Add parallel Print Page Options

Ang mana ng mga anak ni Juda.

15 At naging kapalaran ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan ay hanggang (A)sa hangganan ng Edom; hanggang sa (B)ilang ng Zin na dakong timugan, sa kahulihulihang bahagi ng timugan.

Read full chapter

Mga hangganan ng pagbabahagihan ng mga lupain.

13 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ito ang magiging hangganan, na inyong pagbabahagihan ng lupain na pinakamana ayon sa labing dalawang lipi ng Israel: (A)ang Jose ay magkakaroon ng dalawang bahagi.

14 At inyong mamanahin, ng isa na gaya ng iba; sapagka't aking isinumpa na ibigay ito sa inyong mga magulang: at ang lupaing ito ay mahuhulog sa inyo na pinakamana.

15 At ito ang magiging hangganan ng lupain: Sa dakong hilagaan, (B)mula sa malaking dagat, sa daang Hethlon, hanggang sa pasukan sa Sedad;

16 Hamath, Berotha, Sibrahim, na nasa pagitan ng hangganan ng Damasco at ng hangganan ng Hamath; Haser-hatticon na nasa tabi ng hangganan ng Hauran.

17 At ang hangganang mula sa dagat ay magiging ang Hazar-enon sa hangganan ng Damasco, at nasa hilagaan na dakong hilagaan ang hangganan ng Hamath. Ito ang dakong hilagaan.

18 At ang dakong silanganan, ang pagitan ng Hauran at ng Damasco at ng Galaad, at ang lupain ng Israel, ay siyang magiging Jordan; mula sa hilagaang hangganan hanggang sa silanganang (C)dagat ay inyong susukatin. Ito ang dakong silanganan.

19 At ang timugang dako na gawing timugan ay magiging mula sa Tamar hanggang sa (D)tubig ng Meribot-cades, sa batis ng Egipto, hanggang sa malaking dagat. Ito ang timugang dako na gawing timugan.

20 At ang dakong kalunuran ay magiging ang malaking dagat, mula sa hangganang timugan hanggang sa tapat ng pasukan sa Hamath. Ito ang dakong kalunuran.

21 Gayon ninyo hahatiin ang lupaing ito sa inyo ayon sa mga lipi ng Israel.

Read full chapter