Add parallel Print Page Options

Ang Hebron ay Ibinigay kay Caleb

Nang(A) magkagayo'y lumapit ang mga anak ni Juda kay Josue sa Gilgal; at sinabi sa kanya ni Caleb na anak ni Jefone na Kenizeo, “Nalalaman ninyo ang sinabi ng Panginoon kay Moises, na tao ng Diyos, tungkol sa akin at tungkol sa iyo sa Kadesh-barnea.

Ako'y(B) apatnapung taon nang ako'y suguin ni Moises na lingkod ng Panginoon mula sa Kadesh-barnea upang lihim na siyasatin ang lupain; at dinalhan ko siya ng ulat na gaya ng nasa aking puso.

Subalit pinapanghina ng mga kapatid na kasama ko ang puso ng bayan; ngunit ako'y lubos na sumunod sa Panginoon kong Diyos.

Read full chapter