Add parallel Print Page Options

(A)Gayon ma'y pinapanglumo ng mga kapatid na kasama ko ang puso ng bayan: nguni't ako'y (B)lubos na sumunod sa Panginoon kong Dios.

At si Moises ay sumumpa nang araw na yaon, (C)na nagsasabi, Tunay na ang lupain na (D)tinuntungan ng iyong paa ay magiging isang mana sa iyo at sa iyong mga anak magpakailan man, sapagka't sumunod kang lubos sa Panginoon kong Dios.

10 At ngayon, narito, iningatan akong buhay ng Panginoon, gaya ng (E)kaniyang sinalita, nitong apat na pu't limang taon, mula nang panahon na salitain ng Panginoon ang salitang ito kay Moises, samantalang lumalakad ang Israel sa ilang; at ngayon, narito, sa araw na ito ako'y may walong pu't limang taon na.

Read full chapter