher sa dulong hilaga, at ang Isacar sa dakong silangan. 11 Sa loob ng lupain ng Isacar at Asher ay may mga lunsod pa ring napunta sa lipi ni Manases: ang mga lunsod ng Beth-sean at Ibleam, pati ang mga nayon sa paligid, gayundin ang mga naninirahan sa Dor, Endor, Taanac at Megido, at sa kanilang mga nayon sa paligid. 12 Ngunit(B) hindi napaalis lahat ng mga taga-Manases ang mga naninirahan sa mga nasabing lunsod, kaya't nanatili roon ang mga Cananeo. 13 Subalit nang maging mas makapangyarihan ang mga Israelita, hindi na nila lubusang pinaalis ang mga Cananeo ngunit sapilitan nilang pinagtrabaho ang mga ito bilang alipin.

14 Lumapit kay Josue ang mga lipi ni Jose at kanilang sinabi, “Bakit iisang bahagi ang ibinigay mo sa amin, gayong napakarami namin sapagkat pinagpala kami ni Yahweh?”

15 Sumagot si Josue, “Kung hindi sapat sa inyo ang kaburulan ng Efraim, pasukin ninyo at linisan ang mga kagubatan sa lupain ng mga Perezeo at mga Refaita.”

16 Tumutol pa ang mga lipi ni Jose, “Hindi pa rin sapat sa amin ang kaburulan. Hindi naman namin kaya ang mga Cananeo sa kapatagan sapagkat sila'y may mga karwaheng bakal; gayundin ang mga Cananeo sa Beth-sean, sa mga nayon sa paligid, at sa Kapatagan ng Jezreel.”

17 Sumagot muli si Josue, “Kayo'y napakarami at makapangyarihan. Hindi lamang iisa ang magiging kaparte ninyo. 18 Mapapasa-inyo ang kaburulan. Kahit na kagubatan pa ngayon, lilinisan ninyo at titirhan ang kabuuan niyon. Mapapalayas ninyo ang mga Cananeo kahit na makapangyarihan sila at may mga karwaheng bakal.”

17 以下是约瑟的长子玛拿西支派分到的土地:玛拿西的长子、基列的父亲玛吉是个战士,因此分到了基列和巴珊两地。 玛拿西其他的子孙也按宗族分到了土地,他们属于亚比以谢、希勒、亚斯列、示剑、希弗和示米大宗族。这些男子按宗族都是约瑟的儿子玛拿西的后代。 玛拿西的玄孙、玛吉的曾孙、基列的孙子、希弗的儿子西罗非哈没有儿子,只有五个女儿,名叫玛拉、挪阿、曷拉、密迦、得撒。 她们来见祭司以利亚撒、嫩的儿子约书亚和各首领,说:“耶和华曾经吩咐摩西在我们亲族中分给我们产业。”约书亚便照耶和华的吩咐,让她们在叔伯中也分到产业。 除了约旦河东的基列和巴珊两地以外,玛拿西人还分到十块土地, 因为在玛拿西的后代中,女性也分到了产业。玛拿西其他的子孙分到基列地区。

玛拿西支派分到的产业从亚设开始,到示剑东面的密米他,再向南到隐·他普亚人居住的地方。 他普亚地属于玛拿西,但在玛拿西边界上的他普亚城属于以法莲的子孙。 边界继续向南到加拿河,在河南侧玛拿西境内的城邑都归以法莲。玛拿西的边界沿着加拿河北侧直到地中海。 10 这样,南面归以法莲,北面归玛拿西,西部边界是地中海,北接亚设,东邻以萨迦。 11 在以萨迦和亚设境内,玛拿西拥有伯·善、以伯莲、多珥、隐·多珥、他纳和米吉多及其附近的乡村。 12 可是,玛拿西人没能把这些城邑的迦南人赶走,因为他们执意不肯离开。 13 当以色列人国势强盛的时候,就让迦南人服劳役,但始终没有把他们完全赶走。

14 约瑟的子孙对约书亚说:“耶和华赐福给我们,使我们人口众多,为什么你只让我们抽一支签,分一份产业呢?” 15 约书亚对他们说:“如果你们人口众多,认为以法莲山区窄小,你们可以到比利洗人和利乏音人居住的地方开辟林区。” 16 他们答道:“那些地方不够我们住,何况住在伯·善一带和耶斯列平原的迦南人都有铁战车。” 17 约书亚对约瑟的子孙以法莲人和玛拿西人说:“你们人口众多,势力强大,不应只得一签之地, 18 山区也要分给你们,虽然全是森林,但可以开辟土地,使整个地区归你们。虽然迦南人强盛,有铁战车,但你们能够赶走他们。”