Add parallel Print Page Options

Ang mana ng mga anak ni Manases.

17 At ito ang kapalaran ng lipi ni Manases; sapagka't siya ang (A)panganay ni Jose. Tungkol kay Machir na panganay ni Manases, na ama ni (B)Galaad, sapagka't siya'y lalaking mangdidigma, ay kaniya ngang tinangkilik ang Galaad at ang Basan.

At ang napasa (C)ibang mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan, (D)sa mga anak ng Abiezer, at sa mga anak ng Helec, at sa mga anak ng Esriel, at sa mga anak ng Sichem, at sa mga anak ng Hepher, at sa mga anak ng Semida; ang mga ito ang mga anak na lalake ni Manases na anak ni Jose, ayon sa kanilang mga angkan.

Nguni't si Salphaad na anak ni Hepher, na anak ni Galaad na anak ni Machir, na anak ni Manases, ay hindi nagkaroon ng mga anak na lalake kundi mga babae: at ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak: Maala, at Noa, Hogla, Milcha, at Tirsa.

Read full chapter