Add parallel Print Page Options

Nang magkagayo'y lumapit ang mga anak ni Juda kay Josue sa Gilgal: at sinabi sa kaniya ni Caleb na anak ni (A)Jephone na Cenezeo, Iyong (B)talastas ang bagay na sinalita ng Panginoon kay Moises na (C)lalake ng Dios, tungkol sa akin at tungkol sa iyo sa Cades-barnea.

Ako'y may apat na pung taon nang ako'y (D)suguin ni Moises na lingkod ng Panginoon mula sa Cades-barnea upang tiktikan ang lupain; at aking dinalhan ng sagot siya ng gaya ng nasa aking puso.

(E)Gayon ma'y pinapanglumo ng mga kapatid na kasama ko ang puso ng bayan: nguni't ako'y (F)lubos na sumunod sa Panginoon kong Dios.

Read full chapter